Chapter Thirty Seven: Never Gonna Give You Up

1.5K 55 5
                                    

FAYE felt betrayed.

She found out that everyone around her lied. They've been lying for years at wala man lang siyang alam na lahat pala ng mga taong kilala niya ay nagsabwatan in favor of Lemon.

Dahil sa pera. He bought everyone's principle and loyalty. Ang masakit pa, pati ang mga malalapit niyang kaibigan at lalo na ang pamilya niya ay nagpa-manipulate din dahil sa pera. Kung hindi pa sila nagkita ni Rufus by accident ay hindi pa niya malalaman ang totoo.

Noong una ay may hesitation pa siya. Naisip niyang baka naman hindi totoo ang sinabi ni Rufus sa kanya. Baka pinagtripan lang siya. But when she confronted Lemon, doon niya na-realize na capable nga talaga ang lalake na bayaran ang ibang tao para lang layuan siya. Still, she told herself na baka nagkataon lang talaga na walang tumagal sa mga naka-relasyon niya in the past. Baka coincidence lang o kaya ay malas talaga siya sa lovelife. Pero hindi siya mapakali so she started digging.

Binalikan niya at hinanap ang lahat ng mga naging ex niya. At halos pare-pareho ang naging ugat ng pakikipaghiwalay sa kanya ng mga lalake. They were all offered something that they couldn't refuse and it involved money. Lots of it. Sino lang ba ang kilala niyang saksakan ng yaman? Si Lemon lang. Soon, isa-isa niyang natuklasan na maging ang mga malalapit na kaibigan niya ay nakinabang sa pera ng lalake. They all became Lemon's eyes and ears the whole time he was in the states.

At first ay nagalit siya ng husto. Halos maglupasay siya sa bar ni Orven nang umamin ang mga kaibigan na hindi naputol ang pakikipag-ugnayan ni Lemon sa kanila. In fact, for ten years ay regular silang nagpapadala ng mga emails, photos and updates tungkol sa nangyayari sa buhay niya. Inaway niya ang mga kaibigan at sinumbatan. Pakiramdam niya ay pinagkaisahan siya ng mundo ng mga oras na iyun.

"Hindi naman kami mayaman, Faye. Kung hindi dahil kay Lemon, maitatawid ko ba ang college ng matiwasay?" paliwanag ni Precious habang umiiyak. "Baka nga hanggang first year college lang ako."

"Nung humingi ka ng tulong sa amin dahil na-ospital ang tatay mo, wala kaming maibigay. Kahit mag-ambagan kami ng tig-iisang libo, sa tingin mo sapat yun?" tanong ni Joyce. "Si Lemon ang nagpadala ng pera para sa hospital bill ng tatay mo. Galing sa kanya yun but he told us to keep quiet."

"Sinunod namin siya because we were grateful for his help," dugtong ni Jeselee.

"Sa tuwing manghihiram ka sa amin, pera ni Lemon ang binibigay namin sa'yo," ani Emily. "Kasi kung allowance lang namin ang aasahan namin, ni hindi nga kasya sa pagkain ang baon namin. Halos isang beses isang araw lang ang kaya namin kainin."

Marami pang ipinaliwanag sa kanya ang mga kaibigan niya kaya humupa ang galit niya. Dahil kung tutuusin, talagang malaki ang naitulong ni Lemon sa mga buhay nila. Alam niyang hindi siya dapat magalit sa mga kaibigan pati na din kay Lemon. Dapat nga ay magpasalamat pa siya.

Pero bakit sila nagsinungaling sa akin? Bakit itinago nila? Yun ang hindi niya maintindihan. Doon siya nasaktan ng husto. The secrets and the lies. For her, it was betrayal that broke her heart.

Kaya naman minabuti niyang lumayo na muna. She wanted to stay away from everything and everyone. Umaasa siyang baka sakaling maging mas madali ang pagpapatawad kapag nagkaroon siya ng chance na makapag-isip at makapagpahinga.


SA ISANG maliit at tagong kumbento sa may paanan ng bundok na malapit sa Mingan Mountain ang napili niyang lugar na pagtaguan. Natuklasan niya ang kumbentong iyun noong nag-research siya for her college thesis. Naging malapit siya kay Aling Lilita na  punong bantay ng lugar noon kaya nang pumunta siya at magpaalam kung puwede munang magstay doon ay agad siyang pinagbigyan.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now