Chapter Thirteen: Who's The Boss

1.7K 78 5
                                    

CHAPTER THIRTEEN

PRESENT

NAKAHIGA si Faye habang nagso-scroll ng mga contact numbers sa iPhone niya.

Sino ba ang puwede niyang tawagan para lumabas? Off niya sa trabaho at gusto naman sana niyang manood ng sine at tumambay sa mall. Pero wala naman siyang kasama. Hindi puwede ang mga kaibigan niya dahil puro busy. Kung puwede nga lang si Vivian ay niyaya na niya ang babae kaso busy sa anak.

Si Miles kaya? May number naman siya ng lalake pero naisip niyang baka magulat naman kapag tinawagan niya. Nakatingin siya sa screen ng kanyang phone habang nag-iisip kung itetext si Miles or hindi.

Ano kaya ang ginagawa ni Lemon ngayon? Bigla niyang naisip ang lalake. Ilang araw na niya itong hindi nakikita sa building-- not that she's been looking out for him. Baka busy sa pagpaplano ng kasal niya. Gusto niyang isipin na hindi siya apektado pero may nararamdaman talaga

Biglang nag-ring ang kanyang alarm clock- nagulat siya at nabitiwan ang cellphone. In her attempt na masalo yun- she immediately extended her arm pero medyo kinapos sa paghawak. But the phone's safe-- except that, may naririnig siyang boses. To her horror- nakita niyang napindot pala niya ang call button at may sumagot na.

Hello? Hello?” Lalong nanlaki ang mata niya nang makitang pangalan ni Miles ang nasa screen. As in ang lalake ang natawagan niya! Shit, anong sasabihin ko?

“Hello?” Napilitan niyang sabi. “Miles?”

“Who's this please?” Napangiti siya-- si Miles nga ang nasa kabilang line. Magkahalong kilig at hiya ang naramdaman niyang bigla. Bakit kasi muntik pang mahulog ang phone niya.

“Si Faye to,” napapikit siya. “Pasensiya ka na, napindot ko lang ang phone ko.”

“Hey Faye!” Biglang nag-iba ang tono ng boses ni Miles. “I didn't even know you have my number.”

Boom, huli ka balbon. Syet.

“Ah oo. Kasi one time, kakausapin sana kita about dun sa isang training e wala ka kaya hinanap ko ang number mo. Pero dati pa yun.” Tama pa ba ang pinagsasabi ko? Ayoko nang magpakita kay Miles, buwiset.

“Buti you saved it.”

“Oo nga e.” Crush kasi kita noon haha! Natigilan siya sa huling naisip. Hindi na ba niya crush si Miles ngayon? Ano ba to, para akong lasing mag-isip. Naguluhan na rin siya sa kanyang train of thoughts.

“Cool. So what are you up to? Off mo rin today?”

“Oo.” Wala na siyang maisip sabihin. Baka bigla niyang ma-recite ang abakada, mahirap na. “Sige... enjoy your day na lang.” She was about to press the end call button nang marinig niya ang boses ni Miles.

“Wait!” Inilapit uli niya ang phone sa tenga niya.

“Yes?”

“Do you want to hang out today? Gusto ko sanang lumabas.”

“Sige, wala din akong gagawin today.” Dahil ayoko nang makinig sa mga sad songs.

After their phone conversation ay agad din siyang naligo at nagbihis. Ang sabi ni Miles ay sa Rockwell sila magkita at ayaw naman niyang magmukhang prepared sa outfit kaya nag-white shorts lang siya, pink na blouse saka pink espadrilles and hand bag.

PAGBABA niya ng taxi ay agad niyang nakita si Miles na nakaupo sa isang coffee shop sa labas ng mall. Kumaway ito sa kanya- kumaway din siya. Ilang metro na lang ang layo niya kay Miles nang tumunog ang cellphone niya.

“Hello?” Hindi naka-register ang number kaya hindi niya kilala kung sino ang nasa kabilang linya.

“Miss Faye Jomento?” Hindi rin siya familiar sa boses ng babae. “This is Melody from HR.”

“Yes po ma'am?” Ang weird, bakit siya tinawagan ng HR nila?

