Chapter Seventeen: So What Do You Think?

1.7K 88 9
                                    


CHAPTER SEVENTEEN

PRESENT
OF COURSE nagkagulo na naman ang mga barkada ni Faye nang marinig ang naging offer ni Lemon. Five hundred dollars ba naman per day ang sweldo?! E nasa Pilipinas lang naman sila pero ang rate na willing ibigay sa kanya ay pang US. Lukaluka na lang siya kapag tumanggi siya.

Iiwan ko ang bakeshop, ako na ang magtatrabaho kay Lemon kapag umayaw ka! Si Precious ang unang sumagot nang mag-group message siya sa mga kaibigan.

Si Nette ang sumunod na nag-message. Oh my God. Nababaliw na si Lemon. Sabihin mo na magpa-check up siya!

Take it! Take it! Natawa siya sa message ni Jungie.

From Jeselee: Wala ba talagang kapatid na lalake yang si Lemon? Pinsan? Pakitanong naman!

Can you imagine kung magkano ang maiipon mo in one month? Agad siyang sumagot nang mabasa ang message ni Orven.

Oo, alam ko. Gumamit ako ng calculator at nalula ako. Para akong nananaginip, message niya para sa lahat.

Gumising ka teh baka bangungutin ka! Message ni Ayie.

SIYEMPRE tinanggap niya ang offer ni Lemon at ngayon ang unang araw niya as a 'consultant.' She was asked to go to the office at 10am dahil may pupuntahan daw siya. Nine thirty pa lang ay nasa lobby na siya ng building.

Kalmado siyang pumasok sa elevator pero deep inside ay kumakabog ang dibdib niya- lalo na nang maramdaman niyang umakyat na ito. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya. Ano kaya ang gagawin ko today? Wala siyang idea kung ano ang nasa utak ni Lemon pero sa halagang five hundred dollars per day, sige, kakayanin niya. Tempted na nga siyang tawagan si Vivian pero mas pinili niyang ilihim muna sa babae ang sudden turn of events sa buhay niya. Hindi pa rin naman siya sigurado kung hanggang kelan siya tatagal sa bagong posisyon.

"Faye!" Si Melody ang una niyang nakita pagbukas ng elevator sa floor ng office nila. "Tamang-tama, nandito ka na." Pumasok sa elevator ang babae.

"Hi." Ngumiti siya kay Melody. Lalabas na sana siya pero pinigilan siya nito.

"Halika, sasamahan kita sa helipad." Tama ba ang narinig niya?

"Helipad?" Alam niyang merong ganun ang building nila pero never pa siyang nakapunta doon.

"Yeah. Nandun na si sir."

"Si Lem-- I mean, si Mr Benitez?" Gusto niyang tanungin kung ano ang ginagawa doon ng lalake. Tumatambay?

"Yep." Within two minutes ay muling bumukas ang elevator. Lumabas sila at umakyat sa isang hagdan leading to the helipad. Kahit nagtataka ay sumunod siya kay Melody.

Nang marating nila ang helipad ay si Lemon ang una niyang nakita-- standing beside a huge helicopter. He was casually talking to a man in his early 40s. Tumingin sa kanya si Lemon at agad na ngumiti.

"Hey. Good morning." Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa may braso. "You're just in time."

"In time for what?" Nakita niyang ngumiti sa kanya ang lalakeng kausap ni Lemon at sumakay na sa helicopter. "Saka bakit tayo nandito?"

"We're going somewhere." Iginiya siya ni Lemon at inalalayan-- pasakay sa helicopter!

"T-teka, bakit tayo sasakay ng chopper?" Bigla siyang nakaramdam ng takot dahil never pa siyang naka-experience na sumakay sa helicopter. Pero umakyat pa rin siya at umupo. "Saan tayo pupunta?"

"I'm going to attend a meeting and I want you to come with me." Inayos ni Lemon ang kanyang seat belt.

"Meeting? Saan? Bakit kailangan pa nating mag-helicopter?" Nakita niyang nanatili sa helipad si Melody, nakangiti itong nakatingin sa kanila. "W-wala na ba tayong ibang kasama?"

"My secretary's already at the venue. We'll meet her there." Umupo sa tabi niya si Lemon at isinara ang pinto. Habang inaayos nito ang seat belt ay unti-unti nang tumunog ang helicopter, hudyat ng pag-take off nito.

"Saan ba ang venue?" tanong niya. She saw that they were slowly going up. Para siyang nalulula!

"You'll see." Ngumiti si Lemon at kaswal na tumingin sa labas ng bintana.

"Safe ba itong helicopter? B-baka naman kung itirik tayo nito sa ere?"

Natawa ang lalake-- na para bang amused na amused ito sa sinabi niya. Nakakatawa ba ang tanong niya?

"Don't worry, we're safe. Magaling ang pilot natin." Aangal sana siya pero bahagyang hinawakan ni Lemon ang kanyang kamay- na agad din niyang binawi.

"Bakit ba ang suspense pa ng venue ng meeting natin? Saan ba talaga?" Siguro ay nakita ni Lemon ang determinasyon niyang malaman kung saan sila pupunta kaya huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.

"Sa Baguio." Napanganga siya nang marinig ang sinabi ng lalake.

Sa Baguio talaga kami pupunta?! At naka-chopper?! Sosyal!

SA lumang airport sa Baguio lumapag ang helicopter. Pagbaba nila ay isang SUV na ang naghihintay sa kanila. Dumiretso sila sa Camp John Hay na venue ng meeting. It was actually more of a contract signing dahil may property daw kasing binili si Lemon sa Baguio at gusto nitong ipa-develop. The whole time ay nakinig lang si Faye at nag-observe. Ano naman ang sasabihin niya e nakapag-desisyon na rin naman si Lemon base sa mga papeles na nakahanda na.

By three in the afternoon ay tapos na ang meeting at business transactions ni Lemon. Pasakay na sila uli ng SUV nang balingan niya ang lalake.

"Babalik na tayo ng Maynila?"

"Not yet. May pupuntahan pa tayo," matipid na sagot ni Lemon.

Hindi na lang siya kumibo. Tahimik silang bumiyahe. Sa tabi ng driver umupo ang secretary ni Lemon at sa likod naman sila. Mayamaya pa ay nakita na niyang nasa Session Road sila. Ang akala niya ay baka gusto pa ni Lemon na maglakwatsa sa downtown pero sa isang simbahan huminto ang SUV. Naunang bumaba si Lemon at inalalayan siya. Naiwan sa loob ng sasakyan ang driver at ang secretary.

"Hindi ba sila sasama sa atin?" Umiling si Lemon at tahimik na pumasok sa simbahan.

In fairness! Humanga siya nang makitang lumuhod si Lemon at tahimik na nagdasal. Ganun din ang ginawa niya. After a few minutes ay halos sabay silang umupo. Walang umiimik. Nakita niyang nakatingin sa altar si Lemon.

"I love this place," narinig niyang wika ng lalake.

"Ako rin," sang-ayon niya. Gusto naman talaga niya ang Baguio Cathedral. Ilang beses na rin naman siyang nakapunta doon.

"So what do you think?" baling sa kanya ni Lemon.

"What do I think? Saan?" Nalito siyang bigla.

"Dito... sa lugar na ito."

"Don't tell me, balak mo ring bilhin pati ang simbahan?" biro niya.

"No," napangiti rin si Lemon. "I wanted to get your opinion kung okay ba dito."

"Okay for what?"

"Dito ako ikakasal... sa simbahang ito," sagot ni Lemon.

Pakiramdam ni Faye ay tinamaan ng AK-47 ang puso niya. Sabog!

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now