Chapter Twenty Four: Meet The Parents

1.6K 69 10
                                    



10 YEARS AGO



"HINALIKAN mo lang, naging kayo na?" Manghang tanong ni Lemon kay Harlem habang pauwi sila galing school. "Ganun lang?" Interesado siyang malaman kung pano niligawan ng kanyang driver/bodyguard ang asawa nito.


"Hindi ko kasi alam kung paano magtapat noon kay Sonia," nakangiting wika ni Harlem, saka binalingan siya nang huminto sa may stop-light. "Pero huwag mong gagawin yun ha. Ang bata-bata mo pa."


"Oo naman! Ngayon pang nalaman ko mula sa ibang second year students na matapang si Faye. Baka mabuntal lang ako."


Napahalakhak si Harlem. "Nakita ko nga siya sir... mukhang siga yung batang yun."


"Kaya hindi ko alam kung paano siya lalapitan... o kakausapin. Pano ba kasi ang manligaw?"


"E di suyuin mo," sagot ng driver/bodyguard. "Gamitin mo ang charm mo... yung katulad ng ginagawa mo kapag may hinihiling ka sa mommy mo."


"Hindi ko naman siya puwedeng lambingin... di ba niyayakap ko si mommy kapag may hinihingi ako? Baka mabalian ako ng braso kapag ginawa ko yun."


Muling napahalakhak si Harlem. "Baka hindi lang braso ang mabali sayo.... baka pati leeg mo e mapunta sa talampakan!"


Napalunok tuloy siya... saka napaisip. Paano ba niya susuyuin ang katulad ni Faye?




PAGKAIN. Yun ang una niyang naisip na ibigay kay Faye. Dahil hindi pa niya alam kung ano ang mga paboritong pagkain ng dalaga- he started with the usual- chocolates and everything sweet. Marami silang stock ng chocolates sa bahay at kahit dalawang buwan niyang bigyang ng supply ang dalaga- ni hindi mapapansin ng mommy niya na nabawasan ang mga chocolates nila. They have an entire room na para lamang sa mga grocery items- canned goods, candies, biscuits- everything- including chocolates na nasa isang malaking ref. Naka-aircon din ang naturang kuwarto- 24/7. Lahat ng puwedeng ibigay kapag nanliligaw ay naroroon sa special room na yun.


Ang kaso- lahat ng diskarte niya kay Faye- palpak. Lahat chocolates, pati cake, kakanin at kung anu-anong masasarap- tinatanggihan ng babae. Parang ipinanganak ang babae na may allergy sa pagkain- which is weird dahil lagi naman niya itong nakikita sa canteen na kasama ang mga barkada at kumakain. Alam niyang mahilig mag-food trip ang grupo ni Faye kaya hindi niya maintindihan kung bakit ayaw ng babae sa mga ibinibigay niyang pagkain.


Wala namang lason or gayuma, hinanakit niya. Or talaga lang ayaw niya sa akin. He didn't want to dwell on that thought. Nakakasama kasi ng loob.





NAKAUPO sa gilid ng swimming pool si Lemon. He was just playing with water nang may magsalita sa likod niya.


My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now