“I need you to come to the office immediately. It's urgent.”

“Today po?” Napatingin siya kay Miles na nakatingin din sa kanya. “Bakit po? I mean... I don't understand.”

“There has been some changes in your position as an agent. I'll discuss it with you personally. And you need to sign some papers too.”

“Am I being fired?” Kasi kung tanggal na siya sa trabaho, gusto niya ay diretsuhin na siya at hindi na magpaligoy-ligoy pa. Para makapaghanap na ng ibang trabaho, lintek.

“Just come to the office, okay?” Yun lang at nawala na ang taga-HR. Bigla siyang kinabahan. Pakiramdam tuloy niya ay pinapupunta siya sa principal's office!

“Who was that?” Nagtatakang tanong ni Miles.

“Si Melody daw ng HR.” Her mind was spinning- bakit siya kailangang makausap ng HR? Alam naman niyang maayos ang trabaho niya sa call center.

“I know her. Kasabay kong pumasok yun pero hindi siya naging agent kasi sa human resources talaga siya. Bakit daw?”

“Pinapapunta ako ngayon.” Tiningnan niya ang ayos niya-- hindi naman siya mukhang yagit pero hindi pang-office ang suot niya.

“Bakit ka niya pinapupunta?”

“Walang sinabi. Well, she mentioned something about some slight changes daw.”

“Maybe that's a promotion!” sabi ni Miles. “They're going to promote you as a team leader!”

“You think so?” Sana nga ay promotion. “Pano yan... pumunta daw ako ngayon e.”

“It's alright. Let's hang out next time.”

“Okay lang? Pasensiya ka na ha.”

“Gusto sana kitang samahan sa office kaso baka maging issue pa.”

“Oo nga, huwag na. Ako na lang ang pupunta.” Kumaway siya ng taxi at meron naman agad na huminto. “Sige ha, pasensiya na uli and have fun na lang.” Tumango lang si Miles.

PAGDATING sa office ay agad na dumiretso si Faye sa HR Department. Kakaunti lang ang mga taong nakasalubong niya-- iilan lang kasi ang may morning shift for the local accounts. Karamihan ng mga agents ay sa gabi pumapasok.

“Miss Melody?” aniya nang pumasok sa kuwarto ng HR.

“I'm here,” narinig niyang may sumagot. May apat na cubicle doon, nasa dulo at pinakamalaki si Melody.

“Good afternoon po.” It was three in the afternoon. Ni hindi na siya nagpalit pa, kung ano ang suot niya sa Rockwell ay ganun pa rin ang damit niya nang magtungo sa office. “Sorry I'm just wearing shorts, I was out kanina when you called. Alanganin nang umuwi pa to change.”

“Hi Faye. It's alright. Pasensiya ka na din. Nagmamadali kasi si boss kaya pina-rush niya ito.” May iniabot na ilang papel si Melody sa kanya. “You need to sign these papers para wala nang hassle.”

“Ano po ito?” Binasa niya ang nakalagay doon then tumingin kay Melody. “Mata-transfer po ako? Saan? Bakit?”

“Ang gusto ni boss, effective immediately ay sa kanya ka na magre-report kaya inayos na namin ang papers mo.”

“Sinong boss?” Biglang kumabog ang dibdib niya. What if....

“Kay Mr Benitez ka na daw magrereport.” Gusto niyang tumambling sa narinig.

“What?!” Shit. Ano na naman ito?! “Anong gagawin ko? I mean- hindi po ako secretary material.”

“I don't think gagawin ka niyang secretary kasi may assistant namang naka-assign sa kanya.”

“I'm sorry pero naguguluhan ako. Hindi na ako agent, pero malabo din ang posisyon ko.” Baka naman gagawin akong janitress bilang parusa?

“Well, you could ask him directly,” tila paghahamon na wika ni Melody. “Nagbilin din naman siya papuntahin ka na sa kanya as soon as possible. Nandun siya ngayon sa office niya.”

“Okay. Thanks.” Alam niya kung saan ang office ni Lemon kaya agad siyang tumalikod. Susugurin na talaga niya ang lalake. E ano kung siya ang boss? Madali lang ang mag-resign! Lintek.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now