Chapter Twenty Six: I Will Make You Proud

1.6K 74 7
                                    




10 Years Ago

KINAKABAHAN si Lemon. Kanina pa siya naghahanap ng chance na makalapit kay Faye pero busy ang babae. Kaya naman nagpasalamat siya nang matapos na ang induction of officers at magsimula na ang sayawan. Halos lahat ng kaibigan ni Faye ay nasa dance floor na.

It's now or never, naisip niya habang papalapit sa table ni Faye. I have to do this. I can do this.

"May I dance with you?" Lahat yata ng tapang niya sa katawan ay inilabas niya para lang masabi yun.

"Pagod ako e," sagot ni Faye.  "Masakit ang paa ko."

"E di tanggalin mo ang sapatos mo. Pabor yun sakin." Please, please pumayag ka na. Lord magpapakabait na talaga ako. "Sige na, please? Isang sayaw lang naman."

"Oo nga naman, Faye. Sumama ka na kay Lemon." sabad ng barkada ni Faye. Lihim na nagpasalamat si Lemon- at least may kakampi siya kahit papano.

"Eto na nga, sasayaw na." Ngumiti sa kanya ang babae.

Dance music ang kasalukuyang tumutugtog. Pero pagdating nila sa dance floor ay biglang naging love song! Napangiti siya saka hinapit si Faye sabay hawak sa kamay.

"Buwisit ka, binayaran mo na naman siguro yung DJ no?"  Natawa siya sa sinabi ni Faye. Naisip tuloy niya na may ESP yata ang babae.

Bakit kaya niya nahulaan? Of course he planned everything. Nag-usap na sila ng DJ kahapon pa- na kapag nakita siyang nasa dance floor at kasama si Faye- papalitan nito ng love song ang music.

"Alam mo bang mas cute ka kapag naiinis?" wika niya kay Faye. He couldn't help it- kinikilig siya na kasama ang babae. Para na ngang sasabog ang puso niya sa bilis ng kabog!

"Bakit lagi mo akong pinapahiya?" Natigilan siya nang marinig ang sinabi ng babae. Nawala tuloy ang ngiti niya.

"Pinapahiya ba kita?"

"E ano itong mga ginagawa mo? Napapahiya ako!"

"I'm sorry. Alam mo naman na di ba?"

"Na ano? Na ang lakas mong mang-trip?"

"Faye, mahal kita. I want to marry you."

There- sinabi na niya. Alam niyang bata pa siya pero yun naman kasi talaga ang nararamdaman niya. And gusto niyang malaman ni Faye na seryoso siya.

"Hoy, anong pinagsasabi mo diyan? Saka ka na mag-propose kung mas matangkad ka na sa akin at kapag hindi ka na umaasa sa daddy mong milyonaryo!"

Kumalas si Faye at mabilis itong naglakad pabalik sa table. Naiwan siya sa dance floor at pinagtinginan ng lahat.  Na-shock yata siya kasi hindi agad siya nakakilos. Tama ba ang narinig niya? Binasted siya ni Faye sa gitna ng dance floor?

"Lemon, okay ka lang?" narinig niyang tanong ng isang estudyante. Hindi niya maalala ang pangalan pero alam niyang ka-batch niya iyun.

"Tol, gusto mong lumabas muna?" Madami pang tumapik sa kanya- apparently, maraming nakarinig sa sinabi ni Faye sa kanya. Feeling niya ay para siyang zombie na naglakad lang ng walang direksyon. Lakas makabasag nung sinabi ni Faye- nasaktan siya!

Ni hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa DJ's area at bago pa niya naisip ang consequences ay hawak na niya ang mic at hindi na napigilan ang sarili. Eksaktong pagtigil ng music ay napasigaw siya--

"FAYE!! I LOVE YOU FAYE!! Tandaan mo yan!"

Of course huli na nang ma-realize niya ang nagawa. At para siyang biglang napaso- nabitiwan niya ang mic saka napatakbo palabas- hanggang sa parking lot. Dali-dali siyang sumakay sa kotse nila.





My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now