Chapter Twenty Seven: Letting Go

1.6K 67 10
                                    


PRESENT

UMIKOT ang eyeballs ni Faye sa sinabi ni Lemon na may helicopter ito kaya nauna pang nakarating sa Maynila.


"Well good for you then. Nakarating ka kaagad dito. So... what now?" hawak-hawak ni Faye ang susi niya- like she was holding on for support.


"Why did you leave?"


"Hindi pa ba obvious, Lemon? Gusto kong makalayo sayo. I wanted to stay asfar away as possible."


"Was it about the kiss?"


Badtrip! Tanungin ba talaga ang tungkol sa kiss dito sa kalsada?


"No.I just can't stand being near you." Totoo naman kung tutuusin. Dahil takot siyang tuluyang mabuwal ang pader na nagpoprotekta sa kanyang damdamin.


Dahil ayokong mahulog ng husto ang loob ko sayo. Baka next time matukso na ako ng tuluyan!


She was thinking of a better way to put her thoughts into words-- pero nakita niyang may sumilip mula sa sasakyan ni Lemon. Walang iba kundi si Isay! Before she could even stop herself, bumula siya ng walang preno.


"In fact, gusto ko na talagang mag-resign. I don't care kung malaki ang sweldo or sayang ang pera. I want my peace of mind!" May diin ang huli niyang sinabi.


Nakita niyang ilang saglit ding natahimik si Lemon-- nakatingin lang ito sa kanya.


Tatalikod na sana si Faye pero muling nagsalita si Lemon.


"Alright then. If you loathe me that much then fine. I'm letting you go."


"What?"Tama ba ang narinig niya? Lemon is letting me go.


"You don't have to report for work anymore. You don't have to work for me. I'm not firing you but since you badly want to stay away from me--for your peace of mind- then fine. I will not even hold that against you."


Before she could say another word ay tumalikod na si Lemon at naglakad.


Di agad nakakilos si Faye. And as if on cue, biglang tumugtog ng malakas ang music ng kapitbahay niyang si Matet. Alam niya ang kantang yun...minsan na niyang naging paborito-- ang Time To Let Go ng SIDE A. Dinig yata ng buong barangay ang music!


Onceagain

We're here as though we're not afraid of what might come

Is it unfair?


Unfair naman talaga-- parang ako pa ang may kasalanan. Parang ako pa ang nang-api. Ako na nga itong nahalikan ng walang kalaban-laban. Nanginginig siyang nagbukas ng gate. Pagpasok niya ay parang eksena sa pelikula na napasandal siya at napapikit.


We fall in love but then we both belong to someone else

I just don't know


Parang ayaw niyang umakyat at pumasok sa kuwarto knowing mapapaiyak siya. Nalulungkot siya. Lagi na lang bang ganito ang mararamdaman ko?Simula nang bumalik ka Lemon, nahihilo na ako sa emotional rollercoaster na ito!


How to let go

Why do we ever have to let it go

I don't know


Shit naman o. Ano ba to??  Kinuha niya ang cellphone para magtext. Patuloy ang pagkanta ng SIDE A sa buong barangay.


Time will come for us to know

That we're not meant for each other


Tinext niya si Vivian. It's official-- resigned na ako as of five minutes ago. Lumabas tayo mamaya.


Sunod niyang tinext si Precious. Puwede na ba akong magtrabaho sa'yo?Jobless na ako ngayon. She pressed send then tumulo ang luha niya. Gusto niyang patayin ang kapitbahay niya sa pagpapatugtog ngmusic na parang naka-dedicate sa nararamdaman niya!


Time will tell us when our hearts must go

Time will show us the pain we know


Di na niya napigilan ang sarili-- muli siyang lumabas ng gate saka napasigaw. "Matet! Babasagin ko ang sound system mo! Tama na, ang sakit sakit na!!!!"


Biglang tumigil ang music. Papasok na uli si Faye sa gate nang bigla ring sumigaw si Matet sa may bintana. "Sorry Ate Faye! At least guwapo yung bisita mo kanina!"



THAT night ay kasama niya si Vivian sa isang maliit na bar. Naghalf-day ang babae para lang makalabas sila. Hinayaan lang siya nitong magkuwento. Nakatatlong bote ng San Mig Light yata si Vivian bago niya natapos ang mga kaganapan.


"So ano na ang mangyayari niyan? End of story na nga ba? Kasi parang...hindi e."


"Ewan ko. Kasi ten years ago, akala ko natapos na ito."


"Aha! So you acknowledge the fact na may story nga kayo. Shet, kinikiligako." Inubos ni Vivian ang hawak na San Mig Light at sumenyas ng isa pa.


"Hoy,ako itong namumuroblema pero ikaw ang panay ang inom. Baka naman di ka na makauwi niyan!"


"Relax.Masyado kang nerbiyosa," natatawang sagot ni Vivian. "Alam mo,kung ako ang nasa sitwasyon mo-- naku, di na makakawala sa akin si Lemon. I mean si Sir Benitez. Kasi day... sa totoo lang... mas lasing ang mga desisyon mo sa buhay no!"


My Lemon's Heart (Complete)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum