Chapter Ten: The Girl Who Broke Lemon's Heart

1.8K 81 6
                                    

CHAPTER TEN

10 years ago

THE GIRL who broke Lemon's heart-- yun ang mabilis na kumalat sa campus. Within hours ay binansagan siya ng mga estudyante sa St Therese Catholic School. Paano naman, may mga nakasilip pala kasi sa office ng principal nung magkita sila ni Mrs Benitez at may mga nakarinig sa naging pahayag ng mommy ni Lemon.

I've been meaning to see the girl who broke my son's heart.” Yun ang exact words ni Mrs Benitez na pinag-usapan ng lahat-- at naging paboritong linya ng mga bading sa school nila.

Wala namang sampalang naganap sa loob ng principal's office. In fact, matapos siyang tingnan ng mommy ni Lemon ay umalis na ito. The woman treated her like a lesser mortal.

The next day ay may mga nagbatuhan ng dialogue pagdaan niya-- na para bang may malaking kasalanan siyang ginawa at hindi na kailan man mapapatawad.

But madam, I love your son!” Sa lakas ng boses ng nagsalita, it was obvious na siya ang pinaparinggan.

Hindi totoo yan! You broke my son's heart. Kaya dapat kang parusahan!”

Pedring, sunugin ang babaeng yan!” Saka nagtawanan ang mga hitad.

“Malapit ko na silang patulan,” bulong niya kay Precious habang naglalakad patungong student council office. Nakatingin siya sa grupo ng mga second year students.

“Gusto mo, sampalin ko isa-isa ang mga yan? Fifty pesos lang naman yata ang multa bawat isang sampal di ba?”

Hinila niya palayo ang kaibigan. “Ano ba, ang bayolente mo. Ang ibig ko lang namang sabihin na papatulan ko sila ay sasagutin ko. Ikaw, sampal agad e.”

“Para aksyon na agad.” Natawa na lang siya sa kaibigan. Pagpasok nila sa student council office ay naroroon ang iba nilang barkada. “Ayos ah, nauna pa kayo kesa sa mga tunay na officers.”

“Ang ingay kasi sa canteen, hindi ako makapag-review,” sagot ni Joyce.

“Buti dito may aircon,” segunda naman ni Jungie. “Mainit sa labas e.”

“So ginawa niyong tambayan itong student council office, baka mamaya ay madagdagan pa ang mga haters ko.”

“May haters ka?” tanong ni Emily. “Bakit?”

Umupo si Faye. “Dahil kay Lemon! Mga loyalista niya. Ewan, pasimuno ng kulto!” Hindi niya maintindihan kung bakit siya ang inaaway gayung siya ang napahiya. “Yung mommy din kasi niya, kung makapag-dialogue parang aping-api yung anak niya. Inaano ba siya?”

“Binasted mo daw kasi,” natatawang sagot ni Joyce kahit nagsusulat sa notebook. “Ikaw na ang maganda.”

“Nandun kayo-- siya ang sumigaw sa gym. Siya ang nagpahiya sa sarili niya, tapos ako ang masama? We live in a twisted universe.”

“Ewan ko sa inyo, sa universe ko maayos naman. Walang gulo. At higit sa lahat, ako lang ang flawless,” hirit ni Ayie.

Napabuntong-hininga siya. Siguro nga ay mundo lang niya ang twisted. Bakit sa kanya nangyayari ito? May kasalanan ba siya sa past life niya kaya't eto, magulo ang kanyang present life?

“Parang ako lang yata sa history ng St Therese Catholic School ang student council president na nabu-bully ng student body,” pahayag niya mayamaya. “Imagine, yung mga lintek na second year na yun e ang titigas ng mukha na magparinig sakin?”

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now