Chapter Five: I Remember The Boy

2.1K 89 6
                                    

CHAPTER FIVE

I Remember The Boy

Present

IT WAS almost 12 noon pero gising pa siya. Dapat ay tulog na siya ng mga oras na iyun kasi ay grave yard shift siya. Typical na call center agent ang lifestyle niya, tulog sa umaga, gising sa gabi. Alas-diyes ng umaga siya usually natutulog at gumigising ng 6pm just in time para manood ng news, kumain at maghanda uli para sa trabaho. It was predictable at minsan ay nabo-bored siya sa routine but she's thankful dahil may trabaho siya.

Napatagilid uli siya for the nth time pero hindi talaga siya makatulog. Feeling niya ay one thousand sheep na yata ang nabilang niya sa utak para lang antukin pero gising na gising ang diwa niya. Masakit na ang mata niya sa kakapikit.

Lintek kasing Lemon yan, bakit pa bumalik! At iba na ang porma niya. Hindi niya maamin na guwapo ang lalake, feeling kasi niya ay nagtataksil siya sa crush niyang si Miles.

She remembered Vivian's reaction earlier when they were having breakfast at nagkukuwentuhan. Actually hindi na halos nakakain si Vivian dahil sa kaka-react.

May rason naman pala kung bakit ka natarantang bigla, girl,” Vivian said earlier. Sinabi niya kasi sa babae ang lahat ng nangyari noong high school sila ni Lemon. Feeling daw ni Vivian ay para itong nanood ng Young Love Sweet Love dahil sa love story nila ni Lemon.

Wala kaming love story, excuse me,” she corrected her friend.

May gusto siya sayo. Niligawan ka niya noong high school. Hindi ba love story yun?”

The feeling wasn't mutual. May story but not love.” Wala naman talaga siyang gusto kay Lemon noon. Makulit lang talaga ang lalake, ginamit ang yaman para manligaw e hindi naman siya madaling masilaw sa pera.

Ang harsh mo,” wika ni Vivian.

Sinabi ko lang sayo kung ano ang nangyari.Kasalanan ko ba kung binasted ko siya?”

E ngayong nagkita kayo uli? Wala ka pa rin bang gusto sa kanya?” Strangely ay hindi agad siya nakasagot sa tanong ni Vivian.

Ano nga ba ang nararamdaman niya?

Aminin mo, ang guwapo niya. Matangkad, mabango, matalino at higit sa lahat, maraming salapi! Imagine, ang bata-bata pa pero bumili ng kumpanya.” Vivian verbalized her thoughts pero hindi niya inamin.

Mayaman naman ang pamilya niya kahit dati pa,” wika niya kay Vivian. “Baka nga kaya pa nilang bumili ng isang isla!”

Pero narinig ko sa mga taga-Tech Department na kaya yumaman si Mr Benitez-- yung si Lemon mo- ay dahil nagdesign siya ng ilang programs at application na binili ng malalaking companies sa Silicon Valley. E di ba nandun ang mga sikat na computer brands?” Tumango siya kay Vivian.

She was actually impressed nang malaman niya kay Vivian ang achievement ni Lemon. Who would have thought na ang lalakeng itinuring niyang spoiled brat noon ay may pagka-genius pala? Nanonood siya sa HBO ng tv series na Silicon Valley kaya alam niyang marami talagang mga nasa early twenties na naging instant millionaires dahil magagaling sa computer. Hindi niya akalain na kasama na doon si Lemon. Siguro ay dahil ang naaalala niya kay Lemon ay ang pangungulit nito sa kanya- ang walang humpay na pagpapadala ng kung anu-anong chocolates, cake, ice cream at ang mga pabida nito na lagi niyang ikinapapahiya.

Lemon na naman! Gusto na talaga niyang pektusan ang sarili para tumigil na sa kakaisip kay Lemon. Mayamaya ay bumangon siya at umupo sa gilid ng kama. Kinuha niya ang iPhone sa side table agad na binuksan ang kanyang Viber apps.

Guys, I need to see all of you. Dinner's on me later. This is an emergency, sent to VIBER Group.Mayamaya ay sunud-sunod ang messages na pumasok sa iPhone niya.

