Chapter Thirty Six: Miss You Like Crazy

1.5K 54 4
                                    

"THIS IS CRAZY." Mahinahon ang boses ni Lemon pero deep inside ay gusto na niyang sumigaw at magwala dahil sa frustration. "And totally unacceptable."

Habang nakatingin siya sa labas ng glass window ng kanyang office ay maraming bagay at scenario ang pumapasok sa utak niya. But he has to calm down, maintain his focus and prioritize things. Binalingan niya si Cara na nakaupo sa couch, katabi ang private investigator na si Mang Boogie. Dati itong pulis, magaling, mabait at sampung taon nang nagsisilbi sa pamilya nila. Inirekomenda ito ni Harlem, ang kanyang long-time driver/bodyguard.

"Paanong wala man lang nakakaalam kung nasaan si Faye? It's the computer age, everyone has a digital footprint," wika niya sa dalawa.

"Sir, na-check na po namin ng mga tao ko ang lahat ng mga possibleng puntahan niya. Lahat ng mga kakilala niya, kaibigan, former workmates, classmates, kapitbahay -- pati mga ports, airline companies at immigration, na-check na din. Lahat sila, hindi alam kung nasaan si Faye at wala ding record na bumiyahe siya within or outside the country," wika ni Mang Boogie.

"She may have taken the bus or nasa city lang siya at nagtatagong mabuti," wika ni Cara. "I already checked my sources sa mga telephone companies. Wala din silang maibigay na information sa akin."

"How could she vanish without a trace?" How could you do this to me? Sumasakit na ang ulo niya sa kakaisip kung nasaan ang babae.

"Hindi sa pagiging morbid pero napa-check ko na din ang lahat ng ospital, clinics at mga morgue sa buong Pilipinas. Wala ding record."

Nanlalambot na napaupo si Lemon sa swivel chair niya.

TATLONG linggo na siyang walang balita kay Faye. Noong unang ilang araw matapos siya nitong sabihan ng 'i hate you' ay hinayaan lang muna niya ang babae. He thought he'd give her space na kumalma at lumamig ang ulo. And he was actually hoping na ma-miss din siya nito kahit papano.

After one week ay sinubukan niya itong tawagan pero naka-off ang phone. Nainis siya because he wanted to come clean at ipagtapat na ang lahat sa babae. Still, inisip niyang baka masama pa din ang loob sa kanya ni Faye kaya hinayaan lang muna niya ito.

After two weeks ay naalarma na siya and started sending people para hanapin ang babae dahil hindi niya pa rin ito makontak. To his horror ay naglahong parang bula si Faye! Gusto na niyang ipa-announce sa lahat ng tv and radio networks na hinahanap niya si Faye. Pati ang pagpapatawag ng mga bloggers and keyboard warriors na puwedeng magpa-viral ng mga announcements ay naisip na niya just to fish out Faye from nowhere. Pero alam niyang lalo lamang siyang mahihirapang hanapin ang babae. Yun kasi ang huling message na ipinadala ni Faye sa pamilya bago ito nawala -- na huwag muna siyang hanapin dahil gusto nitong mapag-isa.

Kaya naman ngayon ay umaapaw na ang frustration niya dahil hindi niya alam kung nasaan ang babae.

"Don't worry Lemon, I already organized a new team to locate Faye," narinig niyang wika ni Cara.

"Check every little corner of every municipality in the Philippines if you have to. Don't worry about the expenses," nasabi niya. "You do know that money is never an issue."

"I know," sagot ng babae. "I'll give you an update within two days."

Tumango siya saka tumahimik na. Hanggang sa makaalis sina Cara at Mang Boogie ay nanatili siyang nakaupo at nag-iisip lang. Kung hindi pa sumilip sa kanya ang secretary niya para i-remind siya ng kanyang appointment ay hindi pa siya kikilos at tatayo.


"YOU'RE a certified stalker," deklara ni Trent Benitez sa kanya.

Pinsan niya ang lalake at CEO ng Grand Pacific Luxury Hotel kung saan sila naroroon ng mga oras na yun. Inimbitahan kasi siya ni Trent na doon mag-dinner dahil kababalik lang nito from a one month cruise. Naroroon din ang kapatid ni Trent na si Freya at ang pinsan nilang si Rafa.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now