Chapter XXV

110 7 22
                                    

Chapter 25.

Pinunasan ko ang luha ko nang marinig ko ang boses ni ate Kate sa labas. Tinatawag niya ako.

"W-Wait lang." Malakas na sabi ko. Bago pa ako makalapit sa pinto ay binuksan na niya yon.

"Sama daw tayo kay ate Shaye mo." Bungad niya sa akin.

"S-Saan? Bawal akong lumabas ate."

"Alam namin! Pero kailangan kasi." Mahinang sabi niya. "Okay lang 'yan, madali ka lang naman itago. Liit-liit mo."

"Saan ba tayo pupunta?" Naguguluhang sabi ko.

"Kay attorney." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Hay nako, 'wag nang maraming tanong." Sabi niya at marahan akong hinila pababa.

Pagkababa ko ay nadatnan ko si ate Shaye na naghihintay sa amin sa tapat ng pinto. May hawak siyang folder habang nakatanaw sa labas.

"Bakit kailangan kasama pa ako, ate?" Mahinang tanong ko sa kanya nang makalapit ako.

"Hindi ko din alam." Sagot niya at bahagyang inayos ang buhok ko. "Tara na."

Inaayos ko saglit ang damit ko bago lumabas. Hindi na ako nakapagpalit ng damit kasi hinila na ako ni ate Kate kaya eto ako ngayon, nakasuot ng pajama.

Pinuwesto ako ni ate Kate sa likod ng kotse kung saan may malaking puting box. Doon ako umupo at nagtakip gamit ang jacket. Tagumpay naman kaming nakalagpas sa guard house nang hindi ako nakikita.

"Lumipat ka na dito dali!" Mahinang sabi ni ate Kate kaya pumwesto na ako sa tabi niya. Pinasuot niya sa akin ang jacket na kaninang hawak ko at sinuotan pa niya ako ng sunglasses.

Tahimik lang akong nakatingin sa bintana at tinatanaw ang mga taong naglalakad sa sidewalk. Huminga ako ng malalim nang maalalang baka isa sila sa mga humuhusga sa akin.

"Naandito na tayo."

Nagtaas ako ng tingin nang sabihin yon ni ate Shaye.

Pagtingin ko sa bintana ay bumungad sa akin ang building na kulay itim, kung hindi ako nagkakamali ay charcoal black yon, pati ang gate ay itim din. Yung mga halaman lang ata ang tanging kulay na naiiba.

"Hindi ba papa ni Zhea yung CEO???" Tanong ulit ni ate Kate.

"Ewan ko." Sagot niya pagkapark ng kotse. "Baba na."

Pagbaba ko pa lang ay naramdaman ko agad ang malamig na hangin sa balat ko. Naramdaman ko na naman ang bigat sa dibdib ko kaya napahawak ako sa doon para pakalmahin ang sarili ko.

"A-Ah ate, susunod na lang po ako."

Matagal niya akong tinignan bago sumagot. "Basta 'wag mong tatanggalin yang jacket mo."

Tumango ako at nagsimula naman silang maglakad. Dumiretso ako sa bench na nahagip ng mata ko. Doon ako umupo at tumungo sa lamesa habang pinakiramdaman ang lamig na dala ng hangin.

Hindi ko na kayang umiyak.

"Kim."

Nawala ang iniisip ko nang may marinig akong tumawag sa akin. Naramdaman kong hinawi niya ang buhok ko na nakapagpatunghay sa akin ng wala sa oras. Napasinghap ako nang makita ko si Kenji.

Kumunot ang noo niya sa akin. "Bakit ka na'ndito?"

Tumayo ako at umatras. "I-Ikaw.. bakit ka na'ndito??" Tanong ko pabalik.

Lumapit siya sa akin at bago pa ako makaatras ay niyakap niya ako. Hindi 'yon mahigpit pero hindi ko kayang kumawala. Pumikit ako at pinakiramdaman siya.

Nang humiwalay siya sa pagkakayap ay bahagya niyang inayos ang buhok ko na para bang isa akong bata. "Bawal ka dito."

Umiwas ako saglit ng tingin nang mapansin kong lumalim ang tingin niya sa akin. "B-Bawal tayong magkita."

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now