Chapter Thirty-Four: Secret Admirer

1.8K 66 19
                                    


"WHAT do you mean na mag-a-abroad ka?" tanong ni Precious.


"Saang bansa ka pupunta?" si Ayie na tumigil sa pagtitext para tingnan siya.


"At ano namang trabaho?" curious din si Jungie.


"Saang kumpanya?" tanong din ni Orven. "Nag-apply ka na ba?"


"Hindi pa. Saka hindi ko rin alam. Seryoso, wala pa akong concrete andspecific plan," pag-amin niya sa mga kaibigan. "Pero gusto kong subukan. You know, change of environment, new challenges--"


"Ahh. Another impulsive decision," komento ni Precious na hindi na siya pinatapos. Kaswal itong bumalik sa pagkain ng gambas.


Nasa bar sila ni Orven dahil weekend naman at gusto nilang magbonding kahit hindi sila kumpleto. Sinabi niya sa mga kaibigan ang naisip niya when asked kung ano na ang susunod niyang plano sa buhay.


"Bakit ka kasi umalis sa work mo e wala ka pa naman palang concrete and specific plan. I'm sure wala ka ding back-up plan!" sermon sa kanya ni Ayie. "Hindi puwede ang ganyan te. You're not getting any younger."


"Alam ko. Kaya nga aalis na lang ako. Mas may opportunity ako sa abroad."


"As what? Skilled laborer ka ba? Nasa medical profession? Kung office work lang, mas priority ng ibang bansa ang locals nila," wika ni Jungie.


"Hay naku.... for sure, Lemon na naman yan e," nakasimangot na wika ni Precious. "Lagi na lang si Lemon. Simula noon hanggang ngayon, laging si Lemon. Hindi ka pa ba nagsasawa, Faye?"


"Nauumay na ako, sa totoo lang," komento din ni Ayie. "Bakit ka ba iwas ng iwas dun sa tao? May ketong ba siya?"


"Simula nang bumalik sa Pilipinas si Lemon, nagulo ng bongga ang life mo, no?" sinundan yun ni Jungie ng tawa. "Patulan mo na kasi nang matapos na ang pagdurusa mo."


"Oo nga. Ano ba ang ayaw mo dun? Kung ako lang ang gusto ni Lemon, matagal ko nang pinakasalan yun," sabad ni Jeselee na kababalik sa table nila galing CR.


"Paano ako hindi iiwas? Di ba sinabi ko naman sa inyo-- engaged na siya?"


"Pero nilalandi ka pa rin niya di ba?" tumango siya kay Jungie. "Ibig sabihin, gusto ka pa rin niya."


"Hindi nga puwede dahil ikakasal na siya. Ano ba ang mahirap intindihin dun? If he can do that dun sa babaeng pakakasalan niya, sa akin pa kaya?" Napabuntong-hininga siya. "Ayokong maging other woman."


"Gusto din, andami pang drama," komento uli ni Precious.


"E kung ikaw naman ang gusto niya e di agawin mo siya!" suhestiyon ni Jeselee. "Pikutin mo para tapos na. May jowa ka na, mayaman ka pa."

"Ang galing mag-advice. Ang mature," sita ni Ayie kay Jeselee.  Pero tumingin din ito sa kanya. "Pero in fairness, may point din itong si Jeselee. Puwedemo ngang gawin yun. Pikutin mo na lang tutal mukhang willing victim naman si Lemon."

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now