Chapter Forty: Slipping Through My Fingers

1.5K 64 6
                                    

"RELAX, wala 'to." Yun ang sagot sa kanya ni Lemon nang sabihin niyang mataas ang lagnat nito. "Look at me, I'm fine and strong as a bull." Itinaas pa ng lalake ang isang braso nito. 

Pero iba ang kaba niya, lalo na at parang walang balak tumigil ang malakas na ulan sa labas ng cottage. Natatakot siyang baka nga ma-trap sila doon. Paano kapag lumubha ang lagnat ni Lemon? Paano kapag hindi ito nakainom ng gamot o nadala agad sa ospital? Mahirap pa namang mahanap ang kinaroroonan nila. 

Marahil ay napansin ni Lemon na di siya mapakali kaya nilapitan siya nito at tinapik sa may balikat. 

"Don't worry, I have a medicine kit in the room. I'll take some meds, okay?" 

Tumango siya sa lalake at pilit na ngumiti kahit deep inside ay gusto na niyang batukan ang sarili. Magkahalong kaba at guilt kasi ang nararamdaman niya ng mga oras na yun. 

"Magpalit ka na muna ng damit para makapagpahinga ka. Or matulog ka muna," suhestiyon niya. Tumango naman ang lalake saka kumuha na ito ng tuwalya at nagtungo sa banyo. 

Sinundan pa niya ng tingin si Lemon. Saka niya ibinalik ang atensiyon sa labas kung saan walang humpay ang buhos ng ulan. Ni hindi na niya makita ang pathway patungo sa kumbento dahil sa mga dahon ng puno na tila naghahampasan. Mayamaya ay narinig siyang kalabog sa may kusina. Dali-dali niyang pinuntahan yun. 

"Lemon!" sigaw niya nang makitang nakabulagta sa labas ng banyo ang lalake. Nakatumba din sa sahig ang plastic container na lagayan ng bigas. 

Walang malay ang lalake at duguan ang noo nito. Bigla siyang nataranta, hindi alam kung ano ang uunahin-- kung tatakbo para humingi ng tulong, buhatin si Lemon o paampatin ang dugo sa noo nito. 

"Oh my God. Oh my God--" pilit niyang kinalma ang sarili at agad na inilagay ang tuwalya ni Lemon sa noo nito para maampat ang dugo. 

Hindi niya alam kung saan siya humugot ng lakas ng mga oras na yun pero naibangon niyang mag-isa ang lalake at kahit hirap siya sa bigat nito ay nadala niya si Lemon sa kuwarto nito. Huminga muna siya ng malalim as if trying to gather her strength. Saka niya hinanap ang nabanggit ni Lemon na medicine kit nito. 

Agad niyang binuksan ang isang bag ni Lemon. Puro damit ang naroroon. Sumunod niyang binuksan ay ang metal-case luggage ng lalake. Mabuti na lang at hindi iyun naka-lock. Namangha siya nang makita kung ano ang laman ng naturang luggage. Bukod sa dagdag na  canned goods ay may mga iba't ibang gamit doon for survival kasama ang isang first aid kit at medicine kit na naglalaman ng iba't ibang gamot. Agad siyang kumuha ng bandage, cotton, alcohol at panlinis sa sugat. Matapos lagyan ng bandage ang sugat ni Lemon ay kumuha siya ng gamot para sa lagnat at dinikdik yun at hinalo sa tubig saka pilit na pinainom sa walang malay na lalake. 

Kumuha din siya ng tubig saka hinaluan ng alcohol at face towel para punasan si Lemon dahil mainit talaga ito. Habang ginagawa iyun ay tumutulo ang luha niya dahil sa takot at awa sa lalake. Natatakot siya dahil baka lalong lumala ang kalagayan ng lalake at di niya agad ito madala sa ospital. Naaawa siya dahil alam niyang hindi ito deserve ni Lemon. Siya ang dahilan kung bakit sila nasa ganung sitwasyon. Kung bakit nasa ganung sitwasyon si Lemon. It was all her fault. 

I'm sorry. I'm sorry. Paulit-ulit niyang usal habang pinupunasan ang lalake. Dasal din siya ng dasal na sana tumigil na ang ulan. Sana ay makahingi na siya ng tulong sa may kumbento. Sana ay gumising na si Lemon. 

Gumaling ka lang, susundin ko na lahat ng gusto mo. Hinding hindi na kita pahihirapan ng ganito. Mamahalin kita habang buhay. I am yours until the day I die. Please Lemon, gumaling ka lang... please, bulong niya sa lalake. 

Matapos niyang punasan si Lemon ay naalala niya ang metal case luggage ng lalake. Parang may nakita siyang ibang uri ng communications gadget doon. Hindi siya sure kung tama ang nakita niya kaya para makasiguro ay muli niyang binuksan ang luggage. True enough ay isa ngang satellite phone ang naroroon. Alam niya kung ano yun dahil nakapanood na siya dati nang ma-feature ang ganung uri ng phone sa Discovery Channel. Masyadong mahal ang ganung klaseng phone dahil hindi yun naka-connect sa mga cell towers ng karaniwang mobile companies kundi sa mismong satellite na nasa orbit kaya kahit sa pinatuktok ng Mount Everest ay puwedeng makatawag gamit ang satellite phone. Muli siyang namangha dahil maging iyun ay nagawang ihanda ni Lemon. 

Wala siyang kabisadong cellphone numbers kaya napilitan siyang tawagan ang isa sa mga numbers na nakadikit sa likod ng satellite phone. Nakalagay kasi dun na CALL IN CASE OF EMERGENCY. 

Nanginginig ang mga kamay niya habang tumatawag. After two rings ay agad na may sumagot. 

"H-hello?" Hindi niya sigurado kung sino ang nasa kabilang linya. 

"Lemon?" Napalunok siya. Babae ang boses ng sumagot. "Faye?" Narinig niyang tanong sa kabilang linya. 

"S-si... Faye ito." 

"Faye, this is Cara. How's everything out there? Where is Lemon?"

"N-nilalagnat si Lemon. Mataas ang lagnat niya. Saka... wala siyang malay. Nahilo siya kanina at natumba--"

"Stay where you are. We'll get you." 

"Ha?" Magsasalita pa sana siya pero nawala na ang linya. 

Hindi na muna niya ibinalik ang satellite phone sa luggage. Sa halip ay nilagay niya iyun sa maliit na bedside table. Muli niyang pinunasan si Lemon. Hindi pa rin bumababa ang lagnat nito. 

One hour later ay nagulat na lamang siya sa sunud-sunod na katok sa pinto ng cottage. Napansin niyang medyo humina na ang ulan pero patuloy pa rin sa pagpatak. Pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang apat na medic ang naroroon at agad na hinanap kung nasaan si Lemon. Kasunod ng mga medic ay ang driver ni Lemon at isang babaeng hindi niya kilala. 

"I'm Cara. Ako yung nakausap mo sa satphone," wika ng babae na tila nahulaan na nagtataka siya kung sino ito. "Bibigyan lang ng first aid si Lemon then we need to bring him to the hospital."

Napatango siya. Her mind was blank. Ang tanging gusto lang niya ng mga oras na iyun ay ang gumaling si Lemon. Napatingin siya sa relo niya. It was 11pm. Nagtataka siya kung paano nakarating agad doon ang tinawagan niya pero naisip din niyang hindi na importante yun. Basta't madala si Lemon sa ospital- that's all that matters. 

As if on cue, biglang tumigil ang ulan. Nagulat siya nang sunud-sunod ang pagmando ni Cara. 

"Please be ready to evacuate RAB. Hindi natin alam kung bubuhos uli itong ulan," wika ng babae. 

Nakatingin lang si Faye sa nangyayari, not knowing what to do. Mayamaya ay inilagay na sa stretcher si Lemon at mabilis na binuhat ng dalawang medic, ang dalawa naman ay nakaalalay. Palabas na si Cara nang lumingon ito sa kanya. 

"What are you waiting for? We have to leave now!"

"Ha? Pero papano---" Napatingin siya sa kuwarto niya. Naroroon ang bag at wallet niya. Napatingin din siya sa suot niya-- naka-shirt, shorts at hooded sweat shirt lang siya. 

"Just come. Ako na ang bahalang magpakuha ng mga gamit dito," utos ni Cara sa kanya. Natakot siya sa babae kaya wala siyang magawa kundi ang sumunod. 

Hingal na hingal siya nang makarating sa kumbento. Pawisan siya at putikan ang mga paa niya dahil naka-tsinelas lang siya. Naisip niyang mabuti pa si Cara dahil naka-rain boots ito. Then nakita niyang  agad na isinakay sa isang ambulansiya si Lemon. 

"S-saang ospital siya dadalhin?" tanong niya nang pasakayin siya ni Cara sa SUV. Ang sumama sa loob ng ambulansiya ay ang driver ni Lemon. 

"Sa Manila," sagot ni Cara na nagtetext na sa phone nito. 

Hindi na umuulan. Tumigil na ito at kahit madilim ang dinadaanan nila ay nakita niya ang pinsalang dulot ng malakas na ulan. Nagulat siya nang makitang huminto sa may plaza ang ambulansiya. Open space ang naturang plaza - malawak at sementado. 

"Bakit dito huminto?" tanong niya habang nakatingin sa labas ng bintana ng SUV. 

Pero kahit hindi sumagot si Cara ay nakita niya kung bakit. From a distance ay nakita niya ang unti-unting paglapag ng isang malaking helicopter. Within a few minutes ay nailagay sa loob si Lemon at umalis na ang helicopter. Naiwan siyang nakatanga at nakatingin sa papalayong helicopter. 

Saka tumulo ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan. 


My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now