Chapter Forty One: Anything For You

1.6K 84 9
                                    

       

"UMUWI ka kaya muna?" Napatingin siya kay Vivian na nakaupo sa gilid niya.

Nasa lobby sila ng Asian Hospital and Medical Center na nasa Alabang. Kilala ang naturang ospital sa advance at world class medical expertise nito bukod pa sa mala-hotel na facilities. Kaya siya naroroon ay dahil doon dinala si Lemon four days ago. And until now ay hindi pa rin siya nakakalapit sa lalake.

Nang ma-airlift si Lemon ng mga medic ay bumiyahe naman sila ni Cara gamit ang SUV. Ni hindi siya pinayagan ng babae na mawala sa tabi nito. Pagdating nila sa Manila ay dumiretso sila sa isang hotel kung saan may naghihintay nang damit at gamit doon kaya nagawa niyang maligo at magpalit. Cara advised her to sleep and get some rest pero hindi niya kaya. She wanted to know kung napano na si Lemon. Pinilit niya ang babae until pumayag itong pumunta sila sa Asian Hospital.

Pagdating sa ospital ay nalaman niyang nasa ICU si Lemon and under observation. Gusto niya itong makita pero sinabi sa kanya ni Cara na naroroon ang pamilya Benitez at mahigpit na sinabi ni Mrs Benitez na huwag siyang palapitin kahit sa floor man lang kung saan naroroon si Lemon. Imbes na umuwi ay nagpasya siyang manatili sa ospital. Binigyan siya ni Cara ng cellphone na magagamit. Hindi na siya nagulat nang iabot sa kanya ng babae ang isang listahan ng mga phone numbers ng mga kaibigan niya at pamilya.

"Call someone or anyone na gusto mong makasama dito. You don't have to suffer alone," bilin sa kanya ng babae bago ito bumalik sa ICU para puntahan si Lemon.

Nagpadala lang siya ng message sa nanay niya na okay naman siya. Then si Vivian na ang tinawagan niya dahil tanging ito lang sa mga kakilala niya ang hindi na-manipulate ni Lemon na maging espiya. Unlike her friends from high school.

"Yung mga doctor, 24 hours lang ang shift. Ikaw, ilang araw nang nandito."

"Viv, hindi ko kayang umuwi na hindi man lang nakikita si Lemon."

"Bakla, anong gagawin natin? Ayaw talaga ni Mrs Benitez na lumapit ka dun. Baka mamaya ipasunog na tayo ng buhay sa labas ng ospital!"

"Maghihintay ako. Kilala ko si Lemon. Alam kong kapag nagising na siya at nagkaroon ng lakas ay ipapatawag ako. I just know."

"Day, paano kung nagka-amnesia siya? Di ba sabi mo natumba siya at nawalan ng malay? Naku ganyan ang mga nangyayari sa pelikula. Nababagok ang ulo tapos nawawalan ng memory!"

"Huwag ka ngang ganyan," sita niya sa babae. "Lalo akong kinakabahan." Napa-knock on wood siya ng wala sa oras.

Pero ayaw paawat ni Vivian. Naglitanya ito!

"Naku mahirap pa naman kalaban ang amnesia! Naaalala mo ba ang nangyari kay Shan Cai nung magka-amnesia si Dao Ming Si sa Season 2? Yung sa original na Meteor Garden ha? Yung may kantang Broken Vow? TV series pa lang yun pero nagkadurog-durog na ang puso ko sa dinanas ni Shan Cai. E paano pa kung sayo mangyari---"

Natigilan lang ang babae nang may mapadaang tatlong lalake. Matatangkad at puro guwapo. Lahat ng tao sa lobby ay natigilan at napatingin. Ang iba naman ay napapalingon at tila namamalikmata.

"OH MY GOD. Sino ang mga yan? May shooting ba dito?" tanong ni Vivian na biglang nataranta.

"Shooting? Parang wala naman."

"Di ba mga artista yun?" napaisip ang babae habang tila naka-slow motion ang paglalakad ng mga lalake. Maging siya ay manghang napatingin dahil parang mga demigods sa kaguwapuhan ang mga dumadaan.

