Chapter Twenty Three: Sweet and Mind-Blowing

1.8K 84 19
                                    

CHAPTER 23

PRESENT

“OH. Sorry, may kasama ka pala,” kaswal na wika ni Faye pero deep inside ay para siyang nakalublob sa isang drum ng yelo-- nanginginig ang kalamnan at ang dibdib niya ay parang sinusuntok ni Hulk.

Konti na lang at bibigay na siguro ang tuhod niya sa sobrang dami ng emosyon na naglalaban-laban sa loob ng katawan niya. Imagine- she wanted to ask Lemon to dinner pero heto ang magaling na lalake at may kasama palang super model sa loob ng suite room! Ang masaklap, wala naman siyang karapatang magselos. Ni hindi nga dapat siya maapektuhan e!

“Hi! Don't mind me.” Ngumiti si Isay Maristel sa kanya saka tumalikod na.

Don't mind me? E potek ang suot mo! Naka-tshirt na panlalake si Isay at mukhang naka-panty lang. At si Lemon naman ay naka-tuwalya. Ano nga ba ang dapat niyang isipin? Yung totoo, nag-fashion show lang ba kayo sa loob ng kuwarto?

“S-sige ha, bababa na ako-” Hindi na niya hinintay na sumagot pa si Lemon-- dali-dali siyang tumalikod at umalis.

Dire-diretso siya sa pinakamalapit na hagdan pababa. Ni hindi niya alam kung paano nakarating sa may lobby ng manor. Hindi na siya nagugutom pero gusto niyang makaalis muna sa lugar na yun. Eksakto namang may taxi na nagbaba ng pasahero kaya agad siyang sumakay doon.

“Boss, sa Session Road po.” Mabuti na lang at nailagay niya ang cellphone at wallet sa kanyang dalang jacket. Kahit wala siyang bitbit na hand bag, makaka-survive siya.

“Saan po sa Session Road ma'am?” tanong ng driver habang nagda-drive. “Medyo mahaba ho kasi yun.”

Shit. Saan nga ba? “May ma-suggest ho kayong lugar kuya?”

Nilingon siya saglit ng driver. “Kakain ka lang ba o iinom?”

“Pareho ho.”

“Bakit hindi ka na lang doon sa manor hija? May restaurant naman sa loob saka may bar din,” ani manong driver habang bumibiyahe sila.

“May.... may higad ho kasi,” nasabi niya nang makitang umilaw ang kanyang cellphone pero hindi niya binuksan.

Napalingon uli ang taxi driver sa kanya. “May higad?!” Tila gulat na gulat ito.

“W-wala ho. Sabi ko... may gaahaad. Parang maarteng My God, ganun. Usong term,” palusot niya. Hindi niya alam kung bumenta sa driver ang sinabi niya pero hindi na nagsalita ang may-edad na lalake. Mayamaya ay siya ang hindi nakatiis.

“Gusto ko ho yung sa may downtown... o kaya kahit saang madaming tao. Yung may happening.” Para hindi ko naman maramdaman na mag-isa lang ako at malungkot.

“Gusto mo diyan na lang kita ihatid sa Nevada Square? May mga kainan din, may banda... marami kang pagpipilian. Madaming tao.”

Napatingin si Faye sa labas ng taxi-- sa direction na itinuro ng driver. Nakikita nga niya ang signage na Nevada Square. At maraming tao. Naisip niyang kaya naman niyang kumaing mag-isa at manood ng banda mag-isa.

“Sige, diyan na lang ho. Mukhang okay naman.”

Pagbaba niya ng taxi ay nakira niyang may 4 missed calls mula kay Lemon. Hindi niya pinansin yun. Ang binuksan niya ay ang mga Viber messages ng mga kaibigan. Lahat ay nagtatanong kung ano na ang update-- kung magkasama ba sila ni Lemon. Nag-type siya ng message.

I'm alone. No Lemon. May kasama siyang babae sa suite room niya. Huwag niyo na muna akong kulitin. After sending the message ay ini-off niya ang cellphone saka pumasok na siya sa unang restaurant sa may bukana ng Nevada Square saka umorder ng pagkain.

Pagkatapos kumain ay nanood siya ng bandang tumutugtog. May mga ngumiti sa kanya at nag-attempt na lumapit pero hindi na tumuloy dahil hindi niya in-encourage ang mga iyun. She made it clear that she wanted to be alone.

PAST twelve na nang bumalik sa Camp John Hay Manor Hotel si Faye. Nang makarating siya sa tapat ng kanyang kuwarto ay hindi niya napigilang mapasulyap sa katapat na suite room. May nakalagay na DO NOT DISTURB sign sa may door knob. Dali-dali niyang binuksan ang sariling kuwarto at akmang isasara na yun nang may biglang pumigil.

“Where have you been?” Nakatayo sa tapat ng kuwarto niya si Lemon- ang isang kamay ay nakahawak sa may pinto para hindi maisara.

“N-nag-dinner,” sagot niya kahit medyo nagulat. Her mind was racing. Lintek, saan siya galing? Ano to, The Flash? Biglang sumusulpot sa isang kisap-mata? Nanatili lang din siyang nakatayo sa bukana ng pinto. Wala siyang balak na papasukin si Lemon!

“It's almost one in the morning. What kind of dinner was that?” Narinig niyang wika ng lalake.

“Nanood pa ako ng banda after dinner,” sagot niya.

“Alone?!”

“Hindi. Kasama ko ang anino ko,” sarcastic niyang pahayag na sinundan ng mahinang tawa. “Of course alone, wala naman akong ibang kasama.” Unlike you, sa loob-loob niya.

“You should have waited for me earlier. Magdi-dinner naman talaga tayo.”

Wala akong balak mabilaukan habang nanonood sa inyo ng babae mo, bad trip ka. She smiled at him. “Okay lang, nagutom na rin kasi ako.”

There was an awkward silence. Nakatingin lang sa kanya si Lemon.

“S-sige ha, matutulog na ako.” Humigpit ang hawak niya sa door knob, desidido na siyang isara yun.

“Nagselos ka no?” ani Lemon.

Nanlaki ang mga mata niya. “Ano?! Bakit naman ako magseselos?!” Gilitan man siya sa leeg ng mga oras na yun, hinding-hindi siya aamin na nagselos siya. “Ang tindi naman ng imagination mo.”

“Just admit it.”

“Alam mo, mula noon hanggang ngayon, matindi pa rin ang hangin sa utak mo--”

Hindi na natapos ni Faye ang sasabihin. Sa isang iglap ay tuluyang nabuksan ni Lemon ang pinto at bigla siyang hinalikan.

Oh shit. Oh shit. Napapikit siya. It was the sweetest, mind-blowing kiss.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now