Chapter Twenty Two: "I THINK I'M IN LOVE"

1.7K 80 7
                                    

CHAPTER 22

10 YEARS AGO

IT WAS the first day of school and if truth be told, wala talagang balak si Lemon na pumasok noong araw na iyun. Kung hindi lang siya pinagsabihan ng mommy niya, ni hindi siya babangon mula sa kama. He would rather stay in bed, watch tv or play online games.

Hindi pa rin kasi siya makapaniwala na paninindigan ng mommy niya ang naging banta last summer na ililipat siya ng school kapag hindi tumigil sa pakikipagbarkada sa mga online gamers.

Engaging in a virtual war, even if it is only a game is still war. You kill or be killed. It is still barbaric! You're my baby boy and I don't want you to end up in jail like a criminal!” Yun ang litanya sa kanya ng mommy niya last summer.

Mom, online game lang po yun, hindi totoong battlefield,” paliwanag niya. “It's just a hobby.”

Hobby?! You've been skipping your classes! At yang sinasabi mong hobby ay morbid! Anak, killing is not an entertainment!”

It's just a GAME, mom. Hindi naman ako magiging criminal because of that!”

Hihintayin ko pa bang mangyari yun?!” His mother feared na baka later on daw ay ma-recruit na siya ng mga tunay na gang members at kung ano pa ang makasangkutang gulo. Ganun ka-advance mag-isip ang mommy niya. Mas morbid sa kanya kung tutuusin.

Ano pa ba ang gusto mo? You have your own computer and all these gadgets, bakit kailangan mo pang tumambay sa mga computer shops para lang maglaro ng online games? E kung ano ang mangyari sayo?” Ilang beses na niyang ipinaliwanag na mas masayang maglaro kapag maraming kasama pero hindi nakinig sa kanya ang kanyang mommy.

And so, despite his protest, nalipat siya from Claret na isang exclusive school for boys to St Therese Catholic School in Bulacan. At wala siyang nagawa- after all, isa siyang menor de edad na nakadepende lamang sa mga magulang.

KANINA pa tapos ang flag ceremony pero paikot-ikot pa rin si Lemon sa loob ng campus. Naisip na niyang maglakwatsa and he was trying to think of a way to convince his driver/bodyguard na si Harlem- to allow him to skip school. Ang kaso, kahit vibes sila ng kanyang bodyguard, alam niyang mas loyal ito sa parents niya at kapag nagbulakbol siya- tiyak na maisusumbong agad siya.

Sa paglalakad-lakad niya sa loob ng campus ay napunta siya sa may gym kung saan tila isang gathering ang nagaganap. Narinig niya ang boses ng isang babae na nagsasalita sa mic. She sounded smart and young. And cute, sa loob-loob niya.

Sino kaya yun? He was intrigued kaya lumapit pa siya sa bleachers. He wanted to see if the cute voice matched the face.

So if you have questions or if you need help, please feel free to approach any of us and we'd be more than willing to assist you,” the girl smiled. Kumabog ang dibdib ni Lemon. That's when he knew he had to meet her.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now