Chapter Eleven: The One That Got Away

1.8K 78 4
                                    

CHAPTER ELEVEN

Present

“M-MANONG, puwede ho bang patayin niyo na po yung radyo? Di ko na po kaya.” Feeling ni Faye ay hinihiwa ng kanta ang puso niya. Ang sakit na. Ang sakit-sakit na, nyeta.

Ikakasal ka na.... Iiwan na akong nag-iisa...

Dati ang pag-ibig mo... ay akin lamang.

Ikakasal ka na pala... Paano na ang puso kong ito...

Bakit ang damdamin mo, kay daling nagbago....

Napalingon ang taxi driver kay Faye, kunot ang noo. “Naku, theme song ko pa naman---” Hindi na natapos ng driver ang sinasabi nang makita siyang umiiyak. Agad nitong pinatay ang radyo. “Pasensiya ka na, ineng. Di ko alam na may pinagdadaanan ka.”

Lalong tumulo ang luha niya sa sinabi ng driver. Ikakasal ka na.... iiwan na akong nag-iisa... dati ang pag-ibig mo... ay akin lamang.... Patuloy ang kanta sa utak niya! Lintek na last song syndrome to. Napatingin siya sa labas ng bintana.

Bakit ba ako umiiyak? Wala akong dapat iyakan, bwisit. Para pang nananadya ang panahon dahil gloomy ito-- mukhang babagyo pa. Lalong sumakit ang dibdib niya. Parang ang sama ng loob niya, hindi naman niya maintindihan kung bakit.

I'm getting married.” Nag-replay na naman sa utak niya ang sinabi ni Lemon nung mag-breakfast sila sa Manila Peninsula. That was three days ago pero parang nakikita pa rin niya ang eksena. Parang first showing lang sa sinehan!

Wow.... talaga?” sabi niya kay Lemon. Nawalan na siya ng gana pero inubos pa rin niya ang pagkain sa plato niya. She felt like throwing up pero dinaan na lang niya sa orange juice ang lahat. “Congratulations.”

Thanks,” sagot naman ni Lemon. He had no idea na naapektuhan siya sa balita- kung bakit ay hindi din niya alam.

How about you? Kelan ka mag-aasawa?”

Natawa siya. “Naku, wala pa. Andami ko pang gustong gawin sa buhay kaya wala pa sa isip ko yang pag-aasawa.”

Really?” Tumango siya. “Buti hindi ka pini-pressure ng boyfriend mo?”

She was about to answer na wala siyang boyfriend pero biglang tumunog ang cellphone niya. It was Nette- and she silently thanked her friend for saving her. Kakapasa pa lang ng babae sa medical board at sa Manila Doctor's Hospital ito nagdu-duty. Tulad niya ay graveyard shift din si Nette kaya hindi na siya nagtaka na maaga ito tumawag.

Magbubukas na ang sports bar ni Orven sa weekend, huwag mong kalimutang pumunta ha? Magpapa-swap nga lang ako ng shift para makapunta. Kaya ikaw din ha, huwag kang mawawala.” She just said yes sa lahat ng sinabi ni Nette kasi nakatingin sa kanya si Lemon the whole time she was on the phone.

That was.... my boyfriend. Hinahanap na ako,” she lied. Wala na kasi siyang maisip na sasabihin. Ang nasa utak lang niya ay ikakasal si Lemon, samantalang siya ay wala man lang boyfriend.

Oh, sorry. I didn't realize that you two were living together,” ani Lemon.

No. I mean, tumawag lang siya to ask kung nakauwi na ako.” Hindi niya maintindihan kung bakit nagpapaliwanag siya.

Pero tapos na akong kumain.”

Ako rin.” Yun lang at tumayo na sila.

Gusto sana ni Lemon na ihatid pa siya but she declined politely. “Malaking abala na. But thank you. I appreciate it. At salamat sa breakfast,” sabi niya.

Hindi na nag-insist pa ang lalake- which was a good thing kasi naging emotional siya nung umuwi. Naiyak siya sa taxi!

At ngayon, after three days ay naiiyak pa rin siya. Ang pathetic na niya pero hindi niya mapigilan ang sarili. What is wrong with me?

“OO NGA. What is wrong with you?” Nakapameywang si Precious. “Tawa na kami ng tawa dito, ikaw naman parang istatwa! Tulala?”

Nasa CUBS Sports Bar and Restaurant silang magbabarkada. Soft opening ng negosyo ni Orven at required silang lahat na pumunta. Si Joyce na hindi nila nakasama noong magdinner a few weeks ago ay present kahit kararating lang mula sa Europe. Dumiretso na ito ng Burgos Street sa Makati kung saan naroroon ang naturang sports bar.

“May kinalaman na naman ba ito kay Lemon?” tila naiinis na tanong ni Nette. “Utang na loob, ten years ago ay naging problema din natin siya. Don't tell me hanggang ngayon?”

“He's getting married.” Sabay-sabay na napa-Ohhh at ahhhh ang barkada niya. “We had breakfast the other day.” Lalong umingay ang lahat sa sinabi niya.

“Breakfast? Did you spend the night with him?!” tanong ni Emily.

“Paano nangyari?!” Si Precious, napainom ng tubig.

“Malandi ka ha, hindi ka nagsasabi!” Si Ayie, nakapameywang ang isang kamay at hawak ang bote ng San Mig Light sa isang kamay. “So magiging donya ka na?”

“Nagbreakfast lang kami. As in kumain lang. And then sinabi niyang mag-aasawa na siya.” Naririnig na naman niya ang kanta sa utak niya... Ikakasal ka na... iiwan na akong nag-iisa... “And I don't understand kung bakit bigla akong nalungkot! Is this normal?”

Nagkatinginan ang mga kaibigan niya. Si Orven ang nagsalita. “Are you in love with him?”

“No! Hindi ha!” She gave a nervous laugh. “Hindi ko naman siya gusto no.”

“Yun na nga e. For the longest time ay hindi mo siya gusto,” ani Precious.

“Saka andami ko namang naging boyfriend after ng high school di ba? Iba ang type ko. Nakilala niyo naman lahat.”

“Oo, may listahan nga kami e,” sarcastic na wika ni Ayie. Sumimangot siya kaya natawa ang kaibigan niya.

“So bakit para kang affected ng todo ngayon?” tanong ni Jungie. Wala siyang maisagot.

“It's either lukaluka ka,” wika ni Nette. “Or noon pa man ay gusto mo na siya. Hindi mo lang inaamin sa sarili mo.”

“Ay, parang kanta ni Katy Perry,” sabi ni Jeselee.

I should've told you what you meant to me... cause now I pay the price...

In another life... I would be your girl, we'd keep all our promises, be us against the world..

In another life, I would make you stay.. so I don't have to say....

You were the one that got away....

The one that got away, tila nag-e-echo sa tenga niya yung kanta. Shit, ang sakit.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now