Chapter Two: Once Upon A Time

3.3K 86 7
                                    

CHAPTER TWO

10 Years Ago.

ORIENTATION DAY ng lahat ng first year high school students sa St Therese Catholic School. Isa si Faye sa mga fourth year students na nagsalita at nag-welcome sa kanila. After all, siya ang Secretary sa Student Council last year at tatakbo siyang President this year. She needed to charm the little ones.

“So if you have questions or if you need help, please feel free to approach any of us and we'd be more than willing to assist you,” Faye gave them a smile.

“Talaga? I have a question!”

Automatic na hinanap ni Faye ang nagsalita. Nasa 120 ang mga first year students na nasa bleacher ng gym that day. Pero tila wala doon ang nagsalita. Pagtingin ni Faye sa gilid ay may nakita siyang batang lalake- kampante itong nakaupo sa bleacher, nakataas ang mga paa at naka-shades pa ito.

“Excuse me, please go back to the grade school department,” ani Faye sa bagets na mukhang elementary pupil. Bakit ito pakalat-kalat sa highschool department?

“Excuse me din, hindi ako elementary. Second year highschool na ako!” Mayabang nitong pahayag.

Agad na nagbulungan ang mga estudyante, pati ang mga kasama ni Faye sa student council. Inis naman si Faye dahil napaka-arogante ng bagets-- ke bata-bata pero feelinggero! Kung pwede lang siyang magtaray-- but no. Baka i-boycott siya ng mga estudyante at matalo pa siya sa student election. And so she smiled-- again.

“Sorry, pero freshmen orientation kasi ito,” pa-sweet pa niyang pahayag.

“I'm a transferee at pinapunta ako dito ni.....” may tiningnan ang bagets sa maliit na papel. “Ni Mrs. Teodosio.” Principal ng high school department ang naturang ginang.

Bago pa nakasagot si Faye ay kinuha na sa kanya ni Diego ang mic. Classmate niya ang lalake, outgoing Vice President sa student council at makakalaban niya sa pagiging President.

“Hi! Welcome to St Therese Catholic School!” Nagwave pa si Diego sa bagets.

Epal, sa loob-loob ni Faye. Kilalang-kilala niya ang ugali ni Diego. Ass-kisser ang lalake sa mga taong makakatulong sa kanyang grades at academic standing. In short, sipsip. Lahat ng teachers nila ay laging nakakatanggap ng mamahaling regalo from Diego's mom kapag pasko, Valentine's day at birthday.

“Narinig lang ang pangalan ng principal-- bumida na agad,” bulong ni Faye kay Precious na kaibigan niya at treasurer nila sa student council. Magkaklase din sila at magbestfriends.

“Malapit ko nang isipin na crush mo si Diego,” bulong din sa kanya ni Precious. “Ang bigat ng dugo mo sa kanya e. Lagi mong pinapansin. Aminin mo na lang kasi para di ka mahirapan!”

“Ewww. Hindi ko crush yang hambog na yan no,” sagot ni Faye sa kaibigan. “Nabi-bwiset lang ako kasi laging umeepal. Parang sabik sa spotlight! Kita mo yan o.”

Sabay silang napatingin kay Diego. Nakita nilang bumaba pa ang lalake at lumapit sa bagets.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now