"That's Trent, Rafa and Jersey. Mga pinsan sila ni Lemon," sagot ni Cara na nakalapit na pala sa kanila. "They are known in the elite circle as the filthy rich and notoriously handsome Benitez boys."

Napanganga si Vivian at biglang napahawak sa sinapupunan. "Bakit ngayon ko lang sila nakita?! Saan sila itinago ni Sir Lemon?"

"Laging wala dito ang mga yan. They basically grew up abroad and laging nagta-travel. Kung si Lemon ay sa California, si Trent naman ay sa New York, Rafa lived in Japan and Korea and si Jersey ay sa London. But every year, they get to spend one month together either in Florida kung saan may bahay ang lolo nila or in any country of their choice. Yun ang bonding nilang magpipinsan."

Pati siya ay napanganga. Naisip niya na ang iba talaga ang lifestyle na nakasanayan ni Lemon. Lifestyle of the rich and famous, sa loob-loob niya. Pero alam niyang hindi niya dapat sisihin ang lalake dahil lang sa galing ito sa mayamang angkan.

"Pero bakit sila nandito lahat?" nagtatakang tanong ni Vivian. "Bakit parang...."

"Parang ano?" tanong niya sa kaibigan.

"Di ba kapag ang tao ay malapit nang mamatay, pinapatawag ang pamilya at mga mahal sa buhay? Para sa huling bilin--" Bigla niyang nahampas ng panyo ang mukha ni Vivian!

"Huwag kang nagsasalita ng ganyan!" Napatingin siya kay Cara."Kumusta na po ba siya? Gising na ba?"

Umiling si Cara. Lumakas tuloy ang kabog ng dibdib niya at biglang nanlambot ang mga tuhod niya.

"E bakit nagdadatingan na ang mga kamag-anak niya? Tapos ayan pa yung mga pinsan niya na sabi mo laging wala dito pero dumating---" Unti-unting namuo ang mga luha niya. "Please be honest kung ano ang tunay na kalagayan ni Lemon, hindi yung kung anu-ano na ang naiisip ko."

"Oo nga. Maging fair naman kamo, pakisabi sa mommy niya. Ilang araw nang naghihintay dito si Faye," ani Vivian.

"My son has waited longer than that. My son has waited for more than a decade," wika ng isang babaeng boses.

Nagulat sila ni Vivian nang makitang nakatayo na sa likod nila si Mrs Benitez, ang mommy ni Lemon. Agad silang napayuko. Then bigla niyang naramdaman na unti-unting lumalayo si Vivian. Pag-angat niya ng tingin ay hinihila na pala ito ni Cara palayo. At sila na lang dalawa ni Mrs Benitez ang natira. Gusto niyang tumakbo palayo pero hindi niya magawa!

"I almost lost Lemon more than ten years ago. He was one of the victims of a shoot-out." Bigla siyang kinilabutan sa sinabi ni Mrs Benitez. "He was in the hospital for several weeks. That was the reason why he didn't make it to your prom."

Agad na tumulo ang luha niya sa narinig. She hated Lemon that time. She didn't know na muntik na palang mamatay ang lalake.

"When I learned that he was rushed to the hospital, it brought back all the fears that I had when I almost lost him. I was angry because of what happened to him. And I was very scared."

Humahagulgol na siya habang nakikinig kay Mrs Benitez. Kung siya ang nasa kalagayan ng babae, baka nga nakapatay na siya. She has never felt so guilty in her life.

"I'm sorry... patawarin nyo po ako. I'm really sorry."

Bumigay na ang mga tuhod niya, dala na rin siguro ng pagod at matinding emosyon. Agad naman siyang dinaluhan ni Mrs Benitez. Kahit patuloy ang pagluha ay niyakap niya ang may edad na babae.

"I would give anything para lang makaligtas si Lemon. I would trade my life if I have to, para lang sa kanya," wika niya.

"You don't have to do that," narinig niyang wika ng isang pamilyar na boses. Pag-angat niya ng tingin ay nakita niyang nakatayo si Lemon. "And you cannot do that."

Napasinghap siya at hindi makapaniwala. "Ha?"

"You are not allowed to trade your life. You belong to me," anito.

Humakbang si Lemon palapit sa kanya.

"And I want to marry you."

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now