Chapter Thirty Nine: Here Comes The Rain Again

1.5K 78 7
                                    

HE WAS kissing Faye.

So what kung more than 24 hours na siyang walang tulog dahil nag-ready siya ng mga gamit na dadalhin sa bundok at nag-ayos ng mga papeles sa Manila. 

So what kung napagod siya sa pagbubuhat ng mga gamit mula sa bukana ng kumbento kung saan siya hinatid nina Harlem at Mang Boogie hanggang sa cottage ni Faye. 

So what kung halos buong araw siyang walang pahinga dahil naglinis at nagligpit siya sa paligid to make sure na maayos ang cottage na tinitirhan ni Faye. 

And so what kung malaman ng parents niya na nasa bundok siya ng mga oras na iyun at ipa-rescue siya sa Swat Team dahil for sure ay iisipin ng pamilya niya na nakidnap siya. 

Pero so what nga, dahil feeling niya, wala na siyang pakialam kung anuman ang mangyari sa mundo ng mga oras na yun.

Because he was kissing Faye and that very moment, nothing else matters.

"STOP!" Narinig niyang wika ng babae sabay tulak sa kanya.

Nagmulat siya ng mata at nakita niyang nanlalaki ang mga mata ni Faye at napaatras pa ito. Hahakbang sana siya palapit pero muling umatras ang babae.

"Lemon, tama na, please. Ayoko ng ganito," pakiusap nito. Yun lang at tumakbo na ang babae papasok ng cottage at dire-diretso sa kuwarto nito.

Agad siyang sumunod at kumatok pero nanatiling naka-lock ang pinto ng kuwarto ni Faye. Halatang walang balak magbukas ang babae o kaya ay lumabas. 

"Faye, I'm sorry. Huwag ka nang magalit sa akin, please. Hindi na mauulit." Wala man lang siyang sagot na narinig. 

Mayamaya ay ipinasya na lamang niyang buksan ang tatlong maliliit na rechargeable mosquito and insect repellent lantern na dala niya. Ang isa ay inilagay niya sa tapat ng pinto ng kuwarto ni Faye. Ang isa ay sa bandang kusina at ang natitira ay sa sala kung saan niya naisipang pumwesto. Binuksan niya ang dalang tablet at nagbasa ng ebook. 

Bandang alas otso ay kinatok niya si Faye para yayaing kumain. Pero nagmatigas pa rin ang babae. 

"Faye, come on. You haven't eaten anything the whole day! You need to go out of the room. Please." 

Sa totoo lang ay gusto na niyang gibain ang pinto pero nagtitimpi siya. Ayaw naman niyang mas lalong magalit sa kanya ang babae. 

"It was just a kiss. I swear on my life, it won't happen again---" Natigilan siya. "Unless you want to--" 

Tumigil uli siya sa pagsasalita dahil kung anu-ano na naman ang nasasabi niya. 

"Just don't go on a hunger strike! Come on!"

May thirty minutes na siyang nakikiusap sa labas ng pinto ng babae pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. He decided to just eat alone. Naisip niyang kung gusto niyang maka-survive sa lugar na yun at sa ugali ng babae, kailangan niya ng maraming lakas. 

Pagkatapos kumain ay bumalik siya sa sala at nagpahinga sa mahabang upuan. Pero dala na din ng matinding puyat at pagod, hindi na niya namalayang nakatulog na pala siya. Alas kuwatro na ng madaling araw nang mapabalikwas siya mula sa upuan. Nagulat pa siya nang mapansing may kumot siya gayung hindi naman siya nagdala ng kahit ano sa may sala. Bulaklakin ang naturang kumot. 

Napatingin siya sa pinto ni Faye. Wala na doon ang insect repellent lantern na inilagay niya. Naisip niyang ipinasok malamang ng babae sa kuwarto nito ang lantern. Napangiti siya bago pumasok sa sariling kuwarto. 

Pero imbes na bumalik sa tulog ay nagsuot siya ng running shoes, tshirt at hooded jacket. Kinuha din niya ang kanyang mobile phone at inilagay sa jacket saka lumabas ng cottage. Siniguro muna niyang nakasarang mabuti ang pinto bago tuluyang umalis. Naglakad muna siya hanggang sa may kumbento. Paglabas niya ng compound ay sinimulan na niya ang pag-jogging.

My Lemon's Heart (Complete)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum