Chapter Four: Memory Lane

2.2K 88 9
                                    

CHAPTER FOUR

10 Years Ago.

First Monday ng July. It's the campaign week para sa student council election at excited na si Faye na pumasok sa school para ikabit ang mga dalang campaign materials. Nothing grand pero pinaghirapan niyang gawin yun over the weekend. Dumaan muna siya sa simbahan na halos katabi lang ng school nila para magdasal. Naging habit na niya iyun eversince. Dapat nga ay kasama niya si Precious pero dumaan pa sa flower shop ang kaibigan niya.

Katatapos lang niyang magdasal at patayo na nang marinig niya ang pangalan niya. “Faye! Faye!” Lumingon siya and saw Jeselee, isa sa mga kaklase niya. Humahangos ito patungo sa kanya.

“Nakita mo na?” tanong nito sa kanya.

“Ang alin?” Clueless siya sa tinatanong ng kaklase.

“Hala.... akala ko naman nakita mo na kaya ka nagtago dito sa simbahan. Nakita kasi kitang pumasok kaya sumunod agad ako.”

“Bakit naman ako magtatago dito? Nagdasal lang ako... you know, para good luck.”

“Naku, good luck talaga kapag nakita mo ang buong campus!”

“Bakit?” Biglang kinabahan si Faye. “Anong meron?”

“Tingnan mo na lang. Ayokong sa akin manggaling ang balita.”

“Hindi pa ba?” Tinalikuran niya si Jeselee at mabilis na naglakad palabas ng simbahan. Kumakabog talaga ang dibdib niya.

Habang naglalakad ay ramdam ni Faye na pinagtitinginan siya ng lahat ng makasalubong niya. Lalo tuloy siyang kinabahan. Feeling niya may kababalaghang nagaganap sa school niya at siya na lang ang hindi nakakaalam. Nasa tapat na ng gate ng St Therese si Faye. Pagpasok niya sa gate ay muntik nang malaglag ang panga niya! As in napanganga siya!

Isang malaking streamer ang tumambad sa kanya na may nakalagay: FAYE JOMENTO FOR PRESIDENT. Naroroon ang mukha niyang nakangiti. Saan galing ang picture na iyun? Wala siyang natatandaang pictorial na naganap.

“Wow Faye, para kang kakandidato ng senador ng Pilipinas ah!” Si Orven ang nagkomento, isa sa mga kaklase niya. Katabi nito si Ace na nakangisi din.

“Lakas talaga ng fans club mo!” Hindi na nakatiis na hirit ni Ace.

Pagtingin ni Faye sa paligid ng campus ay may maliliit na poster na nakakabit doon-- very professional ang pagkaka-imprenta, nagmukhang pang-grade one ang ginawa niyang poster dahil colored pentel pen lang ang ginamit niya. Tama sila.... para akong kakandidato ng senador!

“Please vote for Faye Jomento for president,” narinig niyang wika ng isang estudyante. May hawak itong maliit na card. Nilapitan niya yun at tiningnan. May pocket calendar din siya?!

“Kanino galing to?” Kinuha niya ang isang pocket calendar at tinanong ang babaeng estudyante na namimigay. Nasindak yata ang estudyante dahil napaatras ito at napabuka ng bibig pero walang sound! “I mean.... sino ang nagbigay nito?” Faye tried to smile kahit nanginginig siya sa galit.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now