Chapter XVI ⚠︎

154 10 11
                                    

Chapter 16.





Kim's POV

"Kenji, nasaan ka na??" Sigaw ko.

Kung saan-saan na umikot ang mata ko pero hindi ko siya makita.

Napahawak ako sa puso ko nang may marinig ulit akong pagsabog.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Lumingon ako dito at bumungad sa akin si miss Rima. Ang librarian namin.

May namumuo nang luha sa mga mata ko dahil sa pag-aalala pero hindi ko 'yon pinansin at tinanaw ulit ang loob ng Avondale. Nagdalawang isip kung papasok ba ako doon o hindi.

Bago pa ako makapag-desisyon ay hinila na ako ni miss Rima papalayo. Dinala niya ako sa malapit na picknick field.

"Bakit nakatayo ka lang doon??" Nag-aalalang tanong niya sa 'kin. Hinawakan niya ang balikat ko at pinaupo sa upuan.

"S-Si Vince." Wala sa sariling sabi ko.

Naalala kong pumasok si Vincent sa loob ng Avondale bago mangyari ang insidente. Doon siya dumiretso at mukang nagmamadali siya. May alam ba siya? Kung may alam siya dapat sinabi niya sa akin!

"P-Pupuntahan ko si Marcus..." Sabi ko. Hindi na alam ang gagawin.

"Hindi pwede. Baka ikaw pa ang mataaman ng bala. 'Wag matigas ang ulo." Pigil niya sa akin habang pinapagpag ang damit ko.

Hindi ko siya pinakinggan.

Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya at bumalik sa tapat ng Avondale kung saan ako nakapwesto noong narinig ko ang pagsabog.

Napansin kong maraming ng estudyante ang nasa labas.. Marami rin akong nakitang tumatakbo palabas.

Pumikit ako saglit at tumawid na ng mabilis sa kalsada.

Bakas ang pagsabog sa semento malapit sa kinatatayuan ko kanina.

Sinuot ko muna sa ulo ko ang hood ng pullover-jacket ko bago pumasok sa gate.

Tumakbo ako papasok at pasimpleng tinignan ang paligid. Wala akong nakitang bakas ng pagsabog maliban doon sa mga halaman malapit sa fence.

Dumaan ako sa hallway ng library at office. Yumuko ako para walang makakita sa akin.

Nang marating ko ang dulo ay huminga muna ako ng malalim bago lumabas at lumipat sa kabilang building.

Yuyuko na sana ako nang biglang may humawak sa kamay ko.

Lumingon ako sa kanya at bumungad sa akin ang isang batang lalaki. Sinulyapan ko saglit ang I.D. niya at nakita kong 4th grader pa lang siya.

Bakit siya nasa labas??

Napaatras ako nang bigla niyang ilahad sa akin ang baril na tinatago niya sa likod kanina.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now