Chapter Thirty Eight: All Or Nothing

1.4K 77 7
                                    

"BAKIT... anong..." Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Napatingin siya dalawang malaking bag na bitbit ni Lemon. Nananaginip ba siya? 

Sa likod ng lalake ay may dalawang malaking metal-case na luggage na de-gulong. Hindi niya ma-imagine kung papano nadala ni Lemon ang mga iyun gayung hindi naman napapasok ng sasakyan ang cottage. Malayo pa ang mismong kalsada mula sa kumbento at makitid na rough road ang daanan. Pagdating naman sa kumbento ay maglalakad pa sa madamo at mabatong pathway patungo sa cottage niya. 

"You look like someone who have just seen a ghost." narinig niyang pahayag ng lalake. 

Kusang pumasok sa loob ng maliit na cottage si Lemon at inilapag muna ang dalawang malaking bag saka tiningnan ang kabuuan ang bahay. Then lumabas uli ito para kunin ang natitirang gamit. Nanatili naman siyang nakatayo sa may pinto. She was just too shaken to move. 

"P-pero akala ko--" 

"Did you really think na hindi ako babalik?" Sinulyapan siya ng lalake, slightly amused. 

Hindi siya nakasagot. Sinilip ni Lemon ang kusina at banyo, then binuksan ang pinto sa likod ng bahay para saglit na tingnan. Then bumalik ito sa may sala.

"I left yesterday to get things in order. Hindi ko naman puwedeng basta na lang iwanan ang lahat without proper endorsement. I didn't want people to lose their jobs and starve their families just because I decided to follow my heart."

Bigla siyang nakonsensiya sa narinig. Pakiramdam tuloy niya ay napaka-selfish niya for asking Lemon to give up everything and live in the mountains. Nawala sa isip niya na may mga taong umaasa sa mga negosyo at kumpanya ng lalake. Like her friend Vivian. Kaya hindi na naman niya napigilang humanga kay Lemon na sa kabila ng lahat ay inisip pa rin ang kapakanan ng iba. 

"H-hindi naman kita pinilit na mag-stay dito..." nasabi niya.

"I know. But you said that if I could give up everything to live here and survive, then you'll be mine."

Napalunok siya at biglang umiwas ng tingin. Bakit nga ba niya nasabi yun? Papano pa niya babawiin ang mga nabitawang salita e nandito na si Lemon at seryoso ito. 

"So which room should I use?" narinig niyang tanong ng lalake. "Or shall I assume that we're going to share the same room?"

Bigla siyang nataranta sa huling sinabi ng lalake. Agad niyang itinuro ang pinto ng bakanteng kuwarto. Parang ayaw na niyang magsalita pa dahil baka kung ano na naman ang masabi niya. 

Bitbit ang dalawang bag ay humakbang na si Lemon patungo sa itinuro niyang pinto. Binuksan iyun then tumingin muna sa kanya. 

"So are you ready?" tanong nito sa kanya.

"R-ready?" Tumigil ang tibok ng puso niya. Anong pinagsasabi nito? "S-saan?"

"To be Mrs Benitez." Ngumiti si Lemon. "Because you're already mine." Saka ito tuluyang pumasok sa loob ng kuwarto.

Nanginig bigla ang mga tuhod niya sa narinig kaya napakapit siya sa may upuan. Nang mahimasmasan ay napatakbo siya sa ginagamit na kuwarto saka mabilis na naglock. Dumiretso siya ng kamay saka nagtalukbong ng kumot. 

Lord have mercy.


HINDI niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog. Pero paggising niya ay nakita niya sa relo niya na alas-singko na ng hapon. Bigla niyang naalala na hindi pa siya nakakapag-charge ng mga ilaw kaya napabalikwas tuloy siya at napatakbo sa labas ng kuwarto. Pero agad din siyang natigilan. 

"A-anong nangyari dito?" Nagulat siya dahil may ilaw ang sala at hindi iyun ang kanyang rechargeable lamp. Pagtingin niya sa maliit na dining table ay nakita niyang may nakahanda nang pagkain. 

Saka pumasok si Lemon na topless at tanging board shorts ang suot. Pawisan ito at may bitbit na maliit na tool box. Napalunok siya. Nagkamali yata talaga siya ng paghamon sa lalake na tumira doon dahil mukhang at home na ito!

"Would you like to eat? Hindi ka nakakain buong araw," narinig niyang pahayag ng lalake. 

"Anong ginawa mo dito?" di niya napigilang magtanong dahil bigla siyang nanibago sa bahay. 

Pagtingin niya kasi sa kusina ay may mga nakadikit nang maliliit na plywood sa dingding na puno ng iba't ibang de-lata, noodles, kape, gatas at kung anu-ano pang puwedeng i-stock.

"Nagdala ka ng mga groceries?" Hindi siya makapaniwala. "Saka bakit may mga ganyan dito?" Itinuro niya ang single electric stove, water heater, rice cooker saka oven toaster sa isang tabi. "Di mo magagamit ang mga yan kasi walang kuryente dito sa cottage!"

"I know. Kaya nga nagdala ako ng portable solar generator," kaswal na sagot ni Lemon. "Even the light bulbs that I brought are powered by solar energy."

"Akala ko ay kaya mong mamuhay dito. Obviously ay hindi pala."

"What's wrong with bringing a few items na makakatulong dito? Ang sabi mo lang ay kung kaya kong iwanan ang buhay na nakasanayan ko at tumira dito. So here I am, adjusting to a new life," sagot ni Lemon. 

"Hindi ka ba makaka-survive na walang electric appliances?"

"Faye, be reasonable. These are basic kitchen appliances meant for preparing food. Or mas gusto mo bang magputol ako ng kahoy to build a fire so we could cook?" 

Natameme siya sa sinabi ni Lemon. May point nga naman ang lalake. 

"Besides, wala ka namang sinabi that I should live like a cave man or that I should live in poverty and starve to death," hirit nito kaya tumalikod na siya at lumabas ng cottage. 

Nagulat siya na may ilang ilaw din na nakakabit sa labas at may mga hanging pots sa puno na nasa tabi ng cottage. May bagong gawa ding maliit na taniman.

"I want to have a vegetable garden kaya ginawa ko yan. And I already planted some seeds."

"Ha? Nagawa mong magtanim?"

"Hindi ko alam kung hanggang kelan mo gustong tumira dito. And I intend to stay with you so I thought that we would need a vegetable garden." Ngumiti si Lemon. "If you want, pwede pa tayong mag-alaga ng mga manok at baboy... you know, just like in the movies."

"Seryoso ka?" Hindi niya alam kung matatawa, maiiyak or mamamangha sa lalake. Apparently ay napag-isipan na nitong lahat ang gagawin! 

"Of course I'm serious. Sa tingin mo pupunta ako dito if I'm not?" Lumapit sa kanya si Lemon at hinawakan siya sa baba. "You see, when I do something, I always give everything. It's all or nothing... it's ride or die, baby."

Pakiramdam niya ay sumakit bigla ang ulo niya sa mga sinabi ni Lemon kaya napapikit siya. Nagulat na lang siya nang maramdamang hinahalikan na siya ng lalake sa labi! 


My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now