Chapter Sixteen: What If?

1.8K 70 6
                                    

CHAPTER SIXTEEN

10 YEARS AGO

FOUR weeks, four days, ten hours and nineteen minutes. Ganun na katagal simula nang matanggap ni Faye ang singsing at wala na siyang narinig pa mula kay Lemon. Not even a note.

E ano naman kung hindi na siya sumulat? O magpakita? I don't care. Hindi siya importante sa buhay ko. Paulit-ulit niya iyung sinasabi sa sarili. Bakit nga naman maaalala pa siya ni Lemon e nasa America na ang lalake? Besides, hindi ko naman siya gusto so hindi ako affected. Duh!

Nakahiga siya sa loob ng kuwarto at tinitingnan ang singsing. Naging habit na niya iyun tuwing umaga- na para bang kailangan niyang siguraduhin na naroroon pa rin ang ibinigay sa kanya ni Lemon. That it was real and not just a silly dream.

Naaalala pa rin naman niya ako nung Christmas. Then naisip niyang mahigit isang buwan na rin ang nakaraan simula nang matanggap niya iyun. What if nga nakalimutan na siya? Nakapag-move on na ang bagets.

At puwede ring walang meaning ang singsing-- chinika ka lang dahil give love on Christmas day lang yun. Lahat ng tao ay mabait kapag pasko. Bigla siyang nakaramdam ng inis at agad niyang itinago ang singsing.

Kaya nga ba minsan ay ayaw na lang niyang mag-isip ng kung anu-ano dahil sa totoo lang- nakaka-stress! Mismong utak niya, puso at konsensiya ay naglalaban-laban. Walang unity, bad trip.

“SINONG partner mo sa prom?”

Napatingin si Faye kay Diego. “Ako ba ang tinatanong mo?”

“Siyempre. Alangan namang kinakausap ko lang ang sarili ko?” Ngumisi si Diego.

“Wala akong partner.” Naku, huwag mo akong yayain, please lang. Nasa loob sila ng classroom at unti-unti lang pumapasok ang mga classmates nila. Nauna kasi siya kesa sa mga barkada niyang naiwan pa sa canteen. Mapapahiya ka lang.

“Si Ace daw wala pang partner,” ani Diego.

“Partner saan?” Nalilitong tanong ni Ace na kapapasok lang. May hawak pa itong kalahating cheeseburger. “Sa project sa religion?”

“Sa prom!” Natawa si Diego saka tumingin sa kanya.

Ihagis ko kaya ito sa labas ng classroom? Kung hindi lang siya council president at honor student, malamang ay matagal na niyang nasapak ang mapang-asar na kaklase.

“Ay oo, wala pa akong partner. Kaso di naman puwede yang si Faye. Taken na yan e,” pahayag ni Ace saka kumagat sa hawak na burger.

“Oo nga. Big time yan...” sabad ng isa pa nilang kaklaseng lalake. Sarap pag-untugin, sa loob-loob niya.

“Sinong big time?” tanong ni Precious na nakatayo sa may pinto. Pumasok na ito ng classroom kasunod sina Jungie, Ayie at Nette.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now