Chapter XIX

169 9 21
                                    

Chapter 19.

"Sasamahan mo pa ba ako mamaya?"

Imbis na sagutin ako ay sinuot niya sa akin ang shoulder bag ko. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinitigan ako sa mata.

"Kung aabot ako.." Sabi niya at hinalikan ako sa labi.

Tumalikod na siya sa akin kaya hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya. "Saan ka pupunta?"

Hindi siya sumagot at tinitigan lang ako.

"Kenji.." Mahinang tawag ko.

"Bawal ko sabihin." Mahina niyang sabi.

Huminga ako ng malalim at niyakap siya. "Okay, basta mag-iingat ka?"

"'Wag mo akong alalahanin, Kim." Sabi niya at bumitaw na sa pagkakayakap sa akin. "Babalik din ako agad." Seryoso niyang sabi.

Ngumiti ako ng tipid. "Sige na, 'wag mo din akong alalahanin. Kaya na namin 'yon ni ate."

"Sorry.." Malungkot niyang sabi. "Babawi ako sa susunod." Dagdag niya bago pumasok sa loob ng kotse.

Pinanood ko siyang paandarin ang kotse ni Claude.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga nang tuluyan na siyang nakaalis.

"Kim.." Narinig ko ang boses ni ate Kate kaya lumingon ako sa kanya. "Kamusta na si Marcus?"

Sandali akong bumwelo para makasagot ng maayos. "Okay lang po siya.. Pwede na daw siyang makaalis bukas."

"Naglunch ka na ba?" Tanong niya.

Tumango ako. "Kumain na po kami ni Kenji kanina."

"Ang aga naman?" Tumingin siya sa relo niya. "Eleven pa lang ah?"

"Niyaya niya ako kaya hindi na ako naka-hindi." Sabi ko at sinulyapan saglit ang loob ng bahay. "Alaskwatro ba talaga punta nila dito, ate?" Kinakabahan kong tanong pero hindi ko 'yon pinahalata.

"Nagpunta na sila dito kaninang umaga pagkaalis niyo.. Yung mamayang hapon; for documentary film lang pala 'yon." Sabi niya at sinipa-sipa ang mga tuyot na dahong lumilipad papunta sa lupa.

"Ano pong tinignan nila?" Kinakabahang tanong ko.

"Wala silang nakita pero kakausapin ka nila mamaya."

Hindi ako sumagot at tumingin lang sa lupa.

Naramdaman kong lumapit sa akin si ate kaya tumaas ang paningin ko sa kanya.

"Bakit malungkot ka? H'wag mong masyadong alalahanin 'yon.. Uhm.. pumasok na tayo sa loob. Nasa loob si attorney Zhea." Sabi niya kaya medyo nagulat ako.

"Attorney Zhea?? Bakit?"

"Inayos namin yung kaso mo. Pumunta siya dito para sa makakalap ng evidence galing mismo sa'yo." Seryosong sabi niya at sinenyasan akong maglakad na.

Huminga ako ng malalim at sumunod na kay ate sa loob ng bahay. Sa loob, nakita ko ang isang babae kausap si ate Shaye. Nakasuot siya ng dark blue suit, naka tali ang buhok at mukang seryoso ang pinag-uusapan nila.

"Ah.. attorney Zhea, naandito na si Kim." Sabi ni ate Kate.

Lumingon siya sa amin at sumulyap sa akin. "Oh.. Hi." Sabi niya sabay ngiti. "Upo ka dito, Kim." Sabi niya na agad ko namang sinunod. Umupo ako sa tapat niya.

Mas naging tahimik ang ambiance ng bahay dahil sa awra ni attorney kaya medyo nakaramdam ako ng tensyon.

"You will be my client.. if ever." Sabi niya habang binabasa ang hawak niyang papel. "We discussed about the raid incident partially your case. Tell me... are you innocent?" Tanong niya agad sa akin habang tinitignan ako sa mata.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now