Chapter Twenty Five: You On My Mind

1.6K 76 17
                                    


PRESENT



NAKAKALUNOD. Nakakatunaw. Nakakapanghina. Ganun ang halik ni Lemon. Sobrang nakaka-excite.


At maling-mali, sigaw ng utak ni Faye. Naisip niya ang babaeng nasa kabilang kuwarto- si Isay na nasa suite room ni Lemon na malamang ay tulog at walang alam sa kataksilan ng lalakeng kahalikan niya ngayon.


"S-stop!' Kulang sa conviction ang pagkakasabi niya pero kahit papano nagawa niyang itulak si Lemon. Totoo pala talaga ang kasabihang the spirit is willing but the flesh is weak. She was willing to put an end to the kiss but her flesh, her whole body was asking for more.


Espiritu ng mga kiri, lubayan mo ako! One look at Lemon at gusto niyang pagsisihan kung bakit pa niya ito itinulak. Dahil ang mahalay na parte ng katawan niya ay gustong sumigaw ng more! At ang puso niya ay nanunumbat kung bakit niya pinipigilan ang sarili.


Dahil iyun ang tama, sigaw ng utak niyang iminulat sa good manners and right conduct.


"What?" Lemon had this teasing look... like the male version of Medusa. Kapag nakipagtitigan pa siya, tiyak mapapariwara siya— magiging bato siya habang buhay.


It took all her energy to push him outside her room. Saka ini-lock ang pinto. Hindi lang walling ang ginawa niya sa may pinto— napaupo siya sa mismong sahig dahil tila nawalan siya ng lakas.


"Faye, open up. Come on! We need to talk," narinig niyang wika ni Lemon sa labas ng pinto. "Just let me inside so we could talk, please."


Talk? Alam niyang hindi talk ang magaganap kapag binuksan niya ang pinto kaya nagpakatatag siya. Napausal siya ng Hail Mary at Glory Be habang nakapikit. Patuloy pa rin sa pagkatok si Lemon. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakapikit.


Mayamaya ay wala na siyang naririnig. Maingat siyang tumayo at nakiramdam sa may pinto. Feeling niya ay napagod na rin si Lemon sa kakakatok sa pinto.


Or baka nagising si Isay at hinila siya pabalik sa suite room nila. Omg, baka kung ano na ang ginagawa nila. Agad din niyang sinaway ang sarili. Bakit nga ba siya affected kung anuman ang gawin ng dalawa sa kabilang kuwarto?


Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at sumilip. Walang tao! Mabilis din niyang isinara iyun saka dali-daling kinuha ang mga gamit. Wala siyang magbalak magtagal pa sa hotel. God knows kung ano pa ang puwedeng mangyari. Baka next time na halikan siya ni Lemon ay isuko na niya ang Bataan!


At naisip mo pa talagang may next time, sabad ng maldita niyang isip. Matapos ayusin ang kakaunting gamit ay bumaba na siya at nagbilin sa counter na in case hanapin siya ni Lemon- umalis na siya. She left her key and headed to the bus station. Agad naman siyang nakasakay ng bus pababa ng Maynila. Sa biyahe na siya bumawi ng tulog.




FIFTY MISSED CALLS. Yun ang nakalagay sa screen ng iPhone ni Faye— at lahat ay galing kay Lemon. Meron din siyang 60 text messages— mga twenty ay galing sa mga kaibigan niya and the rest ay galing na kay Lemon.


Faye.... let's talk, please.


Faye, please answer the phone.


Answer the phone, please. I just want to hear your voice.


Faye, answer me.


Fifteen calls, Faye. You're torturing me.


Why are you ignoring my calls?


Faye!


Are you still alive?


Faye I'm outside your door— again. Please open up!


Answer the phone!!!


Faye, I swear I'm going to kick the door open.


That's it. I'm calling the hotel staff.


You left for Manila?!!



Ilan lamang yun sa mga messages ni Lemon. Tinigilan na niya ang pagbabasa nang mapansing nasa Cubao na ang bus. Bumaba na siya at nag-taxi pauwi sa tinutuluyan.


Kahit natulog siya sa biyahe ay tila lutang pa rin ang pakiramdam niya. Pagod siya physically, emotionally and mentally. Hindi niya talaga kayang harapin pa si Lemon after what happened. Ni hindi nga niya sinasagot ang mga tawag at text messages ng lalake dahil sa totoo lang, windang pa rin ang puso niya. And yes— naka-auto replay sa utak niya ang makasalanang halik na pinagsaluhan nila ni Lemon sa Baguio. Kung puwede nga lang niyang i-reset ang utak niya— ginawa na niya.


Nakababa na si Faye sa taxi at papasok na sana sa tinutuluyan nang mapansin niya ang pigurang nakatayo sa di kalayuan. Nakasandal iyun sa isang Ford Expedition. Halos malaglag ang panga niya nang marealize kung sino yun.


"Lemon?!!!" Yung lakas ng pagkakasabi niya— napalingon pati ilang dumadaan. "Anong ginagawa mo dito? Bakit nauna ka pa sa akin? Di ba nasa Baguio ka?!!"


"You left without saying anything," sumbat ni Lemon sa kanya.


Pakiramdam ni Faye ay biglang umikot ang paligid niya. Anong kalokohan ito?


Nababaliw na yata ako— bakit nandito si Lemon? She tried to pinch herself— baka kasi nananaginip siya.


"Paano ka nakarating dito? Anong ginawa mo, lumipad?"


"Yeah," kaswal na sagot ni Lemon. "I have a helicopter, remember?"






My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now