Chapter XLII ⚠︎

198 8 22
                                    

Chapter 42.



"Kim, gising."

Kinusot-kusot ko pa ang mata ko bago bumangon.

"Kim, gising na."

Napatingin agad ako sa alarm clock nang makaupo sa kama, hindi inaalintana si ate Kate sa harapan ko. Gano'n na lang ang pagkataranta ko nang makitang seven-thirty na pala.

Nagmadali akong bumaba sa kama at nagpunta sa banyo para maghilamos. Wala na akong oras para kumuha ng damit kaya si ate Kate na ang naghanda sa akin ng mga 'yon. Nagbihis na din ako agad pagkatapos kong punasan ng mabilis ang katawan ko. Kulang na rin ako sa oras para kumain kaya hinablot ko na agad ang mga gamit ko bago bumaba.

"Ate, alis na ako." Paalam ko bago sumakay sa kotse ni papa.

"Saglit." Sabi niya sabay pagpag ng uniform ko. "Kumain ka sa school mo ah? May nilagay akong sandwich sa loob ng bag mo." Bilin niya pa. Tumango na lang ako at ngumiti bago nagmadaling pumasok sa kotse.

Nang makaupo, tinuon ko lang ang sarili sa bintana, tahimik na pinagmamasdan ang asul na langit hanggang sa magsimulang umandar ang kotse.

Nababawasan ang alalahanin ko tuwing pinagmamasdan ko ang kalikasan. Pakiramdam ko ay niyayakap ako ng hangin at pinapakalma ako ng langit.

Nawala ang atensyon ko doon nang may marinig akong tumunog sa loob ng bag ko. Binuksan ko 'yon agad at nakita koang phone kong biglang umilaw.

Napasinghap ako nang may naalala ako bigla.

Thursday...

Ngayon na 'yung araw ng bukas.

Mabigat ang paghinga ko habang nakatingin sa phone ko. Natatakot tuloy akong kunin. Natatakot akong buksan.

May malaking parte sa aking umaasang sana si Kenji 'yon.. At natatakot ako kung sakaling mabigo na naman ako kagaya nang mga nakaraan na parati akong umaasa na sana pangalan na niya ang makita ko tuwing bubuksan ko 'yon.

Huminga ako ng malalim bago 'yon inabot. Kinakabahan ako.

Bumigat lalo ang paghinga ko habang binubuksan ang inbox ko.

At gano'n na lang tumigil ang paligid ko.. nang wala akong nakitang pangalan niya.




Faith: kita tayo sa gym, break time:)




"F-Faith," bulong ko.

Ikaw lang pala.

Tinitigan ko ang screen ng phone ko, umaasa. Umaasang pangalan na niya ang susunod kong makita.

Bawat araw na umaasa ako, gano'n pa rin ang epekto sa 'kin tuwing wala akong natatanggap na mensahe galing sa kanya.

May biglang pumatak sa screen kaya natataranta akong kinuha ang panyo sa bulsa ko. Ayokong may makakitang umiiyak na naman ako lalo na at na'ndito si papa.

Binaba ko saglit ang phone sa binti ko nang mapansin kong bumabagal na ang andar ng kotse. Tumingin ako kay papa at muka namang hindi niya ako napapansin.

Napabaling naman ako sa bintana at doon ko lang napansing nasa tapat na pala kami ng University.

"Ingat."

Ngumiti ako kay papa bago kumaway. "Thank you, pa. Ikaw din ah." Sabi ko. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako nagsimulang maglakad.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now