Chapter Eighteen: My Kind of Wedding

1.8K 80 6
                                    


CHAPTER EIGHTEEN

10 YEARS AGO

TWO weeks bago ang kanilang JS Prom ay nagkaroon ng Holy Retreat ang lahat ng senior students ng St Therese Catholic School. And of all places ay sa Baguio City ang venue.

Nag-arkila ng tatlong bus ang kanilang school patungo sa tinaguriang Summer Capital of the Philippines. Siyempre pa, magkakatabi silang magbabarkada sa isang bus. Binalak ng kanilang adviser na paghiwa-hiwalayin sila ng puwesto dahil ang iingay daw nila pero mismong mga parents na nila anag nagrequest na pagsama-samahin sila sa iisang sasakyan. Besides, nangako sila sa kanilang principal na magpapakabait at tatahimik.

Sila ni Precious ang magkatabi. Sa unahan nila ay sina Jungie at Joyce, sa gilid ay sina Ayie at Nette, sa likod ay magkatabi sina Jeselee at Emily. Si Orven naman ay katabi ni Ace.

“Magpa-picture tayo sa Mines View Park mamaya! Tapos mag-boating tayo sa Burnham Park,” bulong ni Precious sa kanila. Nasa highway na ang kanilang bus. “Maaga naman yata tayong darating di ba?”

“Kung papayagan tayong mamasyal,” sagot niya.

It was Friday at alas otso ng umaga ang trip nila. Ang gusto sana ng school ay sa gabi sila bumiyahe para walang traffic pero hindi pumayag ang mga parents nila. Hindi umano kumportable ang karamihan sa mga magulang na bibiyahe ng gabi ang mga estudyante kaya ginawang umaga. Na pabor sa kanila dahil kung Jungie pa- more lakwatsa time for them. Whole Saturday lang naman kasi talaga ang retreat nila- mula 7am to 7pm- kaya pagkatapos ay puwede na silang mamasyal hanggang Linggo ng umaga. Alas-dos pa kasi ng hapon sila bibiyahe pababa.

“I'm sure papayagan tayo!” Lumingon sa kanila si Jungie. “Isama natin si Ma'am Nieto,” anito na ang tinutukoy ay ang kanilang paboritong teacher. Single pa ang babae at cool kaya gusto nila.

“Oo nga papayag yun. First time din daw niya sa Baguio kasi taga-Iligan siya di ba?” sabad ni Joyce.

“Sige, karerin natin yan mamaya,” aniya bago pumikit.

“Matutulog ka?” Parang di makapaniwalang tanong ni Precious. Di ito mapakali sa gilid niya. “Magkuwentuhan muna tayo.”

“Ano ba, lagi naman tayong magkausap,” sagot niya na nakapikit pa rin. “Lahat na yata napag-usapan natin!”

“Gusto ko usapang lovelife!” Napahagikhik si Precious. “Dala mo ba ang singsing na bigay ni Lemon?”

“Hindi no! Bakit ko dadalhnin?” Napamulat siya ng wala sa oras. “Saka huwag ka ngang maingay, mamaya kumalat pa.”

“Kumalat ang ano?” Pareho silang nagulat ni Precious nang biglang magsalita si Ace sa likuran nila.

“Tse! Hindi ikaw ang kinakausap!” sita ni Precious sa kaklase nila.

“Ang sungit naman nito,” angal ni Ace. “Faye, pahingi na lang ng pagkain, baka meron ka. Ubos na ang chichirya ko e.”

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now