Chapter XXVII

84 7 14
                                    

Chapter 27.

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

@Channythegreat∅

Why Ashley the 'bff' taking accountability instead of Kim?

14 retweets   |   5 quote tweets   |   32 likes

▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃

Inline comments

@xqueuethepiesx: maybe she wants a free ride popularity to promote her account

@AcupOf_tea: trying to turn the table and revise the evidence

@Ashleyxwinwin: inamo

·  ·  ·  ·  ·  ·  ·  ·

Inis na binato ni Ashley ang cellphone niya sa kama. Padabog siyang lumabas ng kwarto.

"Paano nila nalamang sa akin yung account na yon???" Inis niyang tanong.

Wala nang nagawa si Ashley kundi burahin ang lahat ng sinabi niya. Hindi na siya nag-abalang magdeact pa dahil hindi yon ang magiging huling beses na ipagtatanggol niya si Kim.

"Ashley? Ba't suot mo yang jacket ng kapatid mo? May pupuntahan ka ba?" Sunod-sunod na tanong ng mama niya.

"Akin po 'to ma, tsaka nagpaalam na ako kay daddy. Kasama ko po si Winrose." Sabi niya habang inaayos ang loob ng maliit niyang pink backpack.

"Ang narinig ko sa kuya mo ay pupunta daw kayo sa mall? Mag-iingat kayo doon."

"Ma, desi-otcho na ako. Kaya ko na 'to 'no! Promise." Nakangiting sabi ni Ashley habang bakas pa rin ang pagkawalan niya ng mood.

Pinaalalanan pa siya ng mommy niya, hanggang sa makarinig sila ng tunog ng doorbell. Unang bumaling si Ashley sa gate at doon nga nakita niya si Winrose.

"Hi po." Bati ni Winrose nang makalapit sila sa gate.

Ngumiti si Mrs. Murphy, ang mama ni Ashley. "Ikaw si Winrose hindi ba?"

"Yes po tita. 'Wag po kayong mag-alala, babantayan ko 'tong anak niyo." Sabi niya, referring to Ashley. Nag-usap pa sila saglit doon bago sila iwanan ni Mrs. Murphy. Nang maiwan silang dalawa ay tinaasan ng kilay ni Winrose ang kaibigan niya. "Ang cute ng fit mo pero yung itchura mo hindi! Bakit nakasimangot ka??"

Mas sumingot si Ashley nang sabihin yon ni Winrose. "I know! Nakakainis kasi!"

"Sino na namang umaway sa'yo?"

Imbis na sumagot ay umiling lang si Ashley, ayaw niyang ipaalam sa kaibigan dahil ayaw na niyang maalala pa yon lalo.

Sumiring si Winrose at hinawakan na ang kamay niya at hinila papasok sa van nila.

Sa gitna ng byahe ay magkakrus lang ang braso ni Ashley kaya panay ang pangmamata ni Winrose.

"Ikaw.. 'wag kang sumingot kasi hindi bagay sa'yo!" Sabi niya sabay pisil sa ilong ni Ashley.

Umiwas ng tingin si Ashley at wala pang limang segundo ay hindi na niya natiis ang kaibigan. Bumuntong hininga siya bago binalik ang paningin sa harapan.

Anterograde TomorrowOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz