Chapter Three: That OMG Moment

2.4K 90 6
                                    

CHAPTER THREE

PRESENT

“FAYE, sandali!” Tinatawag siya ni Vivian pero hindi siya lumingon. Dire-diretso siya sa loob ng CR na malapit lang sa conference hall.

She really needed some air-- but since sa CR nga siya napadpad at wala namang hangin doon, naghilamos na lang siya para kahit papano ay maging presko ang pakiramdam niya. The tension inside the conference hall was too much for her. Well, sa kanya lang talaga dahil wala namang alam ang mga kasama niya sa trabaho kung ano ang nakaraan nila ni Lemon-- or mas kilala ngayon bilang Raymund Alejandro Benitez.

“Hoy bakla, anong nangyari sayo?” Napalingon si Faye kay Vivian na kakapasok lang sa CR. Agad na lumapit sa kanya ang babae. “Na-love struck ka ba o minamaligno?”

“Lukaluka. Naihi lang ako.” Hindi siya makatingin ng diretso kay Vivian.

“Naihi ka dahil sa bagong may-ari ng kumpanya?” Tumaas muna ang kilay ni Vivian saka tiningnan ang reflection sa salamin.

Nasa early thirties si Vivian at isang single mother. Lagi nitong sinasabi sa kanya na kung magjo-jowa din lang, dapat ay pumili na ng mayaman para hindi makuba sa pagtatrabaho

“Totoo ba yun, yung bagets na lalake ang new owner or chika lang? Di kaya pinagti-tripan tayo ng mga managers?”

“Ewan ko.... hindi naman siguro. Saka, bakit naman nila tayo pagti-tripan?”

“Wala... malay natin di ba? Sayad-sayad din pag may time!” Hindi siya sumagot kaya lalong naintriga si Vivian. “What's between you and that guy ba? Parang simula nang makita mo siya kanina ay hindi ka na mapakali.”

“Nothing.” Mabilis siyang lumapit sa pinto. “Halika na, magtrabaho na tayo!”

Kahit alam niyang hindi kumbinsido si Vivian ay dinedma na niya. Nagmadali siyang makabalik sa working station niya. She would rather work kesa ma-stress siya sa kakaisip sa nakaraan.

APAT ang accounts na hawak ng call center nina Faye. Customer support sila ng isang internet provider, ng isang cable company, bangko at mobile phone company. Dalawa dun ay local at dalawa naman ang international. Sa local account sila nina Vivian naka-assign.

Ma'am, I'll transfer your call to the technical department okay? Thank you for calling.” Pagkatapos ng call ay kinuha ni Faye ang Starbucks mug saka uminom ng kape.

“Faye, Miles alert, dali!” Napatingin siya kay Vivian na itinuro kung saan banda si Miles.

Nakita niyang papunta sa direksyon nila si Miles. Okay sana-- kaso katabi nito si Lemon. Agad na yumuko si Faye.

“Huwag kang maingay!” Sinenyasan pa niya si Vivian bago dahan-dahang nagtago sa may ilalim ng working station niya. Napatingin sa kanya ang katabing agent- si Jude.

My Lemon's Heart (Complete)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant