Chapter Forty Two: Nothing's Gonna Stop Us Now

2.9K 97 28
                                    

"YOU'RE getting married?" agad na tanong ni Jersey kay Lemon nang magkasalubong sila sa hallway ng ospital.

Kararating lang ng binata through a direct flight from Amsterdam. Kasabay nitong dumating sa ospital sina Trent at Rafa na galing din sa biyahe but had to fly back to Manila  dahil pinatawag silang tatlo ni Lemon. It was a matter of life and death daw kaya nagkumahog silang lahat na makarating agad sa Asian Hospital.

"I was told na nasa ICU ka so I had to switch flights in Guam para makabalik agad dito," wika naman ni Trent. "You look fine to me though."

"I was unconscious for several days," pag-amin ni Lemon sa mga pinsan."But I'm okay now."

"And you're actually going to propose? Today?" tanong ni Rafa na galing pang India.

"Yes, and I'm on my way to her right now," sagot ni Lemon. "I was told that she's at the lobby right now with my mom."

"You mean dito ka sa ospital magpo-propose?! Kanino? Is she a cancer patient?!" Halatang shocked si Jersey.

Natawa si Lemon kahit medyo nanghihina pa ito. Mabuti na lang at silang apat lang ang laman ng elevator. At least they could all talk freely without thinking na baka may makarinig na iba.

"I'm proposing to Faye." Napatingin ang tatlo kay Lemon. "My one and only love."

"You didn't even choose a romantic venue for your proposal?! Sa ospital talaga?" Hindi makapaniwala si Trent. "No flowers, no music and no dramatic set up?!"

Umiling siya. "I have to do it now. Hindi na ako makakapaghintay pa. You know that timing is everything. Baka mawala pa siya."


"And I thought na sa ibang babae ka na magpo-propose," reklamo ni Jersey."Same girl pa din pala na kinabaliwan mo nung high school."

"Wala naman akong ibang gusto kundi siya lang."

"That's the thing. I really don't understand why siya lang talaga ang gusto mo. Madami namang ibang babae. You could date someone na mas maganda, mas bagay sa'yo, mas mabait, mas madaling kausap, yung di ka na mahihirapan. Or yung ikaw pa ang liligawan,"napapailing na wika ni  Jersey.

"How can I love someone else? I have given my heart to Faye a long time ago."

"Sometimes I hate the fact that you're so cheesy," ani Rafa na halatang kinikilabutan.

Natawa si Trent. "And that's coming from the guy who has a stock of sketches of an unknown woman."

"Damn it. Why am I even part of this bloodline? You guys are all insane." Padabog na lumabas ng elevator si Jersey. Sumunod naman sila sa likod nito.

Pagtapak ni Lemon sa malawak na lobby ay agad niyang nakita si Faye na tila nauupos na kandila na napaupo sa sahig. He wanted to run to her pero naisip niyang baka bigla siyang mahilo at matumba. Kaya nilakihan na lang niya ang mga hakbang para makarating agad sa babae.


"Are you alright?" narinig niyang tanong ng mommy niya kay Faye. Yumakap lang ang babae sa mommy niya at umiyak na nagso-sorry.


"I would give anything para lang makaligtas si Lemon. I would trade mylife if I have to, para lang sa kanya," wika nito.

"You don't have to do that," agad niyang pahayag. "And you cannot do that."

"Ha?"Napatingin sa kanya si Faye-- tila hindi makapaniwala na naroroon siya.


"You are not allowed to trade your life. You belong to me," wika niya. Nilapitan pa niya si Faye. "And I want to marry you."

"Lemon!" Dali-daling tumayo ang babae at niyakap siya. "Oh my God! Akala ko hindi na kita makikita! Akala ko hindi ka na magigising."

"I'd come back from the dead if I have to. You know that. No one and nothing could stop me from going back to you. You should know that by now."

Kumalas si Faye sa pagkakayakap para tingnan siya. Halos hindi alam ng babae kung ano unang hahaplusin at pipisilin. Nanginginig pa ang mga kamay nito.

"Sure ka bang magaling ka na? Wala kang amnesia?"

"What are you talking about?" Kumunot ang noo ni Lemon.

"Ilang araw ka kasing nasa ICU since mag-collapse ka. Natakot ako na baka nagka-amnesia ka na..."

"Are you scared na baka nakalimutan na kita?" Hindi nakasagot si Faye. "That's not going to happen. Not in a million years," aniya.

Hinawakan niya ng dalawang kamay ang mukha ni Faye. So what kung nasa lobby sila ng ospital at pinagtitinginan na? As if he really cares kung nasaan sila. Ang importante sa kanya ay kasama uli niya si Faye.

"Are you avoiding my question?" tanong ni Lemon.

"Ha?" Napatanga si Faye. Hindi na siya nakatiis. Hinalikan niya sa labi ang babae. .

"I asked you to marry me," bulong ni Lemon after the kiss. "You know you cannot say no, right?"

"Wala naman akong balak mag-no sa'yo. Not in this lifetime."

"So is that a yes?"

"Yes. I will marry you, Raymond Alejandro Benitez. With all my heart." Si Faye na mismo ang humalik sa kanya sa labi.

"Finally!" halos sabay na napasigaw sina Trent, Rafa at Jersey sa tuwa. Nagpalakpakan ang lahat ng taong nakasaksi sa kanila, kasama sina Vivian at Cara na parehong umiiyak pero nakangiti.

Niyakap ni Lemon ng mahigpit si Faye at muling bumulong.

"My heart is yours, always and forever."


- E N D -

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now