Chapter XXXII

80 6 9
                                    

Chapter 32.


III Person's POV

"Saan ka pala natulog kahapon, kuya?"

Pagkapasok ni Kenji sa loob ng bahay ay naabutan niya si Winston na nanonood ng T.V. sa sala. Hindi na siya nagtaka nang tanungin siya ng kapatid niya.

"Kina Claude, nag-breakfast na kayo?" Tanong niya at tumango naman si Winston. Dumiretso si Kenji sa kwarto at nagsimulang magbihis.

Aalisin na sana niya ang shirt na suot niya nang biglang pumasok si Winston sa kwarto niya. "Mamaya ka na magtanong, pagkatapos kong magbihis."

Pinasadahan muna saglit ni Winston ang hawak na damit ng kuya niya bago sumimangot at dahan-dahang sinara ang pinto.

Napabuntong hininga na lang si Kenji nang makita niya ang sarili sa salamin. Hindi sapat ang pagpapalit ng damit kaya dumiretso siya sa shower room para maligo.

Pagkatapos niya ay presente niyang inayos ang buhok sa salamin. Hanggang sa nakatanggap siya ng tawag.

Binalingan niya saglit ang phone sa ibabaw ng maliit na night table bago 'yon kinuha at sinagot.

"Confirmed. Nangyari na yung inaasahan kong mangyari."

Natigilan si Kenji at napatingin saglit sa screen ng hawak niyang phone. At doon lang niya napansing si attorney Hoshino ang tumawag sa kanya.

"Ano po 'yun?" Kinakabahan niyang tanong. Hindi pa tumatawag si Zhea sa kanya sa ganoong tono kaya hindi maganda ang kutob niya.

"Mrs Vergara filed a lawsuit against Kim.. We have to move now."





Kim's POV

"Sure thing! Hindi na ulit 'yon pwedeng mangyari. Baka mahuli na kayo no'n, Kim. Delikado."

Kasalukuyan kaming nakaupo sa sahig. Tinuturuan ako ngayon ni Ashley tungkol sa mga bagong lessons. Ngayon ko lang din nalamang sabay ang schedule nila ni Kenji. Hindi lang niya nabanggit sa akin dahil nakalimutan niya dahil na rin sa pag-aasikaso sa mga school works niya.

"'D-Di na 'yon mauulit."

Pinanlisikan ako ng tingin ni Ashley na para bang pinagduduhan niya ako. Sinabi ko kasi sa kanya na lumabas kami ni Kenji. Hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin 'yung nangyari. "Wala akong tiwala sa'yo. Mabilis ka pa namang bumigay pag dating sa kanya."

Marahan akong nag-iwas ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Ganito na lang, babalaan ko si Kenji na 'pag umalis pa kayo ng bahay, ako na mismo magsasabi kay a—"

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay tinakpan ko na ang bunganga niya. Hindi ko alam kung abot ang boses niya sa labas pero masyado kasing malakas ang pagkakasabi niya. Baka marinig nila ate, mahirap na.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Oo na, alam ko namang risky 'yon.. tsaka hindi naman ako basta sumama. Akala ko kasi nagpaalam siya kay ate Kate kaya pumayag ako.." Mahinang sabi ko.

Saglit pa niya akong pinanlisikan ng mata bago tumango-tango. "Okay.. muka namang nagsasabi ka ng totoo."

Inayos ko ang mga gamit sa harapan ko bago tinuloy ang kanina naming ginagawa. Binabasa ko ang mga notes ni Ashley at nagtatanong sa kanya kapag nalilito ako, habang siya ay inaayos ang kuko niya gamit ang nail tools na hiniram niya kay ate Kate.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now