Chapter Nine: Breaking The Ice

1.8K 89 8
                                    

CHAPTER NINE

Present

NASA loob ng elevator si Faye. She was just waiting for the door to close pero may kamay na humarang.

“Wait up!” Bumukas ang elevator door at nakita niyang nakangiti si Lemon. “Hey there,” anito sa kanya.

“Hi.” Hindi niya alam kung papano babatiin si Lemon. Technically ay boss niya ang lalake pero dapat ba niya itong tawaging sir?

“How are you?” Kaswal lang si Lemon, ngumiti pa ito. The door closed at nagsimula nang umakyat ang elevator. Silang dalawa ang sakay.

“I'm good. You?” It's been a week since she last saw him-- sa labas ng building kasama si Isay Maristela.

“I'm actually good, thanks.” Tumahimik na si Lemon.

Hindi naman siya mapakali. It was awkward dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa lalake. Akala niya noon ay awkward na ang sitwasyon nila ni Lemon pero mas mabuti pa pala noon kasi nakakapa pa niya ang sitwasyon. Hindi tulad ngayon.

“So....” narinig niyang wika ni Lemon. “We never really had the chance to talk since I arrived, no?” Pagtingin niya ay nakatingin sa kanya si Lemon.

“Oo nga. Busy ka kasi.”

“I know. Everything's spinning and I'm just trying to catch up.”

Kaya pala may time kang makipag-date, sa loob-loob niya. Agad niyang sinaway ang sarili. Ano nga naman ang pakialam niya sa social life ni Lemon?

“How about breakfast tomorrow?”

“Ha?” Nag-isip pa siya Hello, Faye? Breakfast lang yan! “S-sure, why not?”

“I'll see you then.” Eksaktong bumukas ang elevator sa floor nila. Lumabas na si Lemon at dire-diretso ito sa sariling office.

Nakatanga lang si Faye na parang hindi pa rin makapaniwala.

“Girl, okay ka lang?” Nakatayo si Vivian sa harap niya at nakakunot ang noo. “Tulala?”

“Magbi-breakfast kami ni Lemon bukas ng umaga,” bulong niya sa babae. Muntik nang mapatili si Vivian kaya hinila niya ito. “Ano ba, kalma!”

“Na-excite ako!!! Oh my gosh! Pag nag-propose uli, sagutin mo na day! Pakasal ka na agad para ikaw ang first lady nitong kumpanya. Tapos i-promote mo akong manager, dali!”

Natawa siya sa pinagsasabi ng kaibigan. “Viv, breakfast lang yun. Baka nga sa McDonalds lang kami kumain.” Nagtungo na sila sa working station.

“No way! Sabi mo high school pa lang kayo, galante na yang si Lemon di ba? I'm sure dadalhin ka niya sa sosyal na restaurant!”

“At 6am? Okay, matatapos pa lang pala ang shift ko nun kaya mga 7am pa ang breakfast. Wala pang bukas na mall. Or restaurant.”

“Ano ka ba, of course meron. Ang nega ha?” Umupo na si Vivian sa may table nito.

Natawa na lang si Faye. But deep inside ay magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya.

“WELCOME to The Peninsula Manila,” nakangiting bati ng concierge sa kanila. “Enjoy your stay.”

“Sa Escolta please,” ani Lemon. “We're here for breakfast.” Ngumiti ang concierge sa kanila at iginiya sila patungo sa dining area.

Level-up ang kasosyalan, hindi napigilan ni Faye ang sarili. Kung sabagay, kung kaya mong bumili ng isang call center, breakfast pa kaya sa hotel?

“You seem happy,” komento ni Lemon na nakatingin sa kanya.

“Wala, may naisip lang ako.” Agad silang binigyan ng corner table.

“What would you like to eat?”

“Di ba buffet ito?” Napatingin siya sa mga pagkaing nakahilera. May ilan nang kumukuha ng pagkain.

“Yeah, but I was thinking na ako na ang kukuha at umupo ka lang dito.”

“No, it's okay. Ako na ang kukuha. Gusto ko ring makita kung ano ang mga pagkain.” Bakit ba siya biglang kinilig sa thought na ikukuha siya ng pagkain ni Lemon? “First time kong mag-breakfast dito.” Tumayo na siya bago pa makasagot si Lemon.

International ang breakfast buffet sa Escolta ng Manila Pen. Pero pinili pa rin ni Faye ang Filipino breakfast. Kumuha siya ng fried rice, sweet and spicy beef tapa, sliced tomatoes, scrambled egg at fresh orange juice. Pagtingin niya sa plato ni Lemon ay ganun din pala ang kinuha nito. Nagkatawanan sila and somehow, that broke the ice.

For the first time ay nakapag-usap sila like normal people-- almost like friends- considering their past.

Wala kaming past, sa loob-loob ni Faye habang nakatingin kay Lemon na nagkukuwento. Ganito na ba kaganda ang mga mata nito dati pa? Nakita kasi niyang makapal at mahaba ang eye lashes ng lalake.

“So okay ka naman sa work mo?” narinig niyang tanong ni Lemon. Nakatingin ito sa kanya.

“Okay naman so far.” Bakit parang ang guwapo na ng lalakeng ito? Dati naman parang hindi.

“You know I never imagined you to be working in a call center.”

And I never imagined na magiging ganito ka ka-hot. “Bakit naman?” Bakit kung anu-ano ang pumapasok sa utak ko? Siyet.

“I actually thought na papasok ka sa pulitika or something. Or take up law maybe? I don't know, parang ganun.”

“Dahil nasa student government ako before?” Tumango si Lemon, saka uminom ng orange juice. “Well, high school pa ako nun. Dreams change. Things change,” wika niya.

“Some things don't.” Ngumiti si Lemon, saka nagpatuloy ng pagkain.

Anong ibig niyang sabihin? Bigla siyang na-tense. Kaya ba niya ako in-invite ay para sabihing--- nothing has changed? Na gusto pa rin niya ako? Kumabog ang dibdib ng dalaga.

“Ikaw nga din e,” nasabi niya bago napigilan ang sarili. “I mean, ang sabi nila nag-design ka daw ng mga apps or program sa computer? Yun lang ang dinig ko... di ko alam kung tama.”

Natawa si Lemon. “Well... yeah, I created some programs. Ibinenta ko rin.”

“E di malaking pera yun!” She stopped. “I mean, napanood ko kasi sa tv yung mga ganun... binibili ang software program.”

“Medyo,” ngumiti lang si Lemon. “Okay lang.”

Quota ka na sa kakangiti, baka matunaw na ang puso ko ano ba. Bakit ba siya apektado sa mga ngiti ni Lemon? Si Lemon lang yan!

“Bakit ka pa bumalik sa Pilipinas kung okay naman pala ang life mo doon sa States? I mean... mayaman din naman kayo sa atin pero alam kong mas malaki ang pera sa technology.”

“Sina mommy lagi ding umuuwi dito.”

“Aahhh.... kaya pala umuwi ka din.”

“Yeah.... that and something else.”

“Ano yun?” tanong niya kay Lemon.

“I'm getting married.”

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now