Chapter Fifteen: Final Offer

1.7K 78 8
                                    



CHAPTER FIFTEEN

PRESENT

FIRST time ni Faye na pumasok sa office ni Lemon and she was surprised kasi simple lang yun pero maganda. Katamtaman ang laki ng office, all-white walls, may nakakabit na dalawang maliit na black-framed modern paintings, glass table and black leather chair. May gray couch sa isang sulok that looked very comfortable at tinernuhan ng itim na wood table.



Minimalist, sa loob-loob niya. Naninibago siya dahil ang kilala niyang Lemon noon ay magarbo at mahilig magpa-impress. But then again- naisip din niyang nagbago na nga ang lalake. Maging ang taste nito ay iba na. Mahilig na siya sa mga sikat na models.



“How do you like my office?” Napaigtad siya nang marinig ang boses ni Lemon. Saan galing ang lalake? “Pumasa ba sayo ang design?”



“Maganda. I like it,” pag-amin niya. “Simple pero elegante.”



“Coming from you, that's a compliment.” Ngumiti si Lemon- boyish at pang TV commercial.



Di talaga maintindihan ng dalaga kung saan nanggaling ang appeal ng lalake. Hindi dahil sa mayaman ito. Feeling nga niya kahit punit-punit ang damit ni Lemon at nakatayo sa gitna ng isang construction site, cute pa rin ito. Anong misteryo ito??



“So I assume na nakausap mo na si Melody from HR?” narinig niyang tanong ng lalake. Bigla siyang natauhan at naalala kung bakit napasugod siya sa office nito.



“Well, yes. Yun ang talagang rason kung bakit ako nandito,” kumunot ang noo niya nang maalalang inilipat siya ng trabaho. From call center agent to.... yun ang hindi niya alam. Ano na nga ba ang job title niya? “I don't understand what's going on. Ang sabi sa akin hindi na daw ako agent at sa'yo na ako magre-report?” Talagang sinadya niyang maging patanong ang huling sentence.



“Yeah. You and me in the same work place...” Kaswal na umupo sa sofa si Lemon at itinaas ang paa sa wooden table. “Isn't it fun?”



Fun? Anong akala nito sa akin, naglalaro lang sa trabaho? Biglang uminit ang ulo niya. “Excuse me, did I give you the impression that I am not serious about my job?”



Napatingin sa kanya si Lemon. Intent... mukhang seryoso. “Actually the reason why you're here is that I know you are serious about your job. I saw your statistics as an agent and I read your working experience. It's impressive.”



Kumalma ang pakiramdam ni Faye. Ano ba to, di ko na maintindihan ang mga emotions ko kapag kaharap ko ang lalakeng ito. Kanina, masaya, tapos nainis. Ngayon naman ay bigla akong na-flatter. Baka mamaya maging lukaluka na nga ako nito. Pero nanatiling pormal ang mukha niya.



“I need someone like you on my team,” ani Lemon. “Bago lang din ako dito sa company. Pinag-aaralan ko pa ang ins and outs so kelangan ko ng tutulong sa akin.”



“Ano naman ang maitutulong ko? Mag-jot down ng notes? Hindi ako secretary no,” nasabi niya bago pa man nakapag-isip. “What I mean is, limited lang naman ang alam ko kasi iba ang nature ng work ko dito. Hindi ako pang-admin. Nasa floor ako as an agent.”

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now