Chapter Twenty One: Killing Me Softly

1.8K 79 24
                                    

CHAPTER TWENTY ONE

PRESENT

IMPULSIVE. Yun ang unang pumasok sa isip ni Faye habang nakatingin sa iPhone 6 Plus na binili ni Lemon para sa kanya. Hindi siya makapaniwala na ang isang bagay na mahigit fifty thousand ay walang kurap na binayaran ng lalake- na para lang itong bumili ng pisong kendi! Kaya naman nang medyo mahimasmasan ay bigla siyang nagsalita.

“Teka nga, magkaliwanagan nga tayo, Raymund Benitez! Nakakahalata na ako sayo e!” Nagulat si Lemon sa kanya.

“What?” Inosente ang itsura ng lalake.

“Binibili mo ba ako?” diretsong tanong niya. Biglang kumunot ang noo ni Lemon.

“Why, are you for sale?” Tila takang-taka ang itsura ng lalake. Nagpanting ang tenga niya sa narinig. Talagang tinanong siya kung for sale ba siya! The nerve!

“Of course not!” Malakas na sagot niya. Ano ako, bibingka?! “I am not for sale no!” Kung wala lang sila sa public place, baka nabigwasan na niya sa mukha ang lalake!

“Then the answer is no.” Ngumiti lang si Lemon, pagkatapos ay kinuha ang card nito mula sa sales rep pati na rin ang iPhone na nasa table. “Let's go.”

Pero hindi pa rin siya maka-get over. Lahat ba ng boss e binibilhan ang kanilang empleyado ng mga gamit at mamahaling gadget? Siyempre hindi, sa loob-loob niya. Kaya gusto niyang malaman kung bakit ganun ang ginagawa ni Lemon. Yung puso kasi niya e tuma-tumbling na at gusto nang mag-assume. Umaasa much, mula sa kanyang mahaderang utak. Nagtatalo na naman ang mga cells niya sa katawan!

“E bakit mo ako binibilhan ng mga ito... at ng cellphone na yan? Ang mahal niyan! Lahat ng ito-- katumbas na ng sweldo ng isang karaniwang manggagawa ah!”

“So?” Tila hindi interesado si Lemon sa mga sinasabi niya. Kaya lalo siyang naiinis!

“Ano ba talaga ang gusto mong patunayan? Na kaya mong bilhin ang lahat? That you are filthy rich?” Naglalakad sila ngayon patungo sa may bungad ng SM. “Lalo kasi akong nanliliit sa mga ginagawa mo!”

Sa wakas ay huminto sa paglalakad si Lemon at binalingan siya. “Look Faye, I don't have to prove anything. These things that I bought for you- binili ko because I wanted to. Not for anything else. And especially not to impress you.”

Lemon looked and sounded sincere kaya kahit papano ay naantig si Faye. Natahimik siyang bigla. Si Lemon naman ang hindi pa pala tapos magsalita.

“Nako-conscious ka ba sa mga presyo?” medyo natatawang tanong nito sa kanya. Tumango siya. “Well, it's not my fault that this particular phone is quite pricey,” anito saka inabot uli sa kanya ang iPhone 6 Plus. “But I really want you to have it.”

“Para kasing di ko kayang tanggapin,” sagot niya. “Ang mahal e.”

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now