Chapter Thirty Three: Of Love and Lies

1.5K 66 8
                                    


KANINA pa pinagmamasdan ni Lemon ang sarili sa malaking bathroom mirror. There was no trace of scar from his surgery ten years ago because his mom made sure of it. That's why his body looked perfect.


Almost, naisip niya. Dahil alam niyang inside his seemingly flawless body ay naroroon ang dinaanan ng bala na muntik na niyang ikinamatay. At ni hindi alam ni Faye yun. He never told her about why he didn't make it to her prom. It is something na gusto niyang ipagtapat sa babae when the time is right.


He decided to take a quick shower then paglabas niya ng banyo ay kinuha niya ang folder na nasa console table sa isang bahagi ng kuwarto niya. Binuksan niya iyun at tiningnan. Profile yun ni Miles mula sa office na ipina-photo copy ng kanyang secretary para sa kanya. Sandali lang niyang binasa ang profile then lumabas siya ng master's bedroom at lumipat sa katabing kwarto na nagsisilbing home office niya.


Nasa states pa siya nang mabili niya ang isa sa mga penthouse units ng building na yun sa Bonifacio Global City. Malaki ang naturang unit at minimalist ang style- white walls na may accent ng black and gray lang. Walang gaanong magarbong dekorasyon, just some paintings and selected modern furnitures. Aside from the spacious living room, malaki din ang dining room at ang kitchen na mala-Food Network sa ganda. Mahilig kasi siyang magluto kapag nag-iisip kaya kung minsan ay nasa kitchen siya habang nakikipag-video conference sa mga trusted employees niya.

Malaki ang master's bedroom ng kanyang penthouse- kasya kahit limang king-sized bed! Malawak din ang bathroom na may toilet, shower, bathtub at pang-dalawahang sink. May walk-in closet din siya kaya mukhang pang-five star hotel ang kanyang kuwarto. Aside from the master's bedroom at home office ay may dalawa pang guest rooms, may maid and driver's quarters na katabi ng laundry room. Lahat ng kuwarto sa penthouse na yun ay may kanya-kanyang toilet and bath saka may separate comfort room para sa mga bisita.


Siya lang ang nakatira sa penthouse na yun pero merong ipinadalang dalawang maids at isang driver ang mommy niya. Of course hindi siya tumanggi dahil hindi naman talaga niya kakayaning linisin at asikasuhin ang naturang lugar. Once a week ay dinadalaw siya ng mommy niya. Kung minsan ay kasama ang daddy niya para magdinner sila. Hindi pa rin nagbabago ang mommy niya after all these years. Gusto pa rin nitong malaman ang lahat ng galaw niya and he knows na updated ito kahit hindi siya makita. Aware naman siyang laging ay nagre-report ang mga maids sa mommy niya, mula oras ng pagkain, pag-alis ng condo at pag-uwi. Mabuti na lang at off-limits ang kahit sino sa home office niya. The maids can only clean his home office kapag nasa condo siya and alam niyang wala namang ginagalaw na kahit ano ang mga yun dahil may cctv na nachi-check niya from his phone kahit nasaan siya.


Like the rest of the house ay minimalist din ang style ng kanyang home office. Ang laman lang ay isang gray couch, office table made of glass na may dalawang Mac desktop computers, saka malaking book shelf na kulay puti. Sa tabi ng bookshelf ay may isang wall vault. Binuksan niya yun gamit ang number code na siya lang ang nakakaalam then inilagay doon ang file ni Miles, kasama ng iba pang folders na naglalaman ng profile ng mga naging boyfriend ni Faye through the years. Isinara niya ang vault saka lumapit sa malaking glass window na malapit sa office table niya. Like the master's bedroom ay maganda din ang view mula sa home office niya. He could see the entire BGC pati ang Makati skyline.



HE remembered the first time he learned na may boyfriend si Faye. She was a freshman in college then while he was only in junior high. He was surprised and hurt at the news at hindi niya napigilang umiyak sa phone habang kausap ang mommy niya. He was scared na baka maging seryoso ang relationship ni Faye sa boyfriend nito at mag-asawa ng maaga ang babae! Nasita tuloy siya ng mommy niya.

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now