Chapter X

123 11 5
                                    

Chapter 10.

Nadatnan ko ang sarili ko na nakaupo sa lapag at nakatungo lang sa kama. Nakatulog pala ako sa gano'ng posisyon.

Pagkaayos ng kama, lumabas ako ng kwarto at dumiretso agad sa baba. Nadatnan ko si mama na naghahanda na ng umagahan.

"Buti naman at nagising ka na. Umupo ka na dito at kumain ka na."

Tinignan ko saglit ang mga upuan.

"Ma, nasaan si Kim?"

Lumingon siya sa akin at tinitigan ako saglit. "Umalis na kanina. 'Wag kang mag-alala at pinakain ko naman 'yon."

Hindi ako sumagot at nagsimula ng kumain.

Naramdaman ko ang malamig na hanging dumadampi sa balat ko.. Sa hindi inaasahan, narinig ko ang mga sinabi ni Kim kagabi. inatras ko ang upuan at nabitawan ang tinidor kaya napalingon sa akin si mama. Bago pa niya ako mapagalitan ay pinilit ko ang sariling sumubo ng isang kutsara.

Habang kumakain, hindi ko mapigilang maramdaman na naman ang naramdaman ko kagabi. Hindi ko maintindihan at bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi niya kagabi.

Bahagya kong iniling ang ulo ko at pinilit alisin ang pumapasok sa utak ko.

·   ·   ·   ·   ·   ·   ·   ·

Kasalukuyan akong nasa tapat ng school. Kasama ko sina Raiden at Mathew. Inaaya nila akong sumama sa bagong tayong internet café malapit sa bahay nila Raiden.

"Bakit hindi ka pwede??"

"May iba kang pupuntahan?"

Tumango ako bilang sagot. "Sa susunod na lang." Sabi ko kaya hindi na nila ako kinulit pa.

Mabilis umusad ang oras at break time na ngayon. Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng math garden, hinihintay si Kim. Ang sabi niya kasi ay dito kami mag-uusap.

"Kyler!"

Lumingon ako sa tumawag sa akin at bumungad sa akin si Ashley. Bago pa ako makatayo ay nakalapit na siya sa 'kin.

"Hindi makakapunta si Kim. Hindi pa siya tapos eh."

"Siya ang gusto kong makausap." Malumanay kong sabi.

Umikot ang mata niya. "Duh, alam ko." Sabi niya sabay upo sa lamesang nasa tapat ko. "Ano bang pag-uusapan niyo?"

Umiwas ako ng tingin. "Tungkol sa school raid."

Napasinghap siya sa sinabi ko. Lumipat siya sa tabi ko at doon naupo. "Sinabi niya talaga sa'yo?"

Mabilis ko siyang nilingon at kinunutan ng noo. "Alam mo?"

Sumeryoso bigla ang muka niya kaya mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya. "Ako ang una niyang sinabihan." Seryosong niyang sabi.

Inalis ko ang paningin ko sa kanya at sinipa-sipa ang mga batong maliliit na nakita ko sa lupa. "Naputol yung pag-uusap namin kagabi.. Nakwento ba niya sa'yo kung saan nagtago yung tatlong lalaki?"

"Kung saan yung hiding spot nila? Alam mo bang kasama nila si Kim doon mismo?"

Tipid akong tumango. "Alam ko ding hindi niya intensyong bumaril."

"At..?? Alam mo na din kung sinong nabaril—"

"Oo, h'wag kang maingay." Nakakunot-noo kong pigil sa kanya.

Umayos siya ng upo. "Yung hiding spot nila is yung building nila Claude. Doon sa may madaming bushes, doon sila nagtago."

Tinanaw ko ang tinutukoy niyang building. Tumayo ako at didiretso na sana doon nang pigilan niya ako.

Anterograde TomorrowWhere stories live. Discover now