Chapter XXIX

81 6 9
                                    

Chapter 29.

Nakababa lang ang paningin ko habang naglalakad. Napansin kong lumalayo na sa akin si Shannon kayo tumakbo papalapit sa kanya. Naiiwanan na pala ako.

"Shannon." Papalabas na kami ng mall nang maisipan ko siyang tawagin. Mukang hindi niya ako narinig kaya lumapit ako sa tabi niya.

"M-Maganda ba sa Casville?" Alanganin kong tanong.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano sisimulan. Gusto kong itanong yung tungkol sa mga rumors na kumakalat sa university na yon sa kanya pero hindi ko alam kung paano at ano ang sasabihin ko. Aware ba siya sa mga kumakalat na mga balitang yon?

Saglit siyang huminto kaya huminto din ako. "Students there don't give a f*ck. They just study and strive, there's no fun, and that's what I like the most." Sabi niya habang hindi nakatingin sa akin.

Saglit akong nagbaba ng tingin nang masagot niya ang tanong ko. Nasa labas na kami ngayon at kasalukuyang naglalakad papuntang parking lot.

"Just a bunch of nerds. I'd say, people there are quite kind.. if you compare them to me." Sabi niya sabay tawa ng mahina.

"Wala kayong event sa school?" Tanong ko at pasimpleng nilibot ang paningin ko para hanapin si ate Kate. Ang sabi niya kasi ay nasa labas na din siya.

"Meron naman, doon lang ata sila nagkakasundo, tuwing may event." Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto, pero hindi ako pumasok agad sa kotse at tumingin saglit sa kanya.

"A-Andami ko kasing naririnig na sabi-sabi tungkol sa Casville eh. Totoo ba yun?" Mahina kong tanong. Alam kong baka malabuan siya sa mga pinapahiwatig ko simula pa kanina pero kailangan ko din kasing maliwanagan tungkol doon kahit papaano.

"Really?" Sabi niya sabay lingon sa akin. "You know, if all of that came true I wouldn't be surprised at all." Sabi niya sabay lapit sa akin at inalalayan akong pumasok sa loob ng kotse. "Some of them have a mysterious demeanor when you look into their eyes. The negative aura? I'm not sure, Kim. I don't socialize with them, I just do when.. I have to." Sabi niya at umupo na din sa driver's seat.

Pinanood ko lang siyang mag-ayos sa harapan habang maiwan akong tulala.

Naalala ko bigla yung mga students nang minsan akong makapasok sa Casville dahil sa isang program noong elementary. Totoo ang sinabi ni Sean, muka silang hindi namamansin at seryoso sa buhay. May ilang students din naman na ngumingiti sa akin dahil kilala at namumukaan nila ako. Muka naman silang mababait kaya siguro naman ay hindi sila gano'n kasama, hindi katulad ng mga sinasabi ng iba.

"You just have to be careful."

Napaangat ako ng tingin kay Shannon nang magsalita siya ulit. Anong sinabi niya?

Biglang may kumatok sa vent window sa kaliwa ko kaya napalingon ako doon. Nakita ko kaagad si ate Kate kaya agad ko siyang pinagbuksan.

"May nakakita ba sa'yo, Kim ha??" Nag-aalala niyang sabi kaya umiling ako. "Kanina pa ba kayo?"

"No, you're just in time." Si Sean na ang sumagot.

Sumakay na si ate kaya nagsimula nang umandar ang sasakyan.

Binalik ko ang tingin kay Sean at naabutan ko siyang nagsusuot ng earphone sa tenga niya. Nagbaba ako ng tingin dahil doon. May gusto pa sana akong itanong pero sa susunod na lang siguro.

Lumipas ang ilang minuto at huminto na ang sinasakyan namin. Saglit pa akong nagpasalamat kay Sean bago bumaba.

"Tatawagin kita kapag hapunan na." Sabi ni ate Kate sa akin nang papaakyat ako sa hagdan. Wala doon si ate Shaye pero hindi ko na siya tinanong kay ate dahil gusto ko nang magpalit ng pajama. Kanina ko pa suot ang suot ko.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now