Chapter Twenty Nine: Moving On

1.8K 69 28
                                    




PRESENT


MAY thirty minutes nang gising si Faye pero hindi pa rin siya bumabangon. Lampas alas-dose na ng tanghali-- tirik na ang araw sa labas at alam niyang karamihan sa mga tao sa neighborhood niya ay kasalukuyan nang nagla-lunch or baka tapos nang mananghalian. Samantalang siya-- ni hindi pa nagbi-breakfast o nagkakape man lang.


Pero alas sais na rin naman kasi siya ng umaga natulog-- hindi dahil sa pagtatrabaho kundi dahil umaga na natapos ang tv series na kanyang minarathon sa dvd.


Ilang araw nang ganun ang kanyang routine. Magigising after lunch, babangon ng hapon, kakain, magchi-check ng email, manonood ng dvd, kakain, manonood uli ng dvd hanggang madaling araw. Worried na sa kanya ang mga barkada niya dahil nakailang text at tawag na sila para yayain siyang lumabas pero tumatanggi siya. Hindi pa talaga siya ready na magkuwento or makipag-socialize these days. Mas gusto niyang mapag-isa.


Hindi niya alintana ang pagiging jobless dahil alam niyang di naman siya magugutom kung saka-sakali. Makakauwi naman siya sa kanila sa Bulacan kapag nagkataon. Mas gusto lang talaga niya ngayong mag-isip at magtimbang kung ano na ba talaga ang plano niya sa buhay.


Magtrabaho na kaya ako sa TV network? Pero agad din siyang napailing sa naisip. Matatali siya sa network tulad ng iba niyang mga kaibigan na tulog lang ang pahinga kapag may ginagawang show-- that is- kung puwede pang isingit ang tulog sa sobrang hectic ng schedule.


Shit, malamang na mawalan ako ng social life. Wala na ngang lovelife, wala pang social life. Ano, bigti?


Naisip niyang mag-aral uli-- kumuha ng master's degree pero gagastos na naman siya.


Gaga ka kasi. Pauso ka ng resign sa trabaho, hindi mo pa pala kaya, singit ng konsensiya niyang maldita.


Pero alam niyang what she did was just right. Mas mabuti nang umiwas siya kesa lumalim pa ang hukay na kanyang kinababaunan. Feeling kasi niya, every second spent with Lemon ay lalong nadadagdagan ang kasalanan niya. Ikakasal na ang lalake and yet nakikipag-flirt pa rin sa kanya-- ang masaklap, nadadala siya. Kung bakit naman kasi ang hina ng puso niya sa kaway ng temptasyon!


Kaya tama lang na nag-resign ako, sa loob-loob niya kahit parang naririnig pa rin niya ang mga sinabi sa kanya ni Vivian the night na lumabas sila. Para daw siyang lasing sa mga desisyon niya sa buhay.


Ilang beses ko nang sinabi sa'yo girl-- may past kayo ni sir- yun ang malaking advantage mo. Hindi mo ba nari-realize kung gaano siya kayaman? Kung gaano ka-bongga ang gusto mong pakawalan?


Buti nga hindi siya sinabunutan ng babae noong nasa bar sila. Dahil oo nga- mayaman si Lemon and all, pero kung noon ngang mga bata pa sila ay nagawa niyang tanggihan ang lalake- ngayon pa kayang mas kumplikado na ang sitwasyon nila.


No, wala akong pinagsisisihan. I know I made the right choice. I made the right decision.


Biglang tumunog ang cellphone niya- napabalikwas tuloy siya ng wala sa oras.


"Hello?" Sinagot niya ang tawag dahil landline yun at hindi cellphone ng mga kakilala.


"Miss Jomento, please come to the office within the day." Office? Bigla siyang nalito. "Sa HR ito. You need to sign some papers for your clearance para ma-release yung last paycheck mo."


"Ah. Okay po. Sige. I'll be there later. Thanks."


Matapos makipag-usap ay saglit na napatitig si Faye sa cellphone. That wasit. She was finally signing her clearance and exit papers. Feeling niya ay makakapag-move on na rin siya. Mayamaya ay tuluyan na siyang bumangon at naligo.






My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now