Is this a matter of life and death? Tanong ni Precious. She answered yes.

Buntis ka ba?Bwiset ka, Jungie, hindi no!

Teh, nasa Divisoria pa ako, sabad niAyie. Isusumpa kita kapag hindi ka dumating. Ay shokot!

Is this going to affect the eco-system? Message galing kay Orven. She replied immediately. Oo kaya pumunta ka! Naisip niyang malamang na sakalin siya ng kaibigan kapag nalaman nito kung bakit nagpatawag siya ng instant gathering.

Madami pang messages ang dumating at sinagot niya lahat ang tanong ng barkada niya over Viber. She then sent a text message to Vivian-- sinabi niya sa babae na hindi siya papasok later. Bahala na.

“TALAGA?!!!” Halos sabay-sabay na reaction ng mga kaibigan.

Nasa Gerry's Grill sila sa Greenbelt at hindi pa dumarating ang order nilang pagkain kaya't kinulit na siya ng mga kaibigan. Present sina Precious, Jungie, Ayie, Emily, Nette, Jeselee at maging si Orven. Wala ang kaibigan nilang si Joyce dahil nasa Europe kasama ang asawa. Since high school ay magkakaibigan na sila kaya kilala ng grupo si Lemon.

“So lalong yumaman si Lemon? Pakasalan mo na te!” Si Ayie, may malaki itong tindahan sa Tutuban Mall.

“Nag-usap na kayo? Anong sabi?” tanong ni Precious na napainom ng tubig. May tatlong specialty bakeshop ito sa Metro Manila.

“Wala ba siyang kapatid? Pinsan? Kahit uncle?” si Jeselee ang nagtanong-- nurse by profession pero may catering business. “I'm single.”

“Baka hacker si Lemon,” hirit ni Jungie.

“Hindi pa kami nag-uusap kasi nga iniwasan ko siya. Ano naman ang sasabihin ko?”

“E di sabihin mo na kung open pa yung proposal niya sayo noon, tatanggapin mo na ngayon,” sagot ni Emily.

“Ano ba! Siya na ang me-ari ng kumpanya, tapos gaganunin ko? Seryosong usapan naman guys!”

“I agree with Emily. Remind mo sa kanya yung proposal niya tapos kasalan na. Akong bahala sa mga accessories mo sa kasal. Madaming bagong items sa store-- galing China!” Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Ayie.

Pasalamat si Faye na dumating na ang pagkain nila. At least nabawasan ang pangungulit ng mga kaibigan niya. She was just happy to be with them-- something that she needed after seeing Lemon. Pagkatapos ng dinner ay sinabi niya sa mga kaibigan na balak niyang umalis na sa trabaho. As in magre-resign siya.

“Bakit ka magre-resign? Lukaluka ka ba?” tanong ni Precious. “Although puwede din. Ikaw na ang mag-manage ng isa kong bakeshop if you want.”

“Alam mong wala akong alam sa pagbi-bake. Ni wala akong oven sa bahay,” sagot niya. “Ayokong mangyari yung nangyari noong high school tayo. Remember how Lemon was?”

“Oo, natatandaan namin. He was cute and adorable,” sagot ni Jeselee.

“Nagtataka nga kami bakit sayo nagkagusto,” sinundan yun ni Jungie ng malakas na tawa kaya hinampas niya ang kaibigan.

“Traitor,” aniya, na natatawa din. “Inggit ka lang.”

“So, kapag nagresign ka ba sa trabaho ay maso-solve na ang problema mo?” tanong ni Orven. “Wait, ano ba ang problema in the first place?”

Natigilan si Faye. Oo nga naman. Ano ba ang problema?

“Awkward much,” sagot ni Emily. “Yun ang problema niya.”

“Akin na lang kung ayaw mo,” hirit ni Jeselee.

“Teka, nagsabi ba siya na may gusto pa rin siya sayo?” tanong ni Ayie. “Or nag-assume ka lang?”

Hindi siya nakasagot. Nagtawanan ang mga barkada niya. Assumera nga ako, shit.

My Lemon's Heart (Complete)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora