Chapter One: Remember Me Babe

8K 156 7
                                    

PRESENT

"OH MY GOD!!!" Malakas ang pagbulalas ni Faye, napatingin tuloy sa kanya ang ibang agents na kahilera niya. Agad niyang tinakpan ang bibig sabay pabulong na nagwika ng "Sorry guys."

Eight months nang nagtatrabaho si Faye sa call center na iyun sa Makati. It was not her dream job-- ang pangarap niya talaga ay maging filmmaker pero mailap ang pagkakataon at kailangan niyang mag-survive kaya she grabbed the first opportunity para kumita ng pera. At malaki ang sweldo sa call center kaya umabot na siya ng walong buwan na hindi niya namamalayan. Everything was okay until that night.

"Napano ka?" bulong ni Vivian na nakaupo sa may tapat ng cubicle niya. "Bad news?"

Imbes na sumagot ay iniabot ni Faye ang hawak na note. Kasama iyun ng isang dosenang white roses na nasa table niya. Ibinigay lang yun sa kanya ng guard after niyang mag-coffee break. Akala niya ay para sa team nila ang naturang bulaklak.

"Ma'am, may I place you on hold for about three minutes? I need to check something on your account," narining niyang wika ni Vivian sa mouth piece ng headset nito. May kausap na customer ang babae pero inuna ang pagiging tsismosa. Kinuha ni Vivian ang note saka binuksan. Kumunot ang noo nito saka bumaling sa kanya. "Ano to?"

Ang nakalagay kasi sa note: You stole something from me.

"Nagnakaw ka?!" napalakas ang pagkakasabi ni Vivian kaya sa babae naman napatingin ang ibang call center agents. "I'm sorry ma'am, I wasn't talking to you," wika uli ni Vivian sa mouth piece.

"Wala akong ninakaw!" wika ni Faye. May isa pa itong inabot kay Vivian. "Yan ang karugtong ng note!"

My heart. Yun ang nakasulat sa hugis pusong papel na pula na karugtong ng note.

"Ay ang sweet!" Kinilig si Vivian. "May admirer ka bakla!" Papalakpak sana ang babae pero bigla ring natigilan. "No ma'am, I did not call you gay. Hindi po kayo ang tinawag kong bakla. I'm sorry."

Sumenyas na lang si Vivian na babalikan ang customer na kausap sa phone. Tumango si Faye saka muling tiningnan ang note, then ang white roses. Kung sino man ang nagpadala ng mga bulaklak at note na yun, mukhang kilala nga siya. Alam na white roses ang gusto niya at hindi red roses. Pero sino ba sa mga EX jowa niya ang nagpapa-mysterious ngayon?

Mga EX dahil at 26 years old, walo na ang naging boyfriends niya. Hindi naman siya play girl, hindi lang siya naniniwala sa pagpapakipot o pa-hard to get kapag gusto niya ang isang lalake. Saka hindi naman siya nagnonobyo ng sabay-sabay. May gap naman lagi ang mga relasyon niya dahil hindi rin naman pare-pareho ang itinagal ng mga iyun. May naging boyfriend siya na tumagal ng one year, meron namang one summer lang. Kadalasan ay hanggang six months na parang contractual at may tumagal lang ng three weeks. Kaya nawalan na ng meaning sa kanya ang Valentine's Day dahil every year, iba ang kasama niya. Pero lahat naman ng naging boyfriend niya ay hiniwalayan niya ng maayos o kaya, siya ang iniwan kaya alam niyang wala siyang atraso kahit kanino.

Sino naman kayang ungas itong nagti-trip sakin? Malaman lang talaga niya kung sino.... Bubudburan ko ng sili ang ngala-ngala! Agad din siyang napa-sign of the cross sabay hingi ng pasensiya. Sorry Lord, imagination ko lang po yun.

"Guys, please don't forget-- we all have to proceed to the convention hall in twenty minutes. The new owner of our company will meet us there." Napatingin si Faye sa nagsalita.

Si Miles yun, isa sa mga managers nila sa call center. Guwapo si Miles, matangkad, parang si Daniel Matsunaga-- friendly pa at higit sa lahat, laging mabango. Kaya crush ng lahat ang manager at gusto ng mga babae at bading na agents na mapunta sa team ng lalake. Isa na dun si Faye. Unang araw pa lang niya sa call center ay si Miles agad ang nakita niya at naging instant crush.

"Hmmm.... bago malaglag yang mga mata mo sa kakatingin kay Miles, i-solve mo muna kung sino ang bago mong admirer," narinig niyang komento ni Vivian.

"Sira!" Napangiti siya. Pero tama si Vivian-- kailangang malaman niya kung sino ang admirer niya. Sana si Miles, sa loob-loob niya. Lalo siyang napangiti.

TWENTY minutes later ay pumasok na sina Faye at Vivian sa loob ng convention hall. Bawat floor sa building na yun ay may convention hall para sa iba't ibang kumpanya na naroroon tulad nila. Sosyal ang lugar-- malawak na all-white ang mga walls, black naman ang table and chairs. Pati ang frame ng ilang paintings na naroroon.

"Andito yata pati mga new hire agents and trainees," ani Vivian na itinuro ang ilang kumpol ng mga lalake at babae na mukhang mga college students pa.

"Siyempre, required din silang makilala ang may-ari ng kumpanya natin no," wala sa loob na sagot niya. Nakatingin kasi siya sa cellphone para i-check kung may message na pumasok sa kanya.

"Mukhang mga college students na naligaw ng campus ang mga yan," natatawang komento ni Vivian. Ka-batch niyang pumasok sa call center ang babae.

But unlike her na baguhan sa call center industry, si Vivian ay naka-apat na call centers na kaya batikan na ito. Kung saan ang mas mataas na pasahod at financial incentives ay doon ang babae.

"Girls, please move over there." Daig pa ni Faye ang nakuryente nang hawakan siya ni Miles sa may balikat. Ngumiti sa kanya ang lalake kaya feeling ni Faye ay napa-tumbling na naman ang small at large intestines niya dahil sa magkahalong nerbiyos at kilig.

"Sure," pa-sweet niyang sagot. Hinila niya si Vivian patungo sa unahan-- malapit sa ginawang mini-stage na may microphone.

"Oo, alam ko mahal mo yang si Miles pero umayos ka. Daig mo pa ang Meralco tuwing nakikita siya-- lakas mong maka-high-voltage na kuryente sa katawan," bulong ni Vivian sa kanya.

"Faye?" Napalingon ang dalaga nang marinig niya ang pangalan. Akala nga niya ay bumalik si Miles at narinig sila ni Vivian.

Ganun na lang ang gulat niya nang mamukhaan kung sino ang tumawag sa kanya. Tumangkad ang lalake from the last time na nakita niya ito, gumanda ang katawan, gumwapo at nadagdagan ng isang truck ang self-confidence. But it was him alright. Hindi niya makakalimutan ang itsura at pangalan nito.

"Raymond Alejandro Benitez." Hindi makapaniwala si Faye.

"Wow. I'm flattered that you still remember me, babe." Ngumisi ang lalake-- hindi pang-kontrabida na ngisi kundi cute-- like he did something really naughty.

"Babe?!" Shocked si Vivian sa tabi niya. "Sino siya??" agad na bulong nito sa kanya.

"Mr Benitez!!" Nakita ni Faye na papalapit si Czarina Solema, isa sa mga managers ng call center. Ka-level ito ni Miles pero may pagka-maldita. "Come with me please."

Lumingon muna ang lalake kay Faye. "I'll talk to you later," anito at kumindat bago tuluyang sumama kay Czarina.

Kung nagtataka si Faye, lalo naman si Vivian na hindi na mapakali. "Mars sino yun? Bakit ka tinawag na babe? Ex mo ba yun?"

"Hindi no! Kababayan ko yan... taga-Bulacan din. Pero alam ko nag-migrate yan noon sa US e. Ngayon ko nga lang nakita uli.... saka mas bata sa akin yan e."

"Ano yan, new hire? Pero mukhang malakas kay Miss Solema ha."

"Oo nga e." Nakatingin na si Faye kay Miles na nasa harap at hawak ang mic. May sinasabi si Miles pero walang nag-register sa utak niya kundi ang salitang OWNER.... then nakita niyang lumapit si Raymund Alejandro Benitez kay Miles at kinuha ang mic.

"Hi everyone!" Kumabog ang dibdib ni Faye. Feeling niya she was having a nightmare.

"Yan ang bagong may-ari ng kumpanya?!!" Hindi makapaniwala si Vivian.

"Oh my God!" Nanlamig ang buong katawan ni Faye.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now