Special Chapter II

122 6 31
                                    

A/N: Happy Sunday 🔆





Part 2.

"Hindi sila bagay."

Kasalukuyan kaming nasa food mart. Kasama ko ngayon sina Faith at Raiden. Sumabay lang siya sa 'min kasi nagkasabay kaming pumunta dito.

"Mas magaan yung chemistry niyo, Kim. Kami yung mas bagay ni Jashley." sabi ni Raiden.

"Dami mo namang crush?" kunot-noong sabi ni Faith.

"Hindi pwedeng magjoke?" sabi ni Raiden pero sinamaan lang siya ng tingin ni Faith at humarap sa akin.

"Magpartner pa rin sila 'diba?" tanong sa akin ni Faith.

Tumango ako.

Huminga ako ng malalim. Tinaggihan ko kasi yung offer ni Kenji na ako ang papalit kay Jashley. Bukod kasi sa ayoko pang bumalik sa pagmomodel ay ayokong masira yung nasimulan nila. Alam naman ng mga tao na hindi single si Kenji at hindi sila ni Jashley, ayos na sa akin 'yon. Ayokong masyadong pasukin ang buhay ni Kenji kahit 'yon pa ang gusto niya.

"Kung gusto mong pagselosin si Kenji, na'ndito lang ako." Nakangising sabi ni Raiden kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ayoko.." sabi ko bago kumain ng isang squidball.

"Count on me if you change your mind." sabi niya ulit habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

Umiling ako bago niligpit ang mga gamit ko sa table namin.

Mahina akong huminga ng malalim bago tumayo at nagpaalam na sa kanila. Sabi kasi ni Kenji ay sabay kaming maglunch ngayon. Maaga lang kaming pinalabas kanina kaya na'ndito kami ngayon sa food mart.

Naglalakad ako ngayon papuntang cafeteria. Habang papalapit ay nakita ko kaagad si Kenji sa tapat ng entrance. Muka siyang may kausap at hindi nga ako nagkamali.

Ano namang pinag-uusapan nila?

Gusto kong umatras at bumalik na sa building namin pero animong ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Nakatitig lang ako sa kanila habang nag-uusap. Mukang mahinahon si Kenji sa pagsagot habang si Jashley naman ay mukang masaya.

Humigpit ang hawak ko sa panyo nang dahil doon.

Gusto ko siyang kumprontahin tungkol sa iniisip ko. Gusto ko siyang tanungin ngayon. Gusto kong malaman sa kanya kung may gusto ba siya kay Kenji.

Sinundan ko ng tingin si Jashley nang maglakad siya palayo.

Mukang tapos na silang mag-usap.

Napatingin naman ako kay Kenji na mukang sinundan din ng tingin si Jashley.

Biglang lumambot ang ekspresyon ko dahil doon. Paano kung may gusto din siya sa kanya?

Bigla siyang tumingin sa relo niya at luminga-linga. Mukang hinahanap na ako. Wala na tuloy akong nagawa kun'di tumakbo papalapit sa kanya.

Napansin niya ako agad nang tumabi ako sa kanya. Nginitian niya ako bago ako hinawakan sa kamay.

Hinila niya ako papasok ng cafeteria kaya naudlot yung dapat na itatanong ko sa kanya.. Na kung ano 'yung pinag-usapan nila ni Jashley.

"Anong gusto mo?" tanong niya sa akin nang makalapit sa counter.

"K-Kahit ano." sabi ko. Hindi ko alam pero bigla akong nasaktan sa oras na 'yun.

Gusto kong sabihin sa kanya pero pinipigilan ako ng sarili ko.

Hindi ko maiwasang hindi mag-isip. Ginagawa din kaya niya 'to kay Jashley?

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now