Chapter XIV

135 10 11
                                    

Chapter 14.

Kenji's POV

"Kenji, samahan mo 'ko sa library."

Nag-aasikaso ako ngayon ng portfolio sa labas ng building ng 1st year. Inutusan kasi ako ni sir Jet kunin ang portfolio ng isang estudyante niya dito.

Nakita kong inayos ni Claude ang buhok niya at diniliaan ang labi. Mukang naiinip na siya kaya binilisan ko na ang kilos.

Nang matapos ako sa ginagawa ay nagsimula na akong maglakad. Sumunod naman agad siya sa likod ko.

"Ano pa lang gagawin mo do'n?" Tanong ko.

"May hihiramin lang akong libro. Naiwan ko kasi sa bahay."

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng building ng library at faculty.

Naglalakad kami sa hallway nang may makasalubong kaming matangkad na lalaki. Naningkit ang mata ko nang mamukaan ko kung sino 'yon.

"Good afternoon sir." Narinig kong bati ni Claude.

"Good afternoon." Bati niya pabalik at nilagpasan na kami.

Nakakailang hakbang pa lang kami pero hindi ko napigilang lingunin si sir Raze.

Biglang may pumasok sa ala-ala ko kaya napahawak ako sa bakal malapit sa 'kin.


"Si sir Raze, siya ata yung target nila."


"Psst Kenji! maghihintay ka lang dito sa labas?" Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Claude. Nilingon ko siya at nakita kong nasa tapat na siya ng library.

Sumunod na ako sa kanya at pumasok na din sa loob. Nagsimula na siyang tumingin sa mga shelves. Ako naman ay nakatingin lang sa likod niya habang naghahanap siya ng libro.

"Claude.." Mahina kong tawag.

"Hmm?"

Tinignan ko muna ang paligid bago magsalita. "Naalala mo yung issue ng Greaves at Hoshino?"

Nilingon niya ako saglit bago sumagot. "Oo.. hindi ko nga naintindihan yung side nung Killian Greaves."

"Hindi ko din maintindihan yung side ng mga Hoshino.." Sagot ko naman.

"Wala namang nakakalam sa buong sitwasyon nila.. Mas maganda ng tumahimik kesa maki ride sa mga conclusions na pinapakalat nila." Sabi niya habang tinitignan ang hawak niyang libro.

Balak ko pa sanang magsalita nang may pumasok na namang ala-ala sa utak ko.

·

"Next month."

"Anong meron next month??"

"Next month sila aatake..'yon ang narinig ko. Kaya dapat ngayon pa lang, higpitan na nila ang security dito, baka kung ... "

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now