Chapter Six: The Proposal

2K 93 6
                                    

CHAPTER SIX

10 years ago.

NANALO siya sa election. She's the new St Therese High School Student Council President. But it didn't feel right. No, she didn't cheat her way to win the highest position in the student government-- pero feeling niya ay ganun dahil kay Lemon.

“Arrgghh!! Masasakal ko talaga yang bagets na yan!” Gigil na pahayag niya sa tambayan nilang magbabarkada. Dalawang araw pa lang na natatapos ang election at Lunes na Lunes pero yung inis niya aabot yata hanggang Biyernes!

“Faye, relax. Ano bang kasalanan ni Lemon?” tanong ni Nette. “Nagpakain lang naman siya sa mga batchmates niya pati sa mga first year students. Wala namang bawal dun.”

“Pero sinabi daw niya sa mga kaklase niya at sa lahat na iboto ako at ikampanya sa election.” Nalaman niya yun sa isang kapitbahay nilang second year high school.

“Natural, crush ka niya e,” sabad ni Precious na inaayos ang malaking ribbon sa buhok. “At least panalo ka di ba?”

“Yun na nga e. Feeling ni Diego kaya lang ako nanalo dahil sa mga pinaggagawa ng bansot na yun!”

“Hindi bansot si Lemon ha,” depensa ni Ayie. “He's cute. At tatangkad pa yun.”

“Oo nga, cute siya. Saka matalino daw sabi ng kapatid ko,” sabad ni Joyce. “Magka-klase sila, remember?”

Umikot ang mga mata niya. Hindi talaga niya maintindihan kung pano na-win over ni Lemon ang mga barkada niya. Natutuwa silang lahat samantalang siya ay halos matuyuan na ng dugo dahil sa inis.

“Ano bang sabi ni Diego?” Finally ay nagsalita si Orven na kanina pa busy sa pagbabasa. Napatingin si Faye sa librong hawak ng kaklase. The Cubs of '69: Recollections of the Team That Should Have Been by Rick Talley.

“Lost ako diyan sa binabasa mo ha!” Hindi niya napigilang komento. Baseball fanatic kasi si Orven. “Ang deep!”

Hindi pinatulan ni Orven ang komento nila. “Inaway ka ba niya?” sa halip ay tanong nito.

“Hindi,” iling niya. “Pero sinabi daw niya kay Kenneth na kaya ako nanalo ay dahil malakas ang backer ko.” Buti na lang at chismoso si Kenneth kaya nakarating agad sa kanya ang comment ni Diego.

“Gusto mo bang kausapin ko si Diego?”

“Baka naman makipag-suntukan ka pa dun, madamay pa kami,” wika ni Jungie habang gumagawa ng project. “Magbigay ka kaagad ng disclaimer na wala kaming kinalaman ha. Kung may away, manonood lang kami for entertainment's sake.”

“Huwag mo nang kausapin, baka nga maging big deal pa.” Umupo si Faye at kinuha ang isa sa Cosmo magazine na binabasa nina Emily at Jeselee. “Buwisit kasi yang Lemon na yan.”

“Hay naku, lagi ka na lang galit kay Lemon. Hindi talaga ako magtataka kung kayong dalawa ang magkatuluyan!” wika ni Precious na tumayo na. “Tara na guys, baka andiyan na si Mrs Fernandez.”

Nagtayuan silang lahat para pumasok na sa kanilang classroom.

INDUCTION BALL. Inilagay ito sa St Therese Gymnasium two weeks matapos ang election. It was a semi-formal event pero sa kanilang mga officers ay parang JS Prom kasi pinag-coat and tie ang mga lalake at pinag-long dress naman ang mga babae.

Mabuti na lang at mananahi ang nanay niya- at least may instant damit siya! Bagama't kinopya lang sa magazine ang design at galing Divisoria ang tela, elegante ang damit nang isuot niya. Parang galing sa isang sikat na designer! Dark green yun na spaghetti ang strap, diretso at bagsak hanggang sahig. Wala siyang masyadong burloloy maliban sa simpleng stud earrings at singsing na magkaterno.

My Lemon's Heart (Complete)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن