Chapter Twelve: The Symbol of Love

1.8K 95 6
                                    

CHAPTER TWELVE

10 YEARS AGO

ILANG buwan nang wala si Lemon sa St Therese Catholic School pero kapag nakikita ni Faye ang mga classmates ng lalake o kaya ay kapag napapadaan siya sa classroom ng Sophomore Section 1, para pa rin niyang nakikita ang makulit na bagets. Nagtataka din siya kung bakit lately ay parang madalas niyang naaalala si Lemon.

Nakaka-miss din pala, naisip niya nang may makitang mga first year students na nagliligawan. Naglalakad siya noon papuntang student council office. Nag-abot ng chocolates ang lalake sa babae at nagtilian naman ang mga barkada ng babae.

One time naman ay nasa library siya at gumagawa ng report. Nauna siya sa mga kaklase niya dahil kumain pa sila sa canteen. May mga nagbubulungan sa kabilang table-- dinig na dinig niya ang usapan.

Kelan kaya ako bibigyan ni Teddy ng chocolate?” komento ng isa sa grupo. “Kahit choc-nut na nga lang okay na. O kahit isang Stick-O na lang.”

Ako naman, gusto ko bigyan ako ni Darrel ng bulaklak. Kahit isang white rose lang!” sabad ng isa. “Actually kahit pinitas na gumamela na nga lang e.

Asa ka pa? Bihira na lang ngayon ang mga lalakeng nagbibigay ng bulaklak!” Nagtawanan ang magkakabarkada. “Panahon pa ng kastila ang mga ganyan!

Me kilala ako... hindi lang roses and chocolates ang binibigay, gusto nang sumabad ni Faye pero tahimik lang siya. Napapangiti siya sa topic. Patuloy pa rin siya sa paggawa ng report.

Bakit kasi nagbo-boyfriend kayo ng mga kuripot at hindi romantic? Piliin niyo yung may pera!” sabad naman ng isa pa.

E baka naman D.O.M ang ibig mong sabihin!”

Hindi! Yung katulad nung bagets na nagtransfer dito dati? Yung nawala din?”

Si Lemon? Mayaman yun e no?”

Natigilan si Faye. Pati yata pagtibok ng puso niya ay tumigil nang marinig ang usapan.

Shhh.... huwag kayong maingay. Ayan yata yung niligawan ni Lemon,” narinig niyang saway ng isa.

Binasted niyo yun di ba?” Biglang natahimik ang lahat. Nagpatuloy si Faye-- nakayuko lang siya habang nagsusulat. Ramdam niyang pinagtitinginan isya.

Kapal ng mukha no? Sana binigay na lang satin!” Sumang-ayon ang grupo saka naghagikhikan.

Di na nakatiis si Faye. Tumayo na siya at lumabas ng library. Tuluyan nang nasira ang araw niya.

ARAW ng Christmas party sa buong St Therese Catholic School. Napagkasunduan ng student council na gawing special, kakaiba at memorable ang naturang celebration para sa lahat. Instead of the usual fiesta-themed lunch na laging ginagawa sa malaking quadrangle- complete with banda, banderitas at mga parlor games, nahikayat ni Faye ang lahat- sa pangunguna ng mga council officers- na gawing 'Winter Christmas' ang theme ng party at sa gabi iyun gawin.

Bago ang actual na party ay dalawang araw na isinara ang gym ng school para magawa ng iba't ibang committees ang kanilang trabaho. Si Ayie ang itinalaga ni Faye na in-charge sa production design. Sina Precious at Jeselee naman ang sa catering, sina Jungie at Nette ang natoka sa program and entertainment, si Orven ang sa sounds and lights at sina Joyce at Emily naman ang in-charge sa mismong gate. Ilang estudyante mula sa iba't ibang section ang tumulong na rin-- maging si Diego ay nag-volunteer na tumulong.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now