Chapter Thirty Five: Truth or Consequence

1.5K 57 4
                                    

LEMON was running late. It was almost three in the afternoon at kakahinto pa lang ng sasakyan niya sa harap ng building. May board meeting siyang alas-tres at ayaw niyang mahuli kahit isang minuto.

It was his fault. Pinagbigyan niya ang kapritso ni Isay na mag-lunch sila sa isang Korean Restaurant along Jupiter Street sa Makati. Maikli lang naman sana ang lunch, kaya lang ay mas mahaba ang drama ni Isay. Nahuhulog na daw ang loob nito sa kanya and Isay wanted to know kung may possibility na ganun din siya or hanggang palabas nalang ang relasyon nila. Of course he tried to explain that what they have is purely business. Kaya nga sila may kontrata at malaki ang ibinayad niya sa babae.


HE met Isay in a bar in California. Hindi siya mahilig mag-clubbing or mag-bar hopping but that night ay gusto niyang lumabas to clear hismind. He ended up in a bar along Hollywood Boulevard. Naroroon si Isay kasama ang mga friends nitong model din. At dahil napansin nilang Pilipino din siya, they approached him at nagkakuwentuhan sila ni Isay. Nalaman niyang ilang buwan pa lang sa states ang babae dahil nabigyan ito ng ilang modeling assignments abroad matapos manalo sa isang prestigious modeling search sa Asia. Isay tried to get into Hollywood at kung saan-saang casting calls at auditions ito nagpunta pero hindi pinalad. Nasabi ni Isay na tanggap na nitong hindi para sa kanya ang buhay sa America at gusto na lamang bumalik ng Pilipinas pero hindi niya alam kung papano haharap sa mga tao knowing na nabigo ang American dream niya.

Nakaramdam ng awa si Lemon sa babae, lalo na at mabait naman ito kaya he decided na tulungan itong makabalik ng Pilipinas without any trace of frustration dahil sa naudlot na career sa US. He offered her 100 thousand dollars to pose as his girlfriend for one year- hindi kasi niya alam kung gaano katagal niya mapapaamo si Faye. But he needed Isay as his cover dahil ayaw na niyang mapahiya pa kay Faye. Agad na pumayag si Isay to be his girlfriend. Okay naman na sana. Ang hindi niya na-anticipate ay mai-in-love sa kanya si Isay at kanina nga ay iniyakan siya sa harap ng grilled pork!

"Bakit kailangan mong ipagpilitan ang sarili mo sa taong ayaw sa'yo? Alam ko kung gaano mo siya kamahal and every time naiisip ko ang mga kaya mong gawin just to win her heart, kinakain ako ng inggit. How I wish ako na lang yun e... sana kasi ako na lang." Panay ang pahid ni Isay ng luha. Ni hindi nakakain ang babae.

"If only it was that simple, sana nga noon ko pa ginawa. But I have a stubborn heart, Isay. It knows only one name. Si Faye lang ang kilala ng puso ko."

"Pero kelan mo sasabihin sa kanya lahat?"

"Malapit na." And it was true. He was just waiting for the right time. Sandali na lang, maipagtatapat na niya kay Faye ang lahat.

"What if mag-asawa siya ng iba?"

"Hindi mangyayari yun. I made sure na lahat ng nakapaligid sa kanya ay mako-control ko para hindi siya mapunta sa iba."

"Paano kung hindi ka niya tanggapin?"

Hindi agad siya nakasagot sa tanong ni Isay.

"Kapag tinanggihan ka niya, akin ka na lang... please?"

"Kahit alam mong iba ang mahal ko?"

Lalong napalakas ang hikbi ni Isay. Mabuti na lang at private room ang kinuha niya sa restaurant. Still, it was awkward. Kaya palihim niyang kinontak si Cara, his Publicist and PR person. Ang babae ang in-charge para mapanatili ang kanyang good image sa public.

Within twenty minutes ay nakarating sa restaurant si Cara at agad nitong kinausap si Isay. Nakahinga siya ng maluwag nang tumigil sa pag-iyak si Isay dahil ipinaliwanag ni Cara ang nilalaman ng pinirmahang contrata. Nakasaad kasi doon na bawal ang babaeng ma-inlove sa kanya, bawal sabihin kahit kanino ang kasunduan dahil mahigpit ang nakalagay na Non Disclosure Agreement. Nang mag-CR si Isay ay nagpaalam na siya kay Cara na aalis.

"Please take care of this mess, Cara. I need to go to the office. Marami akong aasikasuhin."

"Don't worry, I got this. Just go ahead. Ako na ang bahala."


PASAKAY na siya ng elevator nang biglang may humablot sa braso niya. He turned and saw that it was Faye.

"Mag-usap nga tayo," ani ng babae. Her expression was grim. Mukhang galit na naman.

"Yes, we need to talk," sagot niya. "But not now. I have a board meeting." Hinila niya papasok ng elevator ang babae at agad na pinindot ang close button.

"Teka, ayokong makipag-usap dito--" protesta ni Faye.

"Too late." Lihim siyang napangiti dahil umakyat na ang elevator.

"Kilala mo ba si Ruffa?"

"Gutierrez?" He was confused. Bakit tinatanong sa kanya ni Faye ang celebrity?

"Si Rufus! Yung lalake dati na ngayon ay Ruffa na!"

Lalo siyang nalito. "I don't understand. Paano naging dating lalake si Ruffa?"

Bumukas na ang elevator at mabilis siyang naglakad patungo sa conference room. Akmang bubuksan na niya ang pinto ng conference room nang balingan si Faye.

"Stay in my office. Wait for me. This won't take long," aniya.


HIS mind was somewhere else. Kahit may nagsasalita sa meeting ay wala siyang maintindihan. Instead of asking questions, he took out his phone and opened Google. He wanted to know kung dati ngang lalake si Ruffa!

Laking pasalamat niya nang matapos na ang meeting. Halos tumakbo siya patungo sa office niya. Naabutan niya si Faye na nakasandal at nakaidlip sa couch. His heart immediately melted. Akmang hahaplusin sana niya ang mukha nito nang biglang magdilat ito ng mata at agad na umatras- muntik tuloy itong mahulog!

"Are you okay?" Sinubukan niyang tulungan ang babae pero winaksi nito ang kamay niya.

"Hindi ako okay!" sagot nito. "Simula nang bumalik ka dito, hindi na ako naging okay!"

"Why?"

"Why? Tinatanong mo pa? Nagulo ang mundo ko, Lemon! Tapos kanina, nalaman ko na may kinalaman ka pala sa pagbi-break namin ni Ruffa dati!"

"WHAT?!" Shocked si Lemon! "Are you a lesbian?"

"Hindi! Si Ruffa nga, na dating Rufus!"

"Who the fuck is this Rufus? And why do you keep insisting na dating Rufus si Ruffa?  Kanina pa ako confused!"

"Rufus was my ex boyfriend! Nalaman kong binayaran siya ng pamilya mo para makipagbreak sa akin. He was bribed with a study grant in Canada and a new life. Dati siyang lalake tapos ngayon ay naging babae na!"

"And do you want him back?" He was horrified at the thought but he wanted to know.

"Hindi!"

"Then why are you so fired up?"

"Ang gusto ko lang malaman ay kung bakit ginawa mo yun? Ninyo ng pamilya mo! Bakit kailangan mong panghimasukan pati ang personal kong buhay?"

"First of all, that was a long time ago. Second, it was probably my mother who was behind it. And I'm glad she did what she did."

"Alam mo bang iniyakan ko ang pakikipagbreak sa akin noon ni Rufus? I felt worthless and unloved. Nasaktan ako!"

"But it made you stronger. Hindi mo ba naisip that what happened was in your favor? Kung tumagal kayo noon, madi-discover mo din na lalake din pala ang gusto ni Rufus. Magbi-break din kayo eventually."

Saglit na natahimik si Faye. Then humakbang ito at lumapit sa pinto para buksan yun. Saka ito lumingon sa kanya.

"I hate you." Yun lang at lumabas na ang babae.

"And I love you," nasabi ni Lemon nang wala na si Faye.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now