Chapter Seven: The Coffee Date

2K 85 8
                                    

CHAPTER SEVEN



Present

“NANDITO siya kagabi. Dumaan pa nga dito sa area natin pero umalis din agad,” chismis ni Vivian sa kanya. Si Lemon ang tinutukoy ng babae. “Feeling ko hinanap ka niya at nang di ka makita, nalungkot.”



“Echosera ka,” natatawang wika niya sa kasama. It was eight thirty in the evening. Alas nuwebe ang duty nila kaya may oras pa silang magkuwentuhan.



Usually ay sa lobby lang sila tumatambay o kaya ay sa cafeteria but that night ay sumama si Faye kay Vivian sa smoking area ng floor nila. Hindi naman siya naninigarilyo pero mas pinili niyang doon magpalipas ng oras. Para madilim at hindi masyadong kita.



“Totoo mars. Lakas ng kutob ko kahit wala akong bolang kristal.” Natawa siya sa sinabi ng babae.



“Sira ka talaga. Saka, bakit naman niya ako hahanapin e hindi naman ako nawawala.”



“Baka na-miss ka niya. Baka maniningil sa proposal.” Sinundan yun ni Vivian ng malutong na tawa.



Gusto niyang kutusan ang babae. Parang nagsisisi tuloy siya na sinabi niya pa yung tungkol sa past nila ni Lemon. Kinilabutan din siya sa naisip. Walang legitimate past kasi never na naging kami.



“Saka duda din ako na siya ang nagpadala sayo ng bulaklak!”



Yun din ang naisip niya pero malabo e. Dapat sinabi na sa kanya ni Lemon, bakit magpapa-misteryoso pa? Ang kilala niyang Lemon ay may naka-standby na isang truck na self-confidence. Kung noon ngang high school sila ay hindi nagdalawang isip ang lalake na magtapat sa kanya, ngayon pa kaya?



Ngayon pang boss ko na siya at ako ay empleyado. Isa yun sa mga dahilan kung bakit halos hindi siya makatulog at aligaga ng dalawang araw. What if bigla siyang masesante? Bigla siyang paalisin dahil binasted niya ito nung high school? Hindi naman siguro. That was ten years ago.



“Kapag nagkaroon ng chance, kausapin mo siya.” Medyo hinila pa siya ni Vivian para mas malapit sila sa may railing. “Kung ako yan, diniretso ko na nung unang araw pa lang.”



“Baka iba ang nagpadala at mapahiya lang ako.”



“Hay naku mars. Ang hina mo naman. Hindi na ako magtataka kapag naunahan ka.”



“Paanong maunahan?”



“Alam mo ba, lahat ng agents ngayon parang pupunta sa party. Naka-get up ang mga hitad! Lahat ay gustong magpapansin sa bossing. Natatawa nga ako e, pano mga ilusyunada.”



Napatingin siya sa ilang babaeng nagyoyosi. Mga naka-full make up nga at kung hindi naka-boots ay naka-stiletto. May isa pang agent na dumating-- si Jayjay na international account ang hawak. Kilala niya ito dahil nakasabay niya sa training.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now