Chapter Twenty Eight: Don't Break My Heart

1.6K 65 12
                                    


10 YEARS AGO

ALAM ni Lemon na kahit papano ay maho-homesick siya pagdating sa US- kahit pa puwede siyang mamasyal at mag-explore sa iba't ibang parte ng America. Noong una ay excited naman siya sa panibagong adventure lalo pa nga at alam niyang madami siyang matututunan. Pero nang mag-sink  in na sa kanya ang lahat- na doon na siya titira at mag-aaral ay nakaramdam siya ng matinding lungkot- to the point na muntik na siyang tumakas at sumakay ng eroplano pabalik ng Pilipinas!


In fact- one week after makabalik sa Pilipinas ang parents niya ay naiyak pa siya. Dala na rin siguro ng emosyon ay bigla niyang nai-ready ang kanyang maliit na backpack. May enough cash siyang dala at ATM card na puwedeng gamitin para makabili ng ticket sa eroplano.Nasa back pocket na rin niya ang kanyang passport. Pero matinik ang kanyang Tita Belle. Palabas na sana siya ng bahay nang bigla itong magsalita sa may likuran niya.


"Lemon, kung ano man ang binabalak mo-- forget it." Paglingon niya ay naroroon ang tita niya, na bagama't mukhang hindi naman galit ay alam niyang disappointed sa kanya.


"Tita..." He was obviously caught- hindi siya puwedeng mag-deny. Alangan namang pupunta siya ng mall- tapos bitbit ang passport?


Pinabalik siya ni Tita Belle sa loob ng bahay at naupo silang magkaharap sa sala. Halos hindi makahinga si Lemon- hindi rin siya makatingin ng diretso sa tiyahin.


"Akala mo ba hindi ko alam na balak mong tumakas at umuwi sa Pilipinas?" Hindi siya umimik- nanatili siyang nakayuko kaya nagpatuloy si Tita Belle na may mental powers yata! "Wala ka pang three weeks dito--ni hindi ka pa nakakapagsimula sa laban e sumusuko ka na."


Nakaramdam siya ng pagbabara ng lalamunan. Naiiyak siya pero pinigilan niya ang sarili.


"I miss home. I miss my parents... I miss...." Muntik na niyang masabing nami-miss niya si Faye. Natigilan siya. "N-nalulungkot po ako, Tita."


"Natural lang ang ma-homesick," napangiti ang Tita Belle niya. "Ganyan din ako nung bago lang ako dito sa US. Pero nasanay din ako-- madami kasing puwedeng gawin... madaming makikita."


Pero iba ang gusto kong makita, sa loob-loob niya.


"Ang mahirap lang talagang labanan ay yang pangungulila ng puso,"narinig niyang wika ni Tita Belle.


Napatingin siya sa tita niya, saka napakamot ng ulo. Confirmed-- may superpowers talaga ang tita niya! But then again-- naisip niyang most likely ay naichismis na siya ng mommy niya.


"Ano po ba ang sinabi nina mommy?" Nakaramdam siya ng hiya kahit papano.


"Look, I know how you feel," ani Tita Belle niya. "Love is sweet...especially when it's new. It is exciting... but it can also be painful... especially when it is not returned."


Sapul siya sa sinabi ng tiyahin. Bakit ba kasi ayaw ni Faye sa kanya? Tuwing naiisip niya ang bagay na iyun ay parang pinipiga ang puso niya.


Kung alam mo lang Faye kung gaano kita kagusto... minsan nga, wala nang mapaglagyan itong nararamdaman ko para sayo!

My Lemon's Heart (Complete)Where stories live. Discover now