Chapter Thirty: In The Name of Love

1.8K 66 15
                                    

10 YEARS AGO

NAPANGITI si Lemon nang matanggap ang package mula sa Pilipinas. Excited niyang dinala ang box sa kuwarto at agad na binuksan. Naglalaman iyun ng mga disc- lahat ay may label. Isinalang niya sa kanyang desktop ang isang disc. Agad na lumabas sa screen ang isang pamilyar na lugar. It was the gym at the St Therese School at naroroon sina Faye- nagpa-practice. Napabuntong-hininga siya nang makita ang babae- inilagay pa niya sa pause ang screen at pinindot ang zoom.

"So that's the girl, huh?" Muntik nang malaglag mula sa upuan si Lemon nang marinig ang boses ng Tita Belle niya. Napahawak tuloy siya sa dibdib nang wala sa oras- pakiramdam kasi niya ay nawala sa posisyon ang puso niya dahil sa gulat.

"Tita naman, aatakihin ako sa inyo e," aniya nang makabawi.

"What?" Inosente ang itsura ng tita niya. "Bukas ang pinto-- naiwan mo sa sobrang pagmamadali. And I saw that you were so focused on whatever you were doing on your computer kaya na-curious ako." Lumapit pa sa study table niya ang babae. "I don't blame you... she's pretty."

"She is," hindi niya napigilan ang mapabuntong-hininga matapos sumang-ayon sa tita niya. "And she's really smart."

"Yan ba ang inabangan mo ng ilang araw mula sa FedEx?" kaswal na tanong ng Tita Belle niya habang nakatingin sa bukas na box. Then pasimple din nitong tiningnan ang ilang disc na nasa mesa niya. "Siya ba ang laman ng mga CD na ito? Paano ka nagkaroon ng mga ito?"

Napatingin sa kanya ang tita niya- puno ng pagdududa. "Why do I have this feeling na nakuha mo ng illegal ang mga CD na'to?"

Napalunok si Lemon- hindi agad nakasagot. Ang totoo ay pinakiusapan niya ang parents niyang mag-donate ng mga CCTV camera sa buong campus- na ginawa naman nila. Ang hindi alam ng parents niya ay ang pag-utos niya kay Harlem na kutsabahin ang in-charge sa security footage. Lahat ng video feeds na naroroon si Faye ay pinabayaran niya kay Harlem para magkaroon siya ng kopya. He did it para lang aware siya sa nangyayarisa buhay ni Faye kahit nasa malayo siya.

Nakita niyang nakataas ang kilay ng tiyahin niya habang naghihintay ng sagot mula sa kanya. Umiwas siya ng tingin kaya napatalak ang babae.

"Illegal nga 'to no?!" Ibinalik ng Tita Belle niya ang mga CD. "Oh my God.I am raising a future criminal."

"Tita naman... in the name of love po yan," rason niya. "It's not as if I am hurting anyone. In fact, nakakatulong pa po ako."

"Paano ka nakakatulong, sige nga?"

"N-nagbibigay po ako ng trabaho?" napakamot siya ng ulo. 

"Nagbibigay ng trabaho?! Sus! Ang sabihin mo, nang-bribe ka ng tao! So sino ang kakutsaba mo?" Nakapameywang ang tita niya habang nakatingin sa kanya.

"Secret po e. Hindi ko puwedeng ilaglag ang source ko."

"Naku Lemon ka-- kapag nalaman ng mommy at daddy mo to... baka sabihin na kinukunsinti kita. Pati ako ay nagkakaroon ng kasalanan dahil sa'yo!" wika ng tita niya saka tumalikod para lumabas na. "My God. Ayokong maging accomplice mo diyan sa mga illegal activities mong bata ka!" Tila allergic na lumayo ang babae saka mabilis na tinungo ang pinto.

Nang makalabas ang Tita Belle niya ay agad niyang isinara ang pinto saka bumalik sa study table niya. He played the video and instantly smiled. My Faye.


ISANG bagay ang tumatak sa isip ni Lemon matapos panoorin ang lahat ng video clips na nasa CD-- pinag-uusapan na ang nalalapit na prom nina Faye! Kaya naman kahit alam niyang alas-tres ng madaling-araw sa Pilipinas ay napatawag siya sa mommy niya!

"Lemon? What's wrong? May nangyari ba?" His mom's voice sounded alarmed. "Bakit bigla kang napatawag?"

"Mom, I want to go home."

"WHAT?! Akala ko ba ay napag-usapan na natin ito? You agreed na tatapusin mo ang pag-aaral mo diyan. You promised me... you promised us."

"I know. And I intend to keep that promise. I just want to go home for a couple of days... that's all I'm asking."

"Bakit nga? May nangyari ba? Tell me!"

"Mom, gusto kong um-attend ng prom."

There was silence on the other line. Akala niya ay nawala na sa linya angmommy niya. Or baka nabitawan ang phone kaya na-cut. But then nagsalita uli ang mommy niya.

"Prom.That's your excuse for going home?"

"It's not an excuse, mom. It's my reason for wanting to go home. Kasi gusto ko pong makita si--" he stopped.

"So  this is about that girl again." 

"Mom, I promise.... eto lang po talaga ang hinihingi ko. K-kahit... kahit wala na kayong ibigay sakin for my birthday. This is all I'm asking for..... please?"

Another silence. Feeling ni Lemon ay yun na ang pinakamatagal na silence na naranasan niya mula sa mommy niya.

"Alright. Makakauwi ka dito but only for a few days... maximum of one week, are we clear?" Muntik nang mapatalon sa tuwa si Lemon nang marinig ang sinabi ng mommy niya!

"Clear as crystal! Thank you so much mom! You're the best mother in the world!"

"Tell that to your father." Napangiti siya sa sinabi ng mommy niya.

"I will mom. And than you so much!"

"Good night son. You know it's three in the morning right?"

"Yes. Sorry mom! Good night. And I love you!!!"


After the phone call ay muling tiningnan ni Lemon ang computer niya na naka-freeze sa video na makikitang nakangiti si Faye. Halos manikip ang dibdib niya sa sobrang saya. 

'I promise Faye, I'll be the best prom date.'



My Lemon's Heart (Complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora