Chapter Thirty One: Romantic Chivalry

1.5K 67 15
                                    

PRESENT



HINDI makapaniwala si Faye na natanggal sa trabaho si Miles dahil sa kanya.

"I hate him, Vivian. Mapapatay ko talaga yang Lemon na yan! How could he do this?"


"Teka, di pa natin alam kung ano ang talagang nangyari! Huwag ka munang beast mode diyan!" Hawak ni Vivian ang sariling cellphone at tumatawag na ito.

"Anong di pa natin alam ang talagang nangyari? Ayan na nga ang text ni Miles di ba? Fired daw siya!" Kung kaharap niya siguro si Lemon ngayon ay baka nasakal na niya ang lalake!

"Hello? Chito? Si Vivian to--" Natahimik si Faye nang makitang may kausap si Vivian. "Anong sinong Vivian? Ilan bang Vivian ang kilala mo?! Sapak, gusto mo?"

"Viv, huwag ka nang mang-away--" bulong ni Faye. Pero agad na tinakpan niVivian ang bibig niya.

"Chito, makinig ka. Makibalita ka sa mga taga-HR kung ano ang nangyari kay Miles. Alamin mo kung natanggal siya or what. Tawagan kita after one hour. Kailangang may update ka ha-- kung hindi, isusumbong kita na lagi kang may drop call sa mga clients natin!" banta ni Vivian.

Matapos makipag-usap ay napatingin sa kanya si Vivian. Hawak niya ang tinidorna para sa cheesecake pero hindi niya magawang sumubo. Naiisip niyaang sitwasyon ni Miles na nadamay sa kagagahan niya.

"Sugurin ko kaya siya?" wika niyang bigla. Napataas ang kilay ni Vivian.

"Kasasabi mo lang na huwag akong makipag-away kay Chito, tapos ikaw, gusto mong sugurin ang presidente ng kumpanya?"

"Naaawa kasi ako kay Miles. Hindi niya deserve ito." Naghihimagsik talaga ang kalooban niya dahil sa ginawa ni Lemon! "Hindi porke't boss siya e gagawin na lang niya kung ano ang maisipan niya! Huwag siyang diktador at kaya kong mag-aklas at mag-rally sa labas ng building niya!"

"Puwedeng kumalma? Tingnan mo ang ginawa mo sa cheesecake-- naging giniling!" Inabutan siya ni Vivian ng tubig. "Matalino naman si Miles, I'm sure alam niya kung ano ang dapat gawin. Hintay lang muna tayo ng one hour."

"Hindi ko kayang maghintay ng isang oras." Tumayo siya after makainom ng tubig. "Pupunta ako sa office. Dito ka lang muna para di ka madamay."

"Anong dito lang ako?" Nakita niyang inabot ni Vivian ang bag at akmang tatayo pero pinigilan niya ito.

"Baka pati ikaw e mapag-initan din kaya mas mabuti pang dito ka lang. Laban ko to!" Pero tumayo na si Vivian at mukhang desidido na sumama sa kanya.

"Hay naku! Mas dapat akong sumunod sa'yo dahil baka kung ano ang gawin mong kagagahan. At least may aawat no!"


PAGLABAS ng elevator ay agad na tinungo ni Faye ang corner office ni Lemon. Sa labas ng office ay naroroon ang table ng secretary nitong si Georis. Agad na tumayo ang babae nang makitang palapit siya.

"Miss Faye, may kailangan kayo kay sir?"

"I need to talk to him," sagot niya na medyo natigilan. Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto ng office at lumabas si Lemon.

Si Georis naman ang halos mataranta. "S-sir, ano, may kailangan daw siya sa inyo. Pero wala po siyang appointment--"

"Yes?"Pormal na tanong ni Lemon sa kanya.

Pakiramdamni Faye ay biglang umurong ang bituka niya ngayong kaharap niya ang lalake. Kanina lang ay ang tapang niya. Kung bakit ba ganun ang epekto sa kanya ni Lemon ay hindi din niya maintindihan. Naramdaman niyang pasimple siyang kinurot ni Vivian sa likuran kaya para siyang natauhan.

My Lemon's Heart (Complete)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum