Chapter Nineteen: Holding Hands While Walking

1.7K 82 17
                                    


CHAPTER NINETEEN


PRESENT


MASAKIT na ang panga ni Faye pero kailangan pa rin niyang ngumiti. Akalain mong sa Baguio Cathedral pa pala gagawin ang kasal ni Lemon? Kung hindi ba naman nananadya ang tadhana!


"Maganda dito. I'm sure you'll have a lovely wedding," wika niya kay Lemon. Nagi-guilty siya dahil hindi siya sincere sa mga sinasabi— nasa simbahan pa man din sila.


"That's what I'm hoping for." Ngumiti ang lalake at naglakad-lakad habang pinagmamasdan ang paligid.


"Bakit nga pala dito ka pa magpapakasal? Why not in the states?" Sana doon ka na lang magpakasal sa malayo, gusto niyang idugtong. Huwag na dito!


"We've always wanted it here," kaswal na sagot ni Lemon.


Gaya-gaya, buwisit. She continued to smile kahit parang magkaka-lock jaw na yata siya. Then napansin niyang medyo padilim na. Ayaw niyang gabihin sila pabalik ng Maynila. Binilisan niya ang paglalakad para maabutan si Lemon na nasa unahan- tila aliw na aliw.


"Di pa ba tayo aalis? Baka gabihin tayo sa biyahe. Mahirap yata magpalipad ng helicopter sa gabi di ba?" Nilingon siya ng lalake pero tila hindi ito affected.


"Oh. Well. Let's spend the night here in Baguio. Bukas na tayo bumalik ng Manila."


"What?!" Na-brain freeze yata siya- feeling niya biglang sumakit ang ilong niya, ang noo niya at ang buong ulo niya. Sila ni Lemon, mag-o-overnight sa Baguio?! "Hindi puwede! No way!"


"But why?" Bahagyang tumaas ang kilay ni Lemon. Amused na naman ito sa kanya. "We deserve a little rest. We could have a nice dinner and go to a bar—"


"Wala akong gamit na dala. Look, eto lang ang dala ko o!" Itinaas niya ang kanyang hand bag na naglalaman ng kanyang wallet, cellphone, make-up kit, pabango, prayer booklet, rosary at suklay. "Ni wala akong charger na dala, naiwan ko! At wala din akong damit na pamalit. Kanina ko pa nga gustong magbihis dahil masakit na ang paa ko dito sa heels!" Naka-office outfit kasi siya- slacks, blouse at blazer. Malay ba naman niyang pupunta pala siya sa Baguio?


"You do know that there are malls here, right?" Ngumiti sa kanya si Lemon. "You could buy anything that you need. And everything."


"Hindi iyun e. Iba pa rin siyempre yung mga gamit ko." Naisip niyang gagastos pa siya para mamili ng mga gamit e puwede naman silang umuwi. Palibhasa kung ano lang ang maisipan, ginagawa!


Hindi na sumagot si Lemon sa kanya. Naglakad na sila pabalik sa SUV na nakapark lang sa may labas ng simbahan at agad na sumakay. Lihim siyang nagpasalamat dahil at least, mukhang nagbago ang isip ni Lemon. Then nakita niyang mag-isa na lang ang driver sa unahan.


"Nasaan ang kasama mo?" tanong niya. Lemon was busy typing something on his mobile phone.

My Lemon's Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon