Chapter Twenty: The King and Queen

1.7K 77 9
                                    



CHAPTER TWENTY

10 YEARS AGO

ONE week nang tapos ang kanilang Holy Retreat pero may mga Baguio hang-over pa rin silang magbabarkada. Nasa canteen sila that day at nagpapakitaan ng mga pictures nang biglang pumasok si Nette-- humahangos at mukhang excited.

“Alam niyo ba kung ano ang narining kong chika sa principal's office?” anito bago umupo at kinuha ang juice na hawak ni Ayie at ininom. Natigilan silang lahat at sabay-sabay na napatanong.

“Ano?!!” Pero mukhang hinahabol pa ni Nette ang paghinga kaya kinuha ni Jungie ang tinidor na nasa spaghetti at itinutok iyun.

“Sabihin mo na kung ayaw mong mapasama sa spag noodles!”

“Kausap ni Mrs Teodosio si Mrs Benitez!” ani Nette.

Si Mrs Benitez na mother ni Lemon. Biglang nag-alert ang brain cells ni Faye sa narinig. “Nandito sa school si Mrs Benitez?” she tried to sound as casual as possible.

“Hindi. Nagkausap sila sa phone.” Kinuha ni Nette ang tinidor ni Jungie at sumubo ng spaghetti. “Pero ang sabi ng mga nandun sa principal's office ay nagtanong daw si Mrs Benitez kung kelan ang JS Prom dito sa school.”

Napasinghap si Precious. “Homaygas! Baka umuwi ng Pilipinas si Lemon para um-attend ng JS Prom!!!”

“Bakit, Junior ba siya? Senior ba siya?” tanong ni Ayie. “E di ba second year lang siya? Bakit siya a-attend ng JS Prom natin? Feeling?!”

“Baka umuwi nga yun para maging escort mo, Faye!” kinikilig na sabad ni Jeselee.

“Big time!” wika ni Emily. “Sana may pasalubong siya sa atin.” Nagtawanan ang lahat except kay Faye.

“Sus, what's the big deal? Saka bakit naman siya uuwi e lumipat na nga siya sa US,” wika niya.

“Malay mo naman di niya feel dun,” sabad ni Joyce. “And who knows, baka nga gusto kang makita sa prom.” Napatingin ang lahat sa kanya. “Di ba wala kang partner?”

“Kapag nagkataon, isang matinding kodak moment talaga ito,” hirit ni Jungie. “Magpa-video na rin tayo kay Mang Naps!” Nagtawanan uli sila.

“Nagpaplano na naman kayo na wala pa nga. We don't even know the real story.” Napatingin silang lahat kay Orven. “Puro hearsay at assumptions lang ang basehan natin, baka mamaya may masaktan na naman.”

“Bakit ako masasaktan? Saka ano naman ang pakialam ko kung umuwi siya? Bakit, sa kanya ba nakasalalay ang success ng JS Prom? Tama si Ayie-- ni hindi siya part ng prom dahil sophomore lang siya!”

“E bakit ka nagre-react?!” tanong ni Precious na nakapameywang. “May binanggit ba si Orven kung sino ang masasaktan? O nag-assume ka din?”

My Lemon's Heart (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon