Chapter Eight: She's THAT Girl

1.9K 82 6
                                    

CHAPTER EIGHT

She's THAT Girl

10 years ago.

“ANONG ibig mong sabihin na hindi ka papasok sa school? Wala ka namang sakit ah.”



Nakapameywang ang nanay ni Faye sa may pintuan ng kuwarto niya. Nakahiga pa rin siya at walang balak bumangon. Sino naman kasi ang gaganahang pumasok? E alam niya kung ano ang naghihintay sa kanya sa school matapos ang eskandalong ginawa ni Lemon sa induction ball!



Nay, kung alam mo lang-- may luku-lukong nagpahayag ng pag-ibig sa inyong anak sa harap ng madla!



“Ang bigat ho ng pakiramdam ko nay... para akong magkaka-trangkaso.” Nakakabigat naman talaga ng pakiramdam yung eksenang paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya.



Para pa rin niyang nakikita si Lemon na sumisigaw ng I LOVE YOU FAYE!! sa loob ng gym na puno ng mga estudyante. Walang pasintabi, walang warning. Basta na lang nagpasabog. Paano ba mag-delete ng memory sa utak? Saan ba nakakabili ng selective amnesia?



Buwisit ka talaga Lemon. Iniisip pa lang niya kung anong klaseng panunukso ang mararanasan niya pag pumasok siya ngayon, parang gusto na niyang mag-transfer ng school. Siguradong uulanin siya ng mga praning niyang kaklase. Napakunot tuloy ang noo niya.



“Gusto mo ng paracetamol? Uminom ka kasi ng maraming tubig saka calamansi juice.” Nakatingin sa kanya si Aling Ditas. Tumagilid siya para hindi na makita ng nanay niya.



“Uminom na po ako.... ng tubig,” saka nagtalukbong siya. Nang maramdamang nakalabas na ang nanay niya ay saka siya nakahinga ng maluwag.



Hindi siya mahilig um-absent. Sa katunayan ay lagi siyang perfect sa attendance. Ngayon lang siya um-absent dahil kailangan niyang pagplanuhan kung pano haharapin ang eskandalong kinasasangkutan. Sa totoo lang, gusto niyang ipatawag sa principal's office si Lemon. Pero alam niyang di-deadmahin lang siya ni Mrs Teodosio. Baka nga masabihan pa siyang OA.



Tumunog ang cellphone niya. Agad niyang kinuha yun at binasa.



WHERE ARE YOU? Galing kay Precious ang text. Natawa siya. All-caps talaga? Sumisigaw? Nagtext back siya sa kaibigan. HOUSE.



Mayamaya ay muling tumunog ang kanyang cellphone. ANDITO SI MRS BENITEZ! HINAHANAP KA! Muntik nang mabitiwan ni Faye ang telepono nang mabasa ang text ni Precious. Bakit ako hinahanap ng mommy ni Lemon?



Feeling niya ay biglang umikot ang paligid. Parang kakapusin siya ng paghinga. Bakit siya hinahanap ng mommy ni Lemon? Anong kasalanan ko? Pakiramdam niya ay nagkaroon siya ng panic attack ng wala sa oras.



Bakit daw? Text niya kay Precious. Bumangon na siya at lumabas ng kuwarto. Kailangan niyang uminom ng malamig na tubig. Ang aga-aga pero pakiramdam niya ay gabi na at binabangungot siya